Chapter: 8

132 1 0
                                    

Tonight I Celebrate My Love For You

Chapter: 8

Nakatingin si Leonard kay Daphne, napansin niyang malungkot ito kaya agad niyang nilapitan ang dalaga. Alam naman niya na hindi siya pinapansin nito, pero gusto pa din niya na kahit paano ay maging komportable ito sa kanya. "Daphne."

"Wala akong time makipag talo Leonard." 

Naupo pa din si Leonard sa tabi niya, "Hindi naman ako, nakikipagtalo." Sabay kamot ni Leonard sa ulo.

Napabuntong hininga si Daphne. "Maganda ba ako?" 

"Oo naman." Mabilis nitong sagot, ngunit bigla siyang nahiya sa mabilisang sagot niya. "Ibig ko sabihin, Oo." 

Nilingon ni Daphne si Leonard. "May secret ako, na never ko nasabi kahit kay Anne na bestfriend ko. Lalaki ka kasi— baka sakali maintindihan mo." 

"O-kay."

"May minahal kasi ako, pero alam ko na hindi tama. Pero— di ko alam kung paano pipigilan ung nararamdaman ko." Biglang pumatak ang luha niya.

Napatitig lang si Leonard kay Daphne, at wala sa loob na tila hinaplos ang likuran nito. "Alam ba niya?" 

Umiling lang si Daphne. "Hindi."

"Mas mabuti na hindi na niya malaman pa ang nararamdaman mo, at baka masaktan ka lang sa isasagot niya." Tugon ni Leonard. 

Napatingin si Daphne dito. "Sa tingin mo— dapat ko na ba siya kalimutan?" 

"Yes, mas mainam 'yun. Dahil pag pinagpatuloy mo yan baka masaktan ka lang ng sobra." 

Ngumiti siya ng pilit. "Salamat Leonard." Sabay punas niya ng luha niya. "Nakakainis, nakita mo tuloy akong umiyak."

Natawa lang si Leonard. "Malapit na pala debut mo." 

"Teka, paano mo nalaman?" 

"Kay Anne, may 3 months pa ako para makapag ipon ng regalo para sayo." 

"Jeezz, wag na... " sabay tindig ni Daphne. "Kakaumpisa lang kasi ng klase, sure ako na wala ka pa maiipon noh." Sabay irap niya.

"Yan ang kilala kong Daphne." Tumayo na din si Leonard, "wag ka nang iiyak ahh, hindi bagay sayo." Sabay ngiti nito at nauna nang humakbang.

"Yabang mo naman!" Sigaw ni Daphne at sumunod na kay Leonard.


*****



"Anung designed napili mo?" Tanong ni Charles. 

Namimili pa din si Daphne, "Hmm sa motive ba uncle?" Tanong niya

"Yes?" Sabay tingin kay Daphne, napansin niyang seryoso ang mukha nito pero hindi nakatingin sa mga designed na binigay niya. "Iha?" 

Lumingon siya sa uncle niya. "Po?" 

"What's wrong?" Tanong ni Charles.

"Ahh, kasi anu—" pinutol niya ang sasabihin.

"Tell me?" Muling tanong nito.

Sakto naman na pumasok ang kanilang katulong kasunod sina Anne at Leonard. 

"Hi Daphne!" Bati nang dalawa.

"Uhmm, ayun eksakto." Sabay lapit ni Daphne sa dalawa. "Uncle, gusto daw po kasi manligaw ni Leonard." 

Napatigil si Leonard at nilingon si Daphne, ang totoo balak naman talaga niya yun, pero talagang mas nagulat lang siya sa ngayon. "Dap—" hindi na niya naituloy ng pasimple siyang sikuhin nito.

Natawa si Charles at lumapit. "That's great, no worries to me." Sabay hawak sa balikat ni Leonard. "I know i can trust you to my niece right?" 

"Ehe, yes-yes sir." Kinakabahan niyang sabi.

Naguguluhan na napatingin si Anne sa dalawa. 

"Sige tulungan na ninyong mamili si Daphne sa motive, kailangan na ma-prefer ang debut niya bago dumating si Mama." Sabay tingin niya kay Daphne. "Maiwan ko muna kayo." 

"Opo uncle." Humawak pa si Daphne sa kamay ni Leonard "duon tayo sa Garden." Yaya niya sa dalawa.

Napasunod lang ng tingin si Charles sa mga ito, nakatitig lang siya sa kanyang pamangkin habang tumatawa at masayang nakikipag usap sa dalawa lalu ang pagkakahawak nito sa kamay ni Leonard. "She's not young anymore." Bulong niya.




*****


"Talaga?" Namilog ang mga mata ni Anne.

"Oo, malaki kasi yung nakita ko na pustahan. Atlis madami na ako matutulungan duon." Pabulong niyang sabi.

"Kaya sinabi mo na nililigawan kita?" Sabat ni Leonard.

"Eh, wala akong maisip na idea." Sabay kagat ng kuko ni Daphne.

"Panu yan, kapag nalaman ng uncle mo?" Si Anne.

"No, hangga't walang magsusumbong, walang makakaalam. Tsaka after pa naman ng debut ko 'yun, makakapag ipon pa ako para sa rental ng race car."

"Daphne, baka mapahamak ka." Pag aalala ni Leonard.

Natawa si Daphne. "Uy, nagi-start ka na sa feeling boyfie ko." Tukso niya sabay hampas sa balikat nito. "Don't worry, hindi ako mapapahamak noh." 

Bumuntonghininga lang si Leonard. 


******

"Yes Ma. Opo, by next week sure susunduin ko po kayo."

"Uncle!" 

"Opo, she's here. Sige ma." Paalam niya at nilingon si Daphne.  "Yes?" 

"Pinatatawag mo daw ako?" 

"Oo, dumating na kasi yung damit mo. And mag ready ka na sa pictorial mo okay, para sa invitation."  Tugon nito at lumapit sa kama. "Here." 

Napatingin si Daphne duon at mabilis na lumapit, nang buksan iyon ng uncle niya ay bumungad ang designed gown na inorder niya. Pumasok na ang mga katulong at dala ang isang manequin para ayusin iyon. Nang mailagay ito sa manequin ay tsaka lang niya nakita ang kabuuan. Blush pink ang kulay, off shoulder na floral embroidery.  Simple lang at hindi masyadong halata ang mga embroid. 

"Hindi siya masyadong O.A sa designed siniguro ko na magiging komportable ka sa damit. " paliwanag nito.

Nilingon ni Daphne ang uncle niya at agad na yumakap. "Thank you uncle." Sabay pikit niya

"Of course, i will do anything para sa Prinsesa ko." 

Tumingala si Daphne at ngumiti. 

"Oopps, wag malungkot ha. Be beautiful  always." Sabay pisil bahagya sa baba niya.

Kumalas na si Daphne sa pagkakayakap at tumango. "Darating na ba sila lola?" 

"Next week." Tugon niya 

"Good, eh yung nililigawan mo?" Bigla niyang tanong.

"She's my girlfriend now." Sabay akbay kay Daphne. "Ipapakilala ko siya sayo sa birthday mo, i'm sure you will like her. I promise." 

Tumango siya at ngumiti ng pilit. "Siguraduhin mo uncle. Na mabait talaga siya." 

"Opo. Alam ko naman na, hindi ka papayag mapunta ako sa evil witch." Sabay tawa nito.

Natawa na din siya at muling yumakap dito, niyakap din siya ni Charles. "Leonard is a good man, i know that. Marunong ako kumilatis ng lalaki, at kung siya magiging future mo, i'm happy." 

Ngumiti lang si Daphne at mas lalung humigpit ang yakap niya sa kanyang uncle.


*******


#AuthorCombsmania




Tonight I Celebrate My Love For You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon