Chapter: 37

108 1 0
                                    

Tonight I Celebrate My Love For You

Chapter: 37

Lumapit si Daphne kay Charles, pansin niyang busy ito sa mga inaayos na papeles. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at tila minasahe. "Hindi ka pa ba, matutulog?" 

"Tinatapos ko na lang ito." Tugon niya at saglit na sumandal sabay lingon kay Daphne, ngumiti siya at hinawakan ang kamay nito hinila niya ito bahagya para makaupo sa kanyang kandungan. "How's your feeling?" 

"Okay lang, parang mas masaya ako." Sabay yapos sa leeg ni Charles. "Kasi— alam na nang lahat ang relasyon natin."

"Ako din, mas masaya ako sa ngayon. Dahil hindi na ako natatakot." Sabay titig kay Daphne

Ngumiti si Daphne at namungay ang mga matang tumitig kay Charles. Tila kusa na lumapit ang mukha ni Charles para hagkan ang labi ni Daphne.

Napapikit si Daphne, talagang sinusulit nila ang nga panahon na nagdaan. Ang lumipas na taon na nasayang dahil sa pagtatago ng kanilang mga nararamdaman. At ngayon, ito na ang panahon para muling mabuhay ang kanilang pagmamahalan.

Hindi na tinapos ni Charles ang ginagawa at binuhat na si Daphne, halos magkahinang pa din ang kanilang mga labi hanggang makarating sa kama. 

Natatawa si Daphne nang ihiga siya ni Charles. "Hindi pa tayo kasal, pero panay na honeymoon natin." Biro niya.

"Pwede ko naman, i cancel at itutuloy na lang ang trabaho." Akmang babangon na siya sa kama, nang bigla siyang hatakin ni Daphne. Siya tuloy ang napahiga sa kama. Sabay dagan ni Daphne sa kanya, may kinuha pa ito sa gilid ng kama. Bigla siya natawa nang kagatin pa ni Daphne ang rose at tila dahan-dahan na  tinatanggal ang tali ng kanyang roba. "You making me horny... "Malumanay na sabi ni Charles.

Tinanggal na ni Daphne ang rose sa kanyang labi at tila pinagapang iyon sa mukha ni Charles pababa sa leeg nito. Sinabayan niya ito nang halik mula noo, pababa sa ilong... Halos hinabol pa ni Charles ang labi niya pero sinadya niya na lagpasan iyon.

"Oh, come on.." Reklamo ni Charles, pero naramdaman niya ang labi nito sa leeg niya. "Daphne.. Nakikiliti ako." Natatawang pinipigilan ang sarili. Pero napapikit siya nang humaplos ang palad nito sa kanyang kaselanan. "Please..." Tila request niya.

Sumilay ang pilyang ngiti ni Daphne at saglit na huminto, tumayo siya.

Napadilat si Charles. "Where you going?" 

"I will turn off the lights, para di mo makita." Sagot niya sabay kindat.

Muling hiniga ni Charles ang ulo, saby dilim nang paligid. Muli niyang naramdaman ang kamay nito, kaya napakagat labi na lang siya...

At ang madilim nilang kwarto ay napuno nang halinghinan sa magdamag....





******

"Sheryl, pakiayos mo na eto lahat." Bilin ni Charles.

"Okay po sir." 

Ngumiti pa si  Charles at pasipol-sipol nang magtungo sa elevator. Pinindot na niya ang floor sa may parking area. Maaga siyang uuwi dahil may dinner sila ni Daphne, nangako kasi siya na magdate sila ngayong gabi. Balak din niya bilhan ito nang favorite na bulaklak...

Nang makalabas sa elevator, ay agad na siyang nagtungo sa kanyang kotse.  Inayos na niya  ang susi at balak nang susian.

"Charles!" Sigaw ni Daphne at masayang patawid sa kanya.

Napalingon si Charles at ngumiti, ngunit agad niyang nadinig ang tila harurot nang isang sasakyan. Mabilis sadya ang pagmamaneho, kaya mabilis niyang nilingon si Daphne dahil malapit na ito. "Daphne!" Sigaw niya at nagmamadaling tumakbo sabay tulak sa dalaga.

Nagulat si Daphne sa mabilis na pangyayari, lalu nang makita niyang tila tumilapon ang katawan ni Charles sa lakas nang pagkakabundol dito. "Charles." Sambit niya.

Napatigil si Terry nang makitang duguan habang nakahandusay si Charles, tila natauhan siya at sunod-sunod na napalunok. Pero tila may mga pulis na dumating— mabilis na naharang si Terry.

Pinahanap sadya ni Charles kay Leonard ang nagpakalat ng mga litrato at balita tungkol sa kanila ni Daphne, at natuntong kung kanino lahat nagsimula.

"Bitawan ninyo ako!" Sigaw niya.

Mabilis na lumapit si Daphne kay Charles. "Tulong...tulong!" Sigaw niya.

"Daphne." Si Leonard na agad nang tumawag nang ambulansya.

"Cha-Charles..." Tila napahawak siya sa ulo nito na puro dugo. "Hi-hindi..." Sambit niya at pumatak ang luha, biglang may mga lumapit kay Charles. At tila mabilis itong isinakay sa strecher. Hindi niya magawang tumayo, para bang nangangatal ang kanyang tuhod. "Charles...." Tawag niya.

Agad na lumapit si Leonard at inalalayan si Daphne. "Halika susunod na tayo." 

Hindi pa din makaimik si Daphne, pakiramdam niya ay mabilis ang mga nangyari at hindi lang man niya ito namalayan... Pumatak muli ang luha niya, "Charles..."




*****


Hindi mapakali si Daphne habang naghihintay sa labas, labis-labis ang pag aalala niya. Pakiramdam din niya na hindi siya makahinga ng maayos, ang luha niya na panay na lang pagpatak. Natatakot siya, natatakot siyang maiwan ni Charles.

"Daphne." 

Nilingon niya si Leonard, ngunit napailing lang siya. Napaiyak siyang muli at tila nagpabalik balik ulit ng lakad, huminto lang siya nang may lumabas na Doktor. Nagmamadali siyang lumapit. "Doc, how's the patient?" 

Tinanggal nito ang surgical mask na suot, tila ang awra nang mukha ay malungkot. "Nagawa namin remedyuhan ang kundisyon ng pasyente, pero kritikal pa din ang kundisyon niya." 

Napailing si Daphne. "No, no— hindi 'yun totoo." Napalunok siya at muling tinitigan ang doktor. "Doc, gawin ninyo ang lahat, pakiusap!" 

"Ms. Fuentes, please be calm."

"How do i?!" Tila pasigaw niya. "Iligtas niyo siya, nakikiusap ako!"

"Daphne." Saway ni Leonard at lumapit. 

Umiyak si Daphne at bumaling kay Leonard. "He will survive, right?" 

"Yes... Alam ko na makakaligtas siya." Tugon ni Leonard na pumatak na ang luha.

Napailing si Daphne at tila napaupo. "No, no... Makakaligtas siya, nag promise siya sa'kin.." Sabay hagulgol niya nang iyak.

Napaupo si Leonard sa tabi niya, pakiramdam niya parang naulit ang nakaraan. Noong si Daphne ang nasa peligro....



*******

#AuthorCombsmania

Tonight I Celebrate My Love For You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon