SOMBE.

68 0 0
                                    

A/N: Hindi pa din ako makagetover sa DKFC nung Saturday. Mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita ko yung mga fancams at picture. Sana mag-solo concert sila dito :( Please. Pero wag naman sunod sunod. Hinay-hinay lang. Pulubi ako eh.ha? HAHAHA. Sige. Eto na.

Chapter SEVENTEEN - SOMBE.

Sinubukan kong bumangon.. Pero hindi ko magawa. Kaya tinawag ko si Yaya. Agad naman siyang pumasok dala-dala ang breakfast ko with medicines.

"Kumain ka muna, Yen. At pagkatapos, inumin mo 'tong mga gamot. Ok? Para gumaling ka na.." Sabi niya at lumabas na. Anong oras na ba? Hmmm... So, I checked my phone and it's 8:25 na. That means late na ko for School. Tadtad din ng messages ang inbox ko... Galing sa aking mabubuting kaibigan.

From: Sally

'Uyyy. Di ka papasok?'

From: Irish

'Late ka na, girl. Papasok ka ba o hindi?'

From: Sally

'HOY! ANYARE SAYO?! BUHAY KA PA BA? HA?'

From: Irish

'Nakauwi ka ba ng maayos?! Nasan ka?!'

Ayan na naman sila.. Ma-ala nanay mode. Andami ring missed calls galing dito sa mga 'to. Hmp! Mamaya na nga. Kumain na ko at ininom ang medicines ko. Pero.. ganun pa rin ang pakiramdam ko. Kaya itinabi ko yung tray at nahiga ulit.

Bigla na lang pumasok sa isip ko yung mga nangyari kahapon.. He turned his back and immidiately left me... Ang hirap. Di ko lubos maisip talaga kung ano pa ba kami. Naramdaman ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko. Hindi na rin siguro tuloy yung performance namin dahil dun sa nangyari. What do I have to do? Tell me, quickly. Iiwasan ko ba siya? Or act like nothing happened? Aish. Ayoko na! Hindi ko na mapigilang umiyak kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko tapos nagtakip ng kumot at hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

***

Nagising ako dahil may lumulundag sa kama ko. Tinanggal ko yung kumot na nakatakip sa mukha ko at nakita ko si Sally na lumulundag sa kama ko at si Irish naman nakaupo lang sa dulo ng kama.

"Ayy. Ang ingay mo kasi eh. Yan tuloy! Nagising. Tsk..." Saway ni Irish kay Sally saka ulit tumingin sakin. "...Yen! Ano? Okay ka na ba?! Ba't ka ba naligo sa ulan? Sa gabi pa? Ha?" OA napagaalala niya.

"Oo nga! Anong trip mo? Dahil ba yun kay.. kay.." Hindi na niya naituloy pa dahil tinitigan ko siya ng pagkasama-sama.

"Let's not talk about him today.. Okay? And ano bang ginagawa niyo dito? Umuwi na kayo. I need rest." Pagtataray ko sa kanila.

"Tch. O'sige. Wag na siya pagusapan natin. Yung nangyari na lang sayo kung bakit ka nagkasakit." -Irish.

"Ayoko! Tinatamad ako. At isa pa, masama ang pakiramdam ko. Kaya, pwede na kayong umalis. You're free, go." -Pagpapalusot ko. Sa totoo lang ayokong magkwento sa kanila dahil baka hindi pa ko nakakatapak sa lupa ng School eh, alam na ng buong campus ang tungkol don. At ayoko ring naawa sila sakin. Kaya, atin-atin na lang yun. Okay? :D

"Freego? Diba bilihan ng mga damit yun? HAHA." Pamimilosopo ni Sally.

"Corny." Sabi ko sabay takip ng kumot.

"Yen! Dali na kasi. Hindi kami aalis dito. Bleeeh!" Pangaasar pa ni Sally.

"Aish. Ang tigas ng ulo. Naulanan ako kagabi kaya yun. At.. YUN LANG!" Pagmamaldita ko.

"Yun nga lang ba talaga? Liar. Tss." -Rish

"Sinungaling ka. Alam na namin, nagsisinungaling ka pa. Ayoko na. Parang wala naman tayong pinagsamahan." -Sally.

Fool for Love.. (K POP FAN-FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon