Christmas Eve x Festival & Mini-Concert

97 0 0
                                    

A/N: Shorten ngayon, kaya eto.

Chapter EIGHTEEN - Christmas Eve x Festival & Mini-Concert

"Kyaaaaaaaaaaaaah~ Yen! Bagay sayo! Ikaw naaaa~ Sakin bagay ba?!" -Pagtili ni Sally.

"Bagay." - Irish.

"Talag---"

"Kay Yen. Hindi sayo." -Irish.

"Ang sama netooooooo~ Hindi din naman bagay sayo eh! Tch" Sally sabay flip ng hair.

"Ang baduy kaya! Sino ba may pakana nito?! Japanese ba tayo?! Asaaaaaar!" Inis na pagsigaw ko. Eh sa naiinis ako eh! Puro lalaki lang naman magpupunta dito! Nakooo~ Mamboboso lang naman yang mga yan. Buti pa sana kung si Voltaire ang pupunta dito! (CHURA KO >>)

Well. speaking of Voltaire... Wala na. Hindi na kami nagkakausap. Siguro nga wala na talaga... Ayan! Nalulungkot nanaman ako. Mamaya na din pala yung Concert. Pano yan? Pag tinawag ako?! Eh hindi naman daw kasi pwedeng magback-out. Wala pa naman akong pinractice at isa pa. Unang-una pa kami sa magpeperform! Hayyy. Bahala na si Batman.

"GUYS! Ready na! We're gonna open in 2 mins." -Sabi nung Class President. Settled na lahat mula sa mga maid, waiter at ang buong lugar.

Nagstart na ang pagiging maid namin. Ang hirap palang maging maid -__-. Punta dito, usap dito, punta don, usap don. Ayoko na! Suko na koooooooooooooooo! T_T Pero medyo napawi naman ang pagod ko dahil dumating sila Dana, Nicole, Ariela at Ron.

Natapos ang buong maghapon ng ganun. Nagpalit na ko ng damit kaasar kasi yung maid costume na yun eh. Kung pwede lang pagdududukutin yung mga mata ng mga lalaking yun! Halos lumuwa na nga yung mga eyeballs!

Kasalukuyan kaming naglalakad nila Irish papunta sa Auditorium. Dun kasi gaganapin ang Concert na yan. I'm kinakabahan na! Shizzz. Pano na?! Kasi naman ihhh! Baka mapahiya ako sa harap TT0TT. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.

Naupo kami sa gitna, katabi nila Dana. Absent siguro si Voltaire. Hindi ko siya nakita maghapon eh :3 Baka iniiwasan niya talaga ako. Haaaay.

"Calling all the Performers tonight. Please hurry and come to the backstage now." - Sabi nung speaker.

"Halaaa. Be! Pano na yan?! Wala akong partner! Tapos di pa ko nakapaghanda. Waaaaaaaa~"

"Kaya mo yan! Magsolo ka na lang! Dali na, go!" Sally.

"Oo nga, Yen. Kaya mo yan! Fighting!" Sabi nung ipis na si Ron.

Pumunta na ko para sabihing nawawala yung kapartner ko at magba-back out na ko. Oo! Tama! Sasabihin kong magbaback-out na ko kasi wala yung kasama ko! Niceeeeee. Okay.

Lumapit ako dun sa babaeng nagaasikaso sa mga Performers at kinausap ko siya.

"E-excuse me. Uhhm. Wala po yung kapartner ko. So, magbabackout na po ako." Kinakabahang sabi ko. Hindi convincing, shet. (SUOT KO>>>>)

"Hindi ba may Rules tayo? Na bawal umatras?" -Siya.

"Ehhh.. Kaso nga po wala yung kapartner ko ehh." -Ako.

"Edi magsolo ka!" Pagsusungit niya. Ano ba yan si Ateeeeeeeeee! Hindi pwede! Halaaa! Pano na ko?! Ihahanda ko na lang ang sarili kong mapahiya TT____TT

"A wonderful Christmas Evening to everyone! So, what the hell are we waiting for? Let's call our first Performers! A couple from the Senior High! Here they are! Jullienne de Leon and Voltaire Santiago!" Paga-announce ng Emcee.

"Miss! Ikaw na! Dali. Labas na!" Sabi ni Ateng masungit sabay tulak sakin. Eto naman ako... Hindi alam kung pano sisimulan. Okay... Hinga malalim...

Fool for Love.. (K POP FAN-FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon