His Parents.

69 0 0
                                    

Voltaire yung nasa right :) Kung sakaling macurious kayo sa itsura ni Yen. Go back to the previous chapter andun siya. Osha, eto na :)

Chapter TEN - His Parents.

"Anong ginagawa natin dito?" Nandito kami ngayon sa harap ng isang sikat at napakalaking boutique. Pero hindi siya sumagot at pumasok na sa loob. Pagpasok namin binati kami ng isang babae.

"Welcome back, Sir!" Bati ni ate mong girl.

"Yen. Sumama ka sa kanya. Tapos pumili ka nang damit mo." Sabi niya habang nakaupo sa lobby.

"Ha? O-O'sige." Sumama na lang ako. Pabago-bago mood niya. Kanina napakasweet niya tapos ngayon napakasungit. -______-

Dahil nahihiya naman ako kay Voltaire yung simpleng dress na 3/4, above the knee, pink with black polka dots. Simple lang pero mukha pa ding elegante. Pinasuot yun sakin ni Ate tapos inayusan ako. Nilagyan ng light make up then kinulot ang buhok ko.

"Ayan! Okay na! Labas ka na. Hinihintay ka na nun!" Nakangiting sabi ni Ate.

"O-opo." Tumango ako at lumabas na.

"A-ayos lang ba?" Tanong ko sa kanya habang siya nagtetext pa din. Tumingin siya sakin at biglang nagslow-motion ang lahat tapos may kumikinang-kinang pa. Yiiiie! XD

"Y-you look pe-perfect..." Sabi niya habang nakatingala sakin tapos nagss-sparkle pa yung mga mata niya. Parang fairytale lang. Nginitian ko lang siya.

Voltaire's POV

Nandito na kami ngayon sa harap ng hotel. Nagi-guilty na talaga ako.

*Flashback*

"Ser, nakauwi na po ang mga Magulang niyo." Sabi ng maid namin nang makapasok ako sa bahay galing School.

"Ano?! Ba't ang aga naman yata?!" Sigaw ko tapos tumakbo sa sala. Ang alam ko kasi Bukas pa sila uuwi. Friday pa lang ah?!

"Oh, anak. Nandito ka na pala. Kamusta ka na?" Tanong ni Mama.

"Ayos lang po." Alam kong may dala nanaman silang hindi magandang balita. Lalabas na nga ako.

"Wait.. Wala ka pa din bang girlfriend hanggang ngayon??" Tanong ni Papa.

"A-ano po kasi eh---"

"May ipapakilala na kami sayo..." Sabi ni Papa. Ano?! Ise-set up nanaman nila ako sa hindi ko kilala. Hay nakooo.

"Yes! I'm sure magugustuhan mo siya!" Sabi ni Mama na kinikilig-kilig pa -_______-".

"Meron na po!" Napalakas yung boses ko. Pataaay! Sino naman kayang ihaharap ko sa kanila?

"Oh! Really?! Ipakilala mo naman siya samin!" Sabi niya.

Katapusan ko na... "Hindi po kasi siya--"

"Sa Tuesday, meet us at La Rosa's Hotel. 5 PM. Okay?" Sabi ni Papa.

"Pa! Ang bilis naman po yata?" Tanong ko.

"Aalis na kami sa Wednesday morning. Busy na ulit kami nun." Yun lang at lumabas na ako.

Sinabi ko yun kila Ivan at Kevin. Sabi nila si Yen na lang daw dahil siguradong magugustuhan nila si Yen. Mayaman naman daw kasi si Yen, sikat at makapangyarihan ang pamilya nila.

*End of Flashback*

Ang sama-sama ko naman, parang ginagamit ko lang siya. Pero hindi naman kasi may feelings ako sa kanya... Pero.. AISH! Bahala na. Magco-confess na lang ako sa kanya bukas. Para naman aware siya.

Saturday @La Rosa's House Party, 6PM.

Hinintay ko sila Yen sa labas. Putcha! Kinakabahan naman ako!

"Voltaire.. Ayan na sila." Sabi ni Ivan.

"Sige.." Pinagbuksan ko siya ng pinto at BOOM! Ang ganda niya talaga. Sasabihin ko pa ba o hindi? ARGH! Ewan.

"You look beautiful tonight..." Bulong ko. Tae! Nakakahiya! Pero wala siyang response. Pano na yan?

"Meet me at the garden. 9:30, okay?" Bulong ko ulit. Tinignan niya muna ako at tumango. YES! Yiiiee. Kiniakabahan naman ako. Baka kasi hindi siya pumayag... Pero handa akong tanggapin yon...

9:30 na ah? Ba't wala pa siya? Matext nga. Tinixt ko siya nang paulit-ulit. Naghintay ako nang naghintay.. Siguro inabot din ako ng mga kalahating oras dun... Kaya bumalik na ako sa loob...

"Oh! Voltaire!" -Ivan.

"Si Yen? Umuwi na ba?" -Ako.

"Oo, tol. Nagmamadali nga sila eh. Kakalabas lang." Ba't naman? Di kaya nalimutan niya lang yung sinabi ko? Oh, kaya nabingi siya kanina kasi maraming tao kaya hindi niya narinig? Pero ba't siya um-oo? Nagmadali akong tumakbo sa labas. Hinanap ko sila pero wala na..

Plano ko pa naman sanang... Umamin na sa kanya at ipakikilala ko na siya kila Mama. Pano na yan? Disappointed ako na nasasaktan. Ni hindi man lang siya nagsabi o kaya da't hindi na siya um-oo. At higit sa lahat SINO NAMAN ANG IPAKIKILALA KO SA KANILA?! Aiish. Bahala na nga. Iindian-in ko na lang siguro yung iapapakilala nila sakin. HAHA. Pero.. nakakatampo si Yen.

Monday @Mall - Arcade

Naisipan naming magcutting nila Ivan. Katamad eh. Haha. Pero nakita namin sila Yen. Nagcutting din sila? Aba! Aba! Pero kinulit niy ko nang kinulit kaya napapayag ko siya na maging kami! HAHA. Tulala lang siya eh. Kaya umalis na ko. Baka bawiin pa niya eh. At kinuha ko talaga yung stuff toy na yun dahil halatang-halata na trip niya yun. Kaya binigay ko sa kaniya yun kahit na nabwiset ako dun dahil maduga yung machine na yun.

Kinabukasan..

Nakita ko siyang nakikipagway kay... kay Tanya. Yung babaeng.. UGH! Letche, next time kwento ko sa inyo :) Wag lang ngayon. Wala ako sa mood.

Tinisod siya nito at natapunan yung damit niya kaya nilapitan ko sila.

Nagulat naman si Tanya nang bigla akong sumulpot at biglang pumulupot sa braso ko. Si Yen naman, halatang naiinis na at nagseselos. HAHAHA. Ang cute niya. Kaya pilit niyang hinihiwalay sakin si Tanya. Pero itong Tanyang 'to ayaw talaga. Hindi pa siguro niya alam na girlfriend ko siya. Natutuwa ako sa nangyayari kaya tinignan ko lang kung ano pa ang gagawin ni Yen. Pero, nagulat ako nang bigla na lang niya itong sinabunutan at ayaw papigil. Nakaka-awa naman si Tanya kaya tinulungan ko. Sobra kasi yung revenge niya. Kulang na lang kalbuhin niya. Hahahahaha. Pero nagalit siya tapos tumakbo. Tinwag ko siya pero hindi na siya lumingon o nakinig pa.

Pero nakasalubong ko siya at hinila pa-akyat sa rooftpo para mag-usap. Pero kung ano-ano ang pinagsasabi niya like "VOLTAIRE! AYOKO! BATA PA KO!" something like that. Kala naman niya gagawin ko sakanya yun. Mabait kaya ko.. Minsan. Haha. Gusto ko lang namang isuot sa kaniya yung Blazer ko kasi sobrang lamig. At sinabi ko sa kanyang may pupuntahan kami. Pumayag naman siya. Buti na lang. Makikilala na siya ni Mama.

Nandito na kami sa harap ng boutique na regular customer na ko dito. Hinayaan ko na siyang mamili ng damit niya at pinaausan ko na rin siya. Hindi ko alam na.. ganun pala siya kaganda. Hindi naman kasi siya nagme-make up. Pero kahit sa simpleng dress at make-up na yun.. Mas lalong lumalim yung nararamdaman ko sa kanya.. She's so pretty. Kahit saang ang gulo.. At ang buhok niya.. Ang smooth, ang silky at sumusunod sa galaw niya. Ay? Corny. Pero ang ganda ng pagkakakulot. Bagay na bagay.. Ay, nako. Baka mabakla pa ko. Kaya tama na.

Sumakay na kami ng taxi at bumaba sa Hotel nila Ivan. Dun din kasi nagcheck-in sila Mama, kaya sabi nila dun na lang. Pero, pagbaba namin... Si Yen.. Mukhang gulat na gulat. I'm sure matutuwa siya kapag nalaman niyang ipapakilala ko siya kila Mama. Ganyan naman ang mga babae eh..

-----

Hi! Lorraine 'to :) May pasok na bukas.. Nitatamad ako. Mas busy po kami ni Karen this month and next month and.. Wala na. Kasi ho graduating. Ganun talaga. You know, naman xD Sige na. Gabi na. Babuuuuuuuuuuuu ! :*

Fool for Love.. (K POP FAN-FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon