Textmate XD

82 1 0
                                    

(Dedicated to GianColarina. Thanks sa pagfan. Ang I like your story. Asawa ko bida eh! Hahah. Paplug po. PLEASE :) Ipaplug ko din sainyo :) Promise :) Yun lang. Eto na po )

Chapter TWENTY TWO - Textmate XD

"Ron?" Sabi ko.

Nginitian niya ako at lumapit.

"Anong ginagawa mo dito? May kasama ka ba?" Tanong niya.

Lumingon-lingon ako.

"Ah.. Meron ba? Sige, aalis na ko." Sabi niya.

"H-hindi. W-wala akong kasama."

"Wala kang kasama? So, mag-isa ka lang?" Siya.

"Malamang."

"Haha. Ito naman. Pinapatawa ka lang. Ang lungkot mo kasi eh." Sabi pa niya.

"..."

"Mind if I ask why?" Siya.

"..."

"Okay lang kung ayaw mo. Basta, I'm always here kapag kailangan mo ng mapago-openan." Sabi niya, tinignan ko lang siya.

"Huhulaan ko... Tungkol yan sa Boyfriend mong si Voltaire no?'' Nagsmirk siya.

Siguro nga kailangan kong ilabas 'tong mga hinanakit ko dahil ang daldal niya. An'konek?

Tumango-tango ako.

"Hah! I knew it. Alam ba 'to ng mga kaibigan mo?"-Siya.

"Hindi... Ayokong malaman nila. Pero mukhang alam na din naman nila..."

"Okay.. So, what is this about? What happened?" Medyo naga-alaangan pa kong sabihin sa kanya pero hindi ko na kaya! Sasabog na 'tong nararamdaman ko.

"Basta. It's a long story.."

"It's okay. I'll spare my time for you :) Kung ayaw mo, make it short, then." Ngumiti siya.

"Hindi niya ko.. Mahal...." Sabi ko ng mahina. Everytime na si nasabi kong he doesn't love me, nasasaktan ako ng sobra. Sobra-sobra.

"Break na kayo?"

"Oo." At ito nanaman ako. Hindi mapigilang umiyak.

"Gi-ginawa ko naman ang lahat pe-pero.. *sob* Hindi niya pala ako kaya mahalin.. Uwaaaaaaaaaaaaa TTOTT" Pagngawa ko.

Nakatingin lang siya sakin.

"Ta-tapos ngayon... *sob* kasama niya yung babaeng *sob* malanding yun! Waaaaaaaaaaaaaaaa"

Niyakap niya ako tapos pi-nat yung likod ko.

"Shhh. It's okay. Daddy's here.." -Siya. Humiwalay ako.

"Kasi naman eh! Seryoso kaya ako dito!" Pagmamaktol ko >___>

"Joke lang. Sige. Umiyak ka lang." Hinug niya ulit ako.

Lumipas ang ilang minuto ng ganun. Nang mahimasmasan ako, humiwalay na siya.

"Dumidilim na oh. Lika na. Hatid na kita." -Sabi niya tapos tumayo at tinulungan akong tumayo.

Naglakad kami palabas at sinundan lang siya kung magpunta. Dala pala niya yung kotse niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinatid na ako.

"O, pano? Aalis na ko ah? Wag na iiyak :)" -Siya.

Medyo nagbago siya. Mahiyain siya dati tapos uutal-utal pag kaharap ko. Pero ngayon, you can see the difference.

"Maraming Salamat. I appreciate your company." Sabi ko.

"It's nothing. You can call me, anytime. When you need someone to open with. Sige na. Bye." Sabi niya at kumaway tapos pumasok na ako.

Fool for Love.. (K POP FAN-FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon