Chapter 9: It Has Started

16 0 0
                                    

Chapter 9: It Has Started

L:ASCOBT

*****

Lei's PoV

Ngayon ko lang siya nakitang ganun. Ibang-iba siya sa Keziah na kilala ko. Yung matapang, hindi umiiyak ng ganun ka lala, basta parang lumabas ang weak na Keziah.

Naabutan ko siya sa comfort room ng girls. Nung una nagtaka ako kasi merong wire na nakapulupot sa knob ng pinto ng c.r.

Kinabahan na agad ako, kaya naman dali-dali kong binuksan yun at hinanap siya.

"Ziah!!!" sigaw ko.

Meron naman akong nakitang isang pinto ng cubicle na may wire ding nakapulupot. Dali-dali ko din itong binuksan at nakita ko siya.

She's crying to bits. And sweating a lot. Gulong-gulo ang buhok niya at basang-basa siya ng pawis.

Lumapit ako sa kanya at kinandong siya.

"Sssh! Stop crying. Andito na ko." I said habang hinahagod ang likod niya para tumahan siya.

"*crying* Ayoko ng maulit *sob* pa 'to Lei. *crying* Natatakot ako sa ganito!*sob*" Nainis ako ng konte dun ah. Sino ba naman kasing tao ang may matinong isip na magkukulong sa kanya dito. Naiinis ako dahil hindi ko siya na protektahan.

"Sshhh! Listen to me." i held her face para makaharap siya sakin.

Namumula na ang mukha niya sa kakaiyak. Maga na rin ang mata.

"It won't happen again okay? All you have to do is to breath." nag inhale exhale ako at ganun din siya. Pinunasan ko pa ang pawis niya habang ginagawa yun. Ilang sandali palang ay naging okay na siya.

"Kaya mong tumayo??" tumango naman siya bilang sagot at tumayo.

Hindi na ako nagdalawang isip na dalhin agad siya sa infirmary.

Iniwan ko na agad siya dun at pumuntang classroom para mag paalam sa prof namin na di siya mkakapasok, at nag excuse narin ako at sinabing uuwi na muna dahil masama ang pakiramdam ko. Ang totoo niyan may gagawin ako. Buti nalang at malakas ang kapit ko sa prof na yun.

Pumunta na kong parking lot ng school para kuhanin ang motor ko.

Pagdating ko dun may nakita akong tatlong lalake. Parang hindi dito nag aaral ang mga to. Ang uniform nila iba kasi sa uniform namin, ang pagkakalaam ko, Gwangmun Fei University ang school na to.

Nakasandal yung isa sa may kotse habang nagyoyosi at yung dalawa naman palinga linga sa paligid.

Hindi ko na sila pinansin at pinaandar na ang motor ko.

Aalis na sana ako ng marinig ko naman ang isang lalake na nagsalita.

"Hey! Excuse me." sabi nito na lumalapit na sakin

"What?"

"May kilala ka bang Keziah Park??" tanong nito

Sino ba tong mga to?? Tsaka bat nila hinahanap si Keziah?? Tsk! Ano na naman kaya ginawa nung gangster na yun.

"Wala." sabi ko tsaka pinaharurot na ang motor ko.

Hindi ko pwedeng sabihing kilala ko si Ziah. Di ko naman kilala ang mga yun eh, mukha pang mga basag ulo ang alam.

Ilang minuto din ay nakarating na ko ng bahay.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang kapatid ko.

"Hello kuya??"

"I need your car."

"Bakit?? Anong gagawin mo??"

LOVE: A Serious Case Of Bad TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon