Chapter 19:Both Have Friends

7 0 0
                                    

Chapter 19: Both Have Friends

#L:ASCOBT

- -

Lei's PoV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi! Kaya lutang ako ngayong umaga!

Ewan ko ba kung bakit balisa ako kagabi! Eh nakita ko lang naman siyang suot ang bath towel niya >

She's - - - - - - -

stunning >

Wait~~ano ba iniisip ko!

Hoy! Bestfriend mo yan! Alam mong masisira ang friendship niyo pag pinatuloy mo pa yang kagag*han ng utak mo!

Kung kelan napaka komplikado na ng lahat, ngayon ka pa magpapadala sa bugso ng damdamin mo!

Dvmn you Lei! To the highest level ang katangahan mo!!

Nagagalit ako sa sarili ko!

Di ko na alam kung ano pa ang susunod na mangyayari, basta ang alam ko, hindi dapat malaman ni Ziah ang tungkol dun sa gang niya, na gang ko na rin. Takte lang talaga oh!

Pasok pa sa gang Lei! Masaya dun! Maraming gulo!!

Marami pang gang, baka gusto mo pa magpa-member???!!!! FVCK!

Sampung minuto din akong nakatitig sa kisame.

Kaya naman bumangon na ko, bago ko pa maisipang gusto ko na ang kisame ng kwarto ko >

Tutal maaga akong nagising, naisipan ko nalang muna'ng mag luto ng almusal. Though ang alam ko lang talaga eh fried rice at pagpi-prito >

Lumabas na kong kwarto para makapagluto na ng biglang- -

"Good Morning!"

"Euaaayyy!" napatalon ako pabalik sa dinaraanan ko ng biglang tumambad sakin si Ziah.

"Wow? Shock ka na niyan?" nakangiting sabi niya

Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak hawak ko pa ang dibdib ko. Muntikan na kong mabading dun ah.

Kayo ba naman makakita ng babaeng walang suklay ang buhok?? Tch!

"Bat ganyan itsura mo??" tanong ko sa kanya tsaka siya nilagpasan at tinungo na ang kusina.

Sumunod din naman siya sakin.

"Kakatapos ko lang mag work out."

Nilingon ko siya na sumusunod sakin at tinignan ng nagtataka.

"Oh? Kailan mo pa naisipang mag work out? Bago ah!" kumuha ako ng gatas sa ref at nilagay sa kitchen island

"Kanina lang. Para naman kasing naiipon na yung lipids ko sa katawan, feeling ko ang bigat bigat ko na." she pouted.

Ganda ata ng gising niya? Bat parang wala lang sa kanya yung nangyari kagabi?

Kumuha na ko ng baso at inoferan sya ng fresh milk.

"Sino kasama mong nag work out? Kaw lang?" tanong ko habang nagsasalin ng gatas sa baso niya.

"Hindi, kasama ko yung transferee natin. Akalain mo yun Lei, magkapit-bahay lang pala kayo. Nagulat nga rin ako ng biglang tumunog phone ko kagabi, at niyayaya niya kong mag jogging. Aba? Loko lang kasi kinuha niya ang number ko sa directory ng school. Diba bawal yun? Unless emergency. Kaya naman pumayag nalang din ako, tutal mukhang harmless naman yung tao."

Ha?? Ano daw?? Yung transferee?? Magkakilala na ba sila?? Eh nung nakaraang linggo lang eh pinagsungitan niya yun. Tch! Ang bilis niya talagang magtiwala sa tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE: A Serious Case Of Bad TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon