CHAPTER 12

279 14 0
                                    

TITLE: ROOMMATE 101

●CHAPTER 12●
(COUSIN'S)

《HARVIN POV》

"Naalala mo pa ba ang napag usapan natin nung bago ako umalis papuntang states?" Paninimula ni Calvin ng aming usapan.

Nag iinuman kami ngayun sa bar nakabalik na rin kami sa condo unit na aming tinutuluyan.

"Oo, hindi ko malilimutan un!" Seryoso kong sagot.

Napatango naman si Calvin at ngumisi pa.

"I know naman na tumutupad ka sa usapan Harvin, my dear cousin!" Natatawang saad ni Calvin na ikinatawa ko din naman.

"Madali akong kausap, lalo na pag dating sa babae insan!" Dont worry mapapasayo si Vhie." Alam ko din naman na may gusto siya sayu ehh." Naiiling kong saad sakanya.

Napatango tango si Calvin habang nakatitig sa kabilang table na kinaroroonan nila Vhie at ng kanyang kaibigan. Kasama naman namin sila insan Cleo, Jameson at Kelvin na ngayun ay busy rin sa pag uusap at pag yayabangan.

~FLASH BACK~

"Hoy Harvin!" Sigaw ni Calvin sakin nang mahuli niya akong nakatingin sa nakaupong batang babae sa gilid ng kanilang pool area. Walang iba kundi si Vhie may hawak itong bangkang papel at pinapalutang niya ito sa tubig sa pool.

"Huh??" Gulat kong sambit.

"Sinu tinitignan mu jan? Si Vhie ba??" Nakataas kilay na tanong niya sakin.

"Wala ahhh!" Bat ko naman titignan ung babaeng wirdo na un." Pag papalusot at tanggi ko pa.

"Patingin nga!!!" Mayabang na sabi ni Calvin sabay tabig sakin at sumilip sa bintanang aking sinisilipan kanina.

Kinabahan ako baka makita niya si Vhie duon at isipin niya na pinag mamasdan ko ang babaeng un. Pero totoo naman talaga kasi natutuwa akong pag masdan si Vhie ewan ko lang kung bakit siguro wala lang akong kapatid na babae.

"Ahhh, Akala ko si Vhie ang tinitignan mo ehhh!" Naiiling pang sabi ni Calvin na ipinag taka ko. Tinignan ko tuloy ang kinaroroonan ni Vhie at wala na siya duon.

"Sabi ko naman sayu ayyy!" Sabi ko pero kinabahan talaga ako dun.

"Eto lang masasabi ko Harvin, Insan! Akin lang si Vhie pag nasa tamang edad na tayo babalik ako dito at liligawan ko siya." Pero dahil ikaw ang maiiwan dito pakibantayan mu nalang siya muna para sakin." Nakatawang sabi ni Calvin sakin.

Malaki ang tiwala niya sakin kasi super close kami para na kaming mag kapatid. Siya ang tumayong kuya ko kahit mag kaedad lang kami.

Siya ang nasasabihan ko ng mga problema ko at nakakausap kapag malungkot ako. Si Calvin lang ang nakakaintindi sakin kaya malaki rin ang tiwala ko sakanya. He is one person i have na kapag need ko ng kausap nanjan siya para makinig at minsan may sermon na rin.

But nag bago rin ang lahat nang mapunta samin ang lahat ng ari arian nila nuon. Nalugi sila at nalulung  si Tito Calix ang Dad niya sa bisyong sugal. Pero sa diskarte ng Dad ko ay nakaahon ulit ang kompanya namin pero si Dad na ang namamahala  at  nag patakbo nito hindi na  si Tito Calix.

Nag bago siya at ramdam ko un. Lalo na nang malipat sa pangalan ni Dad ang titulo ng mansyon nila dahil si Dad ang nakatubos ng pag kakasanla nito.

Pero hindi ko pinahalata na alam kong nag bago ang pakikisama at turing ni Calvin sakin. Naging cold siya sakin minsan pa nga binabara niya ako sa lahat ng sinasabi ko hindi ko alam kung bakit but isa lang ang alam ko kinaiinggitan niya ako dahil sa lahat ng nangyari.

ROOMMATE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon