CHAPTER 20

254 11 0
                                    

TITLE: ROOMMATE 101

●CHAPTER 20●
[LOVE IS NOT EASY]

《VHIE POV》

Maaga akong nagising ngayun dahil narinig ko ang sunod sunod na pag doorbell mula sa labas ng condo ni Harvin.

Siguro hindi pa gising si Kulugo! Sa isip ko pa.

Agad akong bumangon sa aking kama. Mag kaiba kasi kami ng kwarto ni Harvin. Anung akala niyo mag katabi kami? Hindi no!

Nang mabuksan ko ang pintuan aya agad na bumungad ang magandang babae at isang astig na lalaki . Walang iba kundi si Calvin at Kristel. The lovers. Ayttt este ung mga gumawa ng bata pero ayaw naman panagutan.

Ngumiti ako ng matamis at malawak na binuksan ang pintuan ng condo ni Harvin.

"Tuloy kayo!" Hindi man lang kayo tumawag or nagtext kay Kulu-aytt este kay Harvin na darating kayo ngayun edi sana maaga  kaming gumising at nakapag handa man lang." Mahaba kong sabi sakanila.

"Its okay!" Biglaan lang din kasi ang pag punta namin dito. Seryosong saad ni Calvin.

"Ganun ba??" Pasok na kayo para makapag pahinga ka Kristel." Mahinahon kong saad sakanilang dalawa saka tumingin sa nakatayonh dalaga na kanina  pa nakahawak sa kanyang sikmura.

Pumasok naman ang dalawa na tahimik at wala man lang imikan. Parang di sila mag kakilala.

"Nasan si Insan??" Tanong ni Calvin sakin sabay umupo sa single sofa. Hindi man lang ayain ang kasama niyang babae na umupo. Hindi gentle man ang kupal na to.

"Ahmmm, Tulog pa! Kasi nitong mga nakaraang araw napagod kami mag asikaso ng mga paper works bago mag bakasyon." I mean sembreak!" Nag babawi siya ng tulog." Pag papaliwanag ko kay Calvin.

Sunud sunod naman ang naging tango niya bilang pag sang ayon sa aking sinasabi.

"Ganon ba? Kamusta naman ung nangyari sa Competition niyo?" Tanong naman ni Kristel na  ngayun ay kauupo lamang. Mahinhin talaga ang isang to kung kumilos. Mahihindutin. Jowk.

"Ahmmm, ayus naman!" Naka chamba!" Natatawa kong sagot kay Kristel.

Tumango naman ito at saka ngumiti. Hindi naman sa panlalait pero ang amboring nila kausap. Kundi tango ang sagot nilang dalawa, ngiti naman na mukhang napipilitan.

"So kayo pala ang nag Champion? Kayo na ang Mr. And Ms. SOUTH HEAVEN UNIVERSITY." nakangiti namang sabi ni Kristel sabay sulyap kay Calvin. Nag iwas naman ng tingin ang binata.

Suplado ang kupal na Calvin na to parang si Harvin lang pero ang pag kakaiba nila mejo gago kausap si Kulugo.

"Magiging Mommy ka na huh?" Balita ko lang naman." Bulong ko kay Kristel. Katabi niya kasi ako sa mahabang sofa. Pag iiba ko ng usapan mukhang naofend si Cal sa sinabi ni Kristel kanina.

"Ou nga ehhh!" Hindi ko rin akalain ehh ang bata ko pa para maging Mommy diba?" Nahihiyang saad ni Kristel sakin.

Umiling naman ako saka ngumiti.

"Ano ka ba." Hindi naman binabase ang edad sa  pagiging ina." Oo bata ka pa para jan pero alam ko namang magiging mabuting ina ka para sa magiging baby mo!" Saad ko pa sabay hagod sakanyang likuran.

"Hindi nga nag kamali si Harvin na ikaw ang maging Girlfriend niya kasi bukod sa mabait ko ehhh matured ka rin mag isip." I like your attitude." Sabi ni Kristel.

Nagulat  pa kami nang biglang tumayo si Calvin sa kanyang kinauupuan. Napatingin ako sakanya at tumitig ng may pag tataka.

"Kayo na pala ni Harvin??" Mariing tanong ni Calvin sakin. Mukha at halatang galit siya.

ROOMMATE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon