CHAPTER 17

238 12 0
                                    

TITLE: ROOMMATE 101

●CHAPTER 17●
[Modules]

《VHIE POV》

"Hoy Monster Kulu- ayttt este Sir Harvin, tapos niyo na po bang sagutan ang modules mu?" Tanong ko sakanya.

Nasa sala si Harvin at busy sa  panonood ng NBA sa tv.

"Ung iba nasagutan ko na pero ung explination hindi pa." Sagot niya na hindi tumitingin sakin. Nakatitig lang siya sa tv  na  animoy ayaw niyang ma missed ang bawat galaw ng player.

"Ganun ba??" Sagot ko habang nag kakamot ng kilay.

"Oo ganun nga!" Ang hihirap kasi pero ung iba nasagutan ko naman." Sabi pa niya habang naka tingin pa rin  sa tv. Hindi niya maiwan ng tingin sina Kyrie Irving at Jayson Titum na animoy may makukuha siyang sagut dun para sa modules niya.

"Hmmmmp!" Inis kong sabi sabay mabilis na tumalikod papunta sa kwarto niya.

Pag pasok ko dun ay agad akong pumunta sa kanyang study table at tinignan kung anung mga hindi pa niyang nasasagutan.

Hindi mu mahahalata na barumbado at walang pakielam ang kulugo na to sa modular niya. Kasi may mga sagut na ang iba at mukha namang pinag isipan at pinag aralan niya ito.

Nag kibit balikat naman ako at lumabas na rin sa kwarto ni Harvin nang makuha ko na ang iba pang sasagutan.

"Hindi mu pa pala nasagutan ung personal Question about your self ahhh." Bungad kong saad sakanya nang makabalik na ulit ako sa sala kung saan busy talaga manuod ang kulugo ng NBA.

"Oo nga ehhh!" Ang hirap kaya ehhh." Sabi pa niya sabay ngisi pa.

"Anung mahirap dun??" Swempre practical answer lang un kasi kung anung gusto mo maging pag nakapag tapos na tayo ng señior high." Nakataas kilay kong sabi sakanya.

Kelangan pa talagang paliwanagan ang isang to. Nasan kaya ang utak nito? Nilalagnat na naman kaya? Nasa  isip ko pa.

"Gusto ko maging??" Ahhhh un ba un??" Nakatawa pa niyang sabi sakin.

Ewan ko ba dito sa monster kulugo na to may sapak sa utak.

"Oo yon un!" Kung makakapag tapos ka!" Inis kong sabi sakanya. Lumapit naman ako sa lamiseta at duon pasalampak na umupo sa carpet. Samantalang si Harvin ay nasa mahabang sofa at duon naka hilata na parang señorito.

Nasa baba niya ako kaya sumadal ako sa sofa kung nasan siya nakahiga.

"Bakit jan ka gagawa??" Singhal na tanong niya sakin.

"Bakit masama ba??" Inis na tanong ko sakanya.

"Wala akong sinabing masama!" Nag tatanong lang ako kung bakit jan ka gagawA." Pamimilosopo pa niya sakin.

"Wag ka ngang makielam!" Mind your own business, hindi kita pinapakielaman kung saan ka pumwesto." Kahit condo mu to may karapatan din naman akong masunod kung saan ako komportableng gumawa lalo na at ako ang magsasagut ng mahiwagang modules mu." Mataray na sabi ko sakanya.

Natawa naman si Harvin sa sinabi ko.

"Ohhh Chill lang!" Masyado ka namang highblood niyan." Sabi pa ni Harvin sabay upo at tabi sakin.

Nakaupo siya sa sofa, ako naman ay sa carpet pero yumuko siya para mag pantay ang aming mga mukha.

"Tse!!" Anu bang tinitingin tingin mu!" Inis na singhal ko sakanya.

"Wag kang masyadong mainit ang ulo." Halika nga para mawala yan." Sabi pa niya sabay akbay sakin at haplos pa sa aking balikat pababa sa aking braso.

ROOMMATE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon