CHAPTER 32

161 15 0
                                    

TITLE: ROOMMATE 101

●CHAPTER 32●
[EVERYTHING HAS CHANGE]

《VHIE POV》

Isang buwan ang matuling lumipas. Halos hindi kami nag papansinan ni Harvin simula nang malaman naming kami ay mag kapatid.

"Hoyyy Babaita!" Abay bat nakatulala ka jan??" Tanong ni Clover sakin.

"Hmmm, di mo ba nakita si Harvin?" Nag aalalang tanong ko naman sa pinsan ko.

Wala na rin sila ni Cleo mag iisang linggo na. Nakipaghiwalay na raw ang binata sa pinsan ko kasi lagi na rin silang nag aaway. Si Cleo kasi may kinababaliwan na babae sa club kaya un ang madalas nilang pag awayan.

"Hindi!" Bakit Vhie may problema ba?" Nag aalalang balik na tanong niya sakin.

"Ehhhh kasi halos mag iisang buwan na nang huli kaming mag kita at mag kausap!" Ni hindi man lang nag tetext o kaya tumatawag para kmustahin ako." Malungkot at nakabusangot kong sabi na ikinalaki ng mga mata ni Clover.

"MAHAL MO PA?" saad nito na may halong pag dududa.

Tumango ako ng bahagya sak bumuntong hininga ng malakas.

"Pero hindi pwede diba? Alam ko namang mag kapatid kami pero bakit hindi pa rin mawala ung pag mamahal at nararamdaman ko sakanya.? Hindi ko rin naman gusto to o ginusto to!" Nasasaktan at nahihirapan rin naman ako Pinsan!" Naiiyak kong sambit sabay hilamos ng aking mga palad sa aking mukha.

"Sabagay!" Masakit nga yan kasi alam mo namang mahal niyo ang isat isa pero wala kayung magawa kundi umiwas sa inyong nararamdaman.!" Wala rin naman kayung karapatan na sisisihin ang inyong mga magulang dahil alam ko may rason sila kay nagawa nila iyon." Sabi ni Clover na sinang ayunan ko naman.

"Mabuti pa ngang ganitong hindi kami nag kikita at nag uusap ni Kulugo baka sakaling madali ko siyang makalimutan at maibsan ang sakit na nararamdaman ko kapag nakikita ko siya." Sabi ko pa sabay hawi pa ng aking buhok na mahaba.

Hindi ko lubos na mang yayari to sakin. Ang alam ko lang mag aaral ako sa tulong ni Mr. Vic na siya palang tunay na ama ko. Hindi ko pa lubos ma isip na totoo ang lahat ng ito. Magulo pa pero kelangan kong isipin na mag kapatid kami ni Harvin at pamilya ko sila kahit labag pa sa aking kalooban.

Nag uusap kami ng masinsinan ng pinsan kong si Clover nang may marinig kaming nag doorbell sa labas ng aming condo unit.

Mabilis namang binuksan iyon ng pinsan kong si Clover at laking gulat ko nang bumungad ang isang lalaking naka weel chair at tulak tulak ito ni Tita Arian.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sino ang lalaking nasa weel chair at bakit kamukhang kamukha ito ni Mr. Vic na animoy kambal ang mga ito.

"Ti-ta Arian??" Si--si-sinu po siya? At bakit ka-kayo narito?" Nauutal kong tanong sa dalawang bagong dating.

"Nandito ba si Harvin ang anak ko?" Tanong ng matandang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ko alam kung anu ang sasabihin ko basta halos lumuwa ang mga mata ko nang malaman kong iba pala ang ama ni Harvin kesa sa ama ko.

Pero bakit nang yari yun?

"Vhie!" Pag pasensyahan mo na ang mga desisyong mali at hindi karapatdapat ng iyong ama at ina. Hindi sila ang may kasalanan kundi ang mga Zamora talaga." Sila Calix at ang anak nitong si Calvin." Saad ni Tita Arian na hindi a rin mag sink in sa utak ko. Panibagong paniniwala na naman ito. Pero handa akong makining kung sakali. Baka ito na talaga ang katotohanan.

"Teka po, So? Hindi po talaga kami mag kapatid ni Harvin?" Tanong ko para malinawan naman ako kahit papano.

Malakas na tawa naman ang isinagut ng matandang lalaki na ngayun ay nakangiti sakin na para bang walang problema.

Umiling ng sunud sunud si Tita Arian saka ngumiti na para bang nang aasar.

"Hindi kayu mag kapatid nga anak ko!" Sa katunayan ay mag kaiba naman talaga ang mga magulang niyo." Ito talaga si Mr. Vic Zamora ang asawa ko. Naaksidente siya 10 years ago at ipinlabas na patay na siya ni Calix Zamora para makuha niya ang lahat ng kayamanan ng mga Zamora lalo na nang pinag hirapan ni Vic." Pinalabas nilang patay na ang aking asawa kahit ito ay comatose pa lamang. Kaya gumawa ng paraan ang ibang kapatid ni Vic upang hindi makuha ni Calix ang kayamanan at lahat ng ari arian ng mga Zamora. Tuso talaga ang mag amang iyon. Hindi ko man lang naipag tanggol ang aking anak na si Harvin sa pang aapi ni Calvin dahil simula nang ipalabas nilang patay na ang aking asawa ay hindi na rin nila ang pinapasok sa mansyon kung saan naroon ang aking anak." Umiiyak na saad nito.

Humagulgol na ang ginang kaya naudlot ang kanyang kwento. Pero laking gulat ko nang mag salita ang ginoo na sa pag kakaalam ko ay siya ang tunay na Vic Zamora.

"Kung kayu po ang tunay na Vic sinu po ang tumayong ama ni Harvin 10 years ago?" Nag tataka kong tanong sa ginoo.

Ngumiti ito saka tumango ng bahagya.

"Very good question iha! Ako ang tunay na Vic Zamora ba nacomatose ng dalawang taon." At hindi ko akalain sa pag gising kong iyon ay mas lalo pang lumago ang aking negosyo at nasa maayus na kalagayan ang aking unico iho." Malaki ang utang na loob ko sa ama mo na siyang tumayong ama kay Harvin ng 10 taon at nag palago, nag patakbo ng aking negosyo na sa simula pa lamang ay gusto nang maangkin ng mag amang Calix at Calvin. Hindi ko alam kung bakit ganun sila kasakim. Dahil ba sa nalulong na sa bisyo itong ang kapatid na si Calix o gusto talagang malamangan ni Calvin ang anak kong si Harvin na sa simula palang ay kinaiinggitan na niya." Pag pasensyahan niyu na ang magulo naming pamilya kaya nadamay ang pamliya mo lalo na ang ama mo na talaga namang siya ang nakatulong samin." Hindi lang sa negosyo kundi sa pag papalaki ng mabuti sa aming anak." Seryosong saad nito na para bang ang saya saya nito nang masabi niya ang lahat.

Pero hindi ako masaya! Marami akong tanong kung bakit si Papa pa? Bakit inalagaan niya si Harvin ng 10 taon gayung ako naman ay pinabayaan lamang niya sa puder ni mama. Marami akong gustong itanong na si Papa mismo ang gusto kong sumagot. Bakit nila kami pinaniwalang magkapatid kami? Gayung hindi naman. Hindi ko alam kung saan? O anu? Ang una kong itatanong na kelangan ko ng kasagutan. katotohanan ang nais ko.

■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■
NAHIHIRAPAN TALAGA AKO MAG UPDATE AT MAG ISIP NG TWIST DITO. NEED KO MAG ISIP NG MAAYUS AT MALAWAK PARA MAG KARON NG KASAGUTAN ANG LAHAT SA KWENTO. KAYA SORRY KUNG MATAGAL AKO MAKAPAG UPDATE!😭

ROOMMATE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon