TITLE: ROOMMATE 101
●CHAPTER 26●
[VACATION 101]《VHIE POV》
"Ayan na ba si Harvin??" Tanong ni Tita Gina na sumalubong samin ni Kulugo.
Nandito na kasi kami sa bikol for vacation.
Mahaba man ang byahe namin pero kinaya naman ni Kulugo ang 6 hours na pag mamaneho.
Ang gwapo pa ng kulugo na to. Naka shades with jacket na body fit sobrang hot niya tignan.
"Baby, eto na ba ang sainyo?" Bulong na tanong ni Harvin sakin.
Tumango lang ako ng bahagya at ngumiti lang sakanya sabay lingon ulit sa aking tita na chismosa at itsusera.
Dati nang ganyan si Tita Gina kaya nga sinabihan ako ni Mama na wag akong makinig sa lahat ng sasabihi ng imbyernang tita ko. Wala daw katotohanan ang mga pinag dadaldal nito.
"Ay opo Tita Gina siya na si Harvin." Masayang sagot ko nang tuluyan na akong nakababa sa kotse ni kulugo.
"Abay Vinaaaaa!" Parine na at nandito na ang anak mo at si Harvin!!!" Sigaw ni Tita Gina sa Mama ko.
Para namang palaka si Mama at patalon talon pa nang sumalubong samin.
Malawak at kaparangan ang aming munting bahay. Sariwa ang hangin at sa baba nito ay tabing dagat. Malapit ang dagat sa aming bahay. Kaya malakas talaga ang hangin dito samin.
"Anakkkk!" Salubong na sigaw ni Mama sakin sabay yakap pa ng mahigpit.
"Ano ka ba naman Ma!" Isang taon lang hindi nag kita???" Mataray na bulong ko kay Mama.
"Ano ka ba naman nak, namiss kita sobra!!" Sabi pa ni Mama sabay sipat sa aking buong katawan.
"Ano ma?" Sexy na ba ako??" Tanong ko pa sakanya habang nakangisi.
"Aba ilang buwan ka lang na nawala dito sa probinsya ehhh napakaganda mu na!" Masaya pang sabi ni Mama sakin na para bang nag yayabang kay tita Gina.
"Abay si Vhie pa ba??" Ehh magayun naman talaga ang aki na yan!" Sabi pa ni Tita Gina sa lingwaheng bikol.
"Ma, si Harvin pala." Sabi ko pa sabay lingon kay kulugo na naka sandal sa kanyang kotse niya.
"Ohhhh Harvin!!!" Sigaw ni Mama na ikinalingon naman ni Kulugo.
Ngumiti ito at dahan dahang lumapit samin.
"Hellow tita Vina!" Pinapakamusta po kayu ni Dad." Saad ni Harvin na ikina kunot ng noo ni Mama at ni Tita Gina.
"Ayyt sabihin mo okay lang ako!" Malamig na saad ni Mama na ipinag taka ko.
"Ma, wag mo naman sungitan si Harvin!" Saad ko na nakanguso pa.
"Nak, di nman ako masungit ahhh!" Ganyan lang talaga mag salita ang si Mama diba?" Sabi pa niya na ikina taas ng kilay ko.
Ang sungit kaya ng pagkakasabi niya.
"Alam mo naman yan si Mama mo Vhie masyadong bitterella!" Hindi niya matanggap na iba ang pinili ng pa-." Hindi na naituloy ni Tita Gina ang sasabihin niya ng mahina siyang binatukan ni Mama.
Hindi ko alam kung bakit sa dami daming pinag sasabi ni tita Gina lagi naman ung pinuputol ni Mama. Nakaka inis din pag minsan at nakakapag taka din pero hindi ko magawang magtanong kasi laging isasagut ni Tita Gina sakin bakit hindi ko daw tanungin ang Mama ko.
"Ma, hindi na kayo nag bago ehhh!" Kahit sa harap ng ibang tao nag aaway pa rin kayong mag kapatid!" Saway ko sakanila sabay talikod at inakay papasok si Harvin.
BINABASA MO ANG
ROOMMATE 101
RomanceMag kapatid kami? yan ang malaking tanong ko sa aking sarili. Im Harvin Timothy Drake minsan lang ako mag mahal ng babae pero bakit siya pa ang naging kapatid ko. hanggang saan hahantong ang aking nararamdaman para kay Viatrice Harlet Elise na bunga...