CHAPTER 28

186 13 0
                                    

TITLE: ROOMMATE 101

●CHAPTER 28●
[EXPLINATION OF MY PAST]

《VINO POV》

"8 years ago! Bago mangyari ang incidente." Paninimulang kwento ng Mama ni Vhie samin nasa sala kami ng kanilang bahay at katatapos lang namin kumain ng tanghalian.

Tahimik namang nakaupo sa aking tabi si VHie at mukhang seryoso at nag aabang sa  kwento ng kanyang Mama.

"Walong taon ang nakalipas!" Sampung taon ka palang Harvin nung umalis ang Mommy mo para mag pakalayo layo sa pamilya ng mga Zamora." Matagal na akong naninilbihan sa pamilya niyo Harvin sa katunayan nga  ay duon ako nag kaasawa." Kwento ni Tita Vina ang Mama ni Vhie na ikilaki pa ng mga mata ng dalaga. Parang ngayun lang niya  nalaman na nag kaasawa ang Mama niya sa loob ng aming mansyon.

"Si Papa?" You mean Mama si Papa ay kilala rin ng mga Zamora?" Pagtatakang tanong pa ni Vhie.

Tumango naman ng bahagya ang Mama  niya at ngumiti ng mapakla.

"Oo, nakita at nakilala ko ang Papa  mo Vhie sa mansyon ng mga Zamora. Mismong sa Mansyon nilang iyon." Ang papa mo ay isang Hardenero nuon at matalik na kaibigan ni Mr. Vic pero dahil mayama ang Zamora pinaiwas si Mr. Vic kay Bernard." Para talaga silang tunay na  mag kapatid kung mag turingan." Kaya hindi madali ang naging pag iwas ni Mr. Vic sa kaibigan niya Pag papaliwanag pa ni Tita Vina.

"Nasan na si Papa?" Siguro alam ni Mr. Vic kung nasan si Papa." Nag mamadaling tanong ni Vhie sa kanyang Mama.

Sunud sunud naman ang pag iling ni Tita na ikinakunot ng noo ko at ni Vhie. Bakit hindi?

" dahil ngayun ay Si Mr. Vic at si Bernard ay Iisa!" Saad ni Mama ni Vhie na ikinalaki ng aming mga mata.

"Ma! Anong iisa lang ang Ama namin ni Harvin?" Tanong ni Vhie.

Naiiling naman akong tumingin sa kanila. Hindi ako makapaniwala. Bakit ganon? Bakit iisa lang ang Ama namin? So mag kapatid kami?

"Nooooo!" Mag kapatid kami ni Vhieeeee??" Hiyaw ko na ikinagulat nilan dalawa sabay tumayo ako at lumapit kay Tita Vina.

"Makinig ka muna!" Galit namang saad ni Tita Vina pero hindi ko iyon pinakinggan.

"Puro kasinungalingan ang lahat ng yan!" Pano mang yayaring ang asawa mo at si Dad ay iisa??" Ibig sabihin ba nuon nag loko ang Dad ko at ikaw ang kinabet niya habang mag asawa naman sila ni Mommy? Huh ganon ba yon?" Kaya siguro umalis si Mommy dahil sa kababuyan niyo ni Dad!" Galit na galit na saad ko sabi sabay duro ko pa kay Tita Vina.

-Plak-plak-

Dalawang malulutong na sampal ang natanggap ko mula kay Vhie.

Nabigla man ako sa ginawa niya  pero hindi ako nag pasindak.

Sinalubong ko ang matatalim na titig niya sakin. Nakakamatay ang masamang tingin niya.

"So??" Tama ako diba?" Nakangisi ko pang saad habang hinahaplos ang aking dalawang pisngi na sinampal ni Vhie.

"Tama ako?" Kinabet ng Mama mo ang Dad ko kaya ka nabuo? So, mag kapatid tayo ganon?" Saad ko pa sa  pang iinsultong tinig.

"Hindi mo dapat husgahan ang Mama ko!" Hindi siya kabet." Kung may magiging kabet man sa mga magulang natin baka un ang Mommy mo!" You know why?" Bakit ka  niya iniwan kung hindi siya ang kabet? Bakit ka niya nagawang tiisin nang hindi makasama ng matagal na panahon kung hindi siya ang kabet??" Naisip mo ba bat kaya siya nag tago at nag pakalayo layo kung hindi siya ang kabet? Bakit hindi siya nanatili sa  tabi mo kung siya talaga ang tunay na asawa?" Hindi mo dapat pag salitaan ng ganyan ang Mama ko!" Wala kang karapatan na duruin ang mama ko sa  harapan ko!" Oo mahirap lang kami pero dapat mo rin naman kaming galangin lalo na ang Nanay ko dahil tinaggap ka niya ng buo sa pamamahay namin kaya sana konting respeto naman!" Galit at malakas na sigaw ni Vhie sakin.

ROOMMATE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon