CHAPTER 23

197 12 0
                                    

TITLE: ROOMMATE 101

●CHAPTER 23●
[10 years ago]

《VHIE POV》

"Ohhhh, kamusta ka na Harvin!" Bungad ng Doctora sa OB na aming pinuntahan.

Ngumiti naman si Kristel sa Doctora at nag beso pa. Parang matagal na silang mag kakilala.

"Kamusta po Aunte?" Saad ni Kristel na ikinagulat ko naman. So mag kamag anak nga pala sila.

Naka hawak naman si Harvin sa kamay ko habang nasa unahan namin si Kristel na may dalang mga papel.

Nang iabot ni Kristel ang kanyang ultasound ay natigilan kami nang mag salita ang Doktora.

"Harvin, so? Nabuntis mo na pala si Kristel?" Saad nito sa pabirong tinig.

Nanlaki naman ang mga mata ko pati na rin si Harvin.

"No Tita!" Si Calvin po ang asawa ni Kristel." Saad naman ni Harvin na  ikinatawa ng Doktora.

"Oww, im so sorry!." Hindi ka nga katulad nila Calvin na badboy." Sabi pa nito sabay tingin sa aking kinauupuan. "Sino siya?" Pwede ko ba siyang makilala?"  Sabi nito habang nakatitig sa akin.

"Ahhhh swempre naman tita!",  siya po si Viatrice Harlet Elice Salvador!" Girlfriend ko po." Magalang na pag papakilala ni Harvin sakin.

"Owww siya pala ang girlfriend mo!" Im so sorry iha kasi i know Harvin have a crush on Kristel 10 years ago." Saad nito sabay ngisi pa.

Hindi ko alam kung bakit kelangan pang sabihin niya samin un ng harapan.

"Its okay po!" Past is past never comeback!" Mariin namang sagot ko sabay ayos ng pag kakaupo. Nag cross arm naman ako at nag taas kilay pa. Ewan nang gigil ako sa OB na to. Masyadong itsusera.

"Alam mo bang si Harvin lang ang matino sa kanilang lahat nuong Elemetary Days palang sila?' Btw ako nga pala si Dra. CECEL ZAMORA." Kapatid ako ng Dad ni Calvin at Harvin Pag papakilala nito sakin.

Napatango naman ako at ngumiti ng pilit.

"Anu ka ba nman bebe ko?" Bat parang badtrip ka?" Puna sakin ni Harvin.

"Ehhh pano kasi yang Tita mo!" Nakaka badtrip masyadong inuungkat ang nakaraan." Pakielam ko ba kung crush mo si Kristel nuon?" Naiinis kong bulong sakanya.

"Nag seselos ka ba?" Natatawang tanong ng kulugo sakin. Feeling din naman tong isang to.

"Selos??" Tangna!" Marunong ba ako nun?" Pagtataray ko sakanya.

"Basta, tandaan mo ikaw lang ang mahal ko Bebe ko!" Sabi pa niya sabay hawak sa aking bewang. Sweet din naman ang kulugong to saka kahit nanjan ang tita niya sige lang siya sa pakikipag landian sakin.

Nagulat pa kaming dalawa nang tumayo ang Tita Cecel niya at lumapit sa kinauupuan namin ni Harvin.

"Viatrice, pwede mo bang samahan si Kristel sa loob para sa ultrasound niya ulit?" Kung okay na ba ang lagay ng baby niya." Saad nito habang nakangiti.

Agad naman akong tumayo at pumunta kay Kristel.

"Tara Kristel, sasamahan kita sa loob." Saad ko sakanya habang nakaalalay sakanya.

Nang nasa loob na kami ay sumunod naman si Dra. Cecel at pinahiga si Kristel sa mini Bed at duon sinimulan ang pag tingin sa baby nito sa tiyan.

Nilagyan niya ang ibaba ng puson ni Kristel ng parang lotion na transparent at may itinapat duon na makina. Rinig namin ang tibok ng puso ng baby ni kristel. Nakakatuwa.

"Yun na po ba ung tibok ng puso ng baby ni Kristel?" Sabi  kong tanong kay Dra. Cecel.

Tumango naman ito at ngumiti ng malawak.

ROOMMATE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon