TITLE: ROOMMATE 101
●CHAPTER 33●
[WHEN MOM SAID]《VHIE POV》
"MA, naman!" Bat kayo nag sinungaling sakin?" Naiinis kong saad nang dumating si Mama sa condo unit namin nila Clover.
Tinawagan ko si Mama para kausapin ng maayus at masinsinan.
"Ehhh kasi yang Papa mo need niyang tulungan ang matalik niyang kaibigan." Ewan ko ba jan sa Bernardo na yan at sumali pa sa gulo ng mga Zamora pero nak, isa lang ang masasabi ko sayu na kahit naman ginanpanan niya ang pagiging ama niya kay Harvin hindi naman siya nag kulang bilang isang ama." Sabi ni Mama na ikinasimangot ko.
"Sa totoo lang po, hindi ko maexplain bat ganun? Bat si Harvin naalagaan niya ng halos sampung taon pero bat ako hindi?" Naiinis kong tanong sa aking ina.
Naiiling naman itong pumunta sa kinauupuan ko at hinagod ang aking buhok.
"Hindi mo masisisi ang Papa mo." Ginawa niya ang nararapat!" Wala rin siyang choice para tumanggi dahil ang tunay na Mr. Vic ang nag ligtas sa buhay ng iyong ama." Sabi nito na ikinakunot ng aking noo.
"Bakit Ma? Mamamatay ba si Papa?" Nag tataka kong tanong.
Tumango ito at umayos ng pag kakaupo.
"Naalala ko nuon, bagu palang ako sa mansyon ng mga Zamora pero ang Papa mo matagal na siya. Nauna siya ng dalawang taon sakin sa paninilbihan sa mga Zamora. Siya ay isang hardenero at ako naman ay labandera. Madalas mag kasama ang Papa po saka si Mr. Vic parang nag aaral palang ata si Mr. Vic ay naging kaibigan na niya ang Papa mo na siyang naging sandalan niya sa lahat ng bagay. Pero nagulat kami isang araw na natagpuan ang si Bernardo ang Papa mo sa hardin na walang malay." May dugo ang kanyang damit at halos lupaypay na nuon." Sabi nito na ikinasingkit ng mga mata ko.
"Anung meron kay Papa?" Tanong ko pa. Pabitin si Mama nakakasura!
"May stage 3 lung cancer ang Papa mo!" Sabi ni Mama sabay luha na para bang lahat ng sakit ng nakaraan ay nagbalik.
"Lung cancer???" As in may taning na ang buhay ni Papa nuon? Pero bakit ganun? Buhay pa siya at mukhang masigla?" Sabat ko pa.
"Sa katunayan niyan, malapit na siya sa kamatayan nuon! Pero mapera at halos lahat ginawa ni Mr. Vic para lang madugsungan ang buhay ng Papa mo. Ako ang nag alaga kay Bernardo nuon." Halos araw araw ay ako ang nag papakain, nag papaligo at nag papalit ng damit niya." Hindi na siya makakilos nuon kaya naman ako ang lahat na gumawa nuon sakanya. Hindi ko naman akalain na kahit na nasa binggit na siya ng kamatayan ay magagawa pa niyang manligaw sakin nuon." Sabi pa ni Mama na ikinangiti ko ng pilit.
"Aba nga naman!" Si Papa talaga mamamatay na pero nagawa pa ring lumablayp!" Sabi ko pa na natatawa.
"Naging kami ng Papa mo habang nakaratay siya nuon." Halos araw araw gamot lang ang laman ng kanyang sikmura pero sa awa ng diyos mabilis na dumaan ang panahon at di namin akalain na makaka recover si Bernardo sa kanyang sakit." Mahigit isang taon siyang nakaratay pero kalaunan ay nakabawi siya at gumaling." Sabi ni Mama sabay ngiti. "Kaya sana wag mong masamain ang pag tulong ng Papa mo sa mga Zamora, lalo na kay Mr. Vic kasi siya ang nag dugsung at nag dagdag sa buhay ng iyong ama." Saad ni Mama.
"Pero bakit naman hanggang ngayun ay si Papa pa rin ang gumagawa ng lahat para sa negosyo nila Mr. Vic? Nila Harvin?" Tanong ko pa.
"Hmmmm, May mga bagay kasi na hindi pa kaya ni Harvin i handle." Ang balak kasi ng mag asawang Vic at Arian ay pag katapos ni Harvin sa pag aaral ay siya na mismo ang mag patakbo ng lahat lahat." Saka pa magiging malaya ang Papa mo." Sabi ni Mama sakin.
BINABASA MO ANG
ROOMMATE 101
RomanceMag kapatid kami? yan ang malaking tanong ko sa aking sarili. Im Harvin Timothy Drake minsan lang ako mag mahal ng babae pero bakit siya pa ang naging kapatid ko. hanggang saan hahantong ang aking nararamdaman para kay Viatrice Harlet Elise na bunga...