CHAPTER 27

203 15 0
                                    

TITLE: ROOMMATE 101

●CHAPTER 27●
[Truth but all Lies]

《VHIE POV]

"ALAM mo ba ang lahat ng ito?" Inis  at galit na tanong ni Harvin sakin.

Matapos siyang tawagin at makita niya si Tita Arian ay kinaladkad niya ako palabas ng aming bahay.

Nasa tabing dagat kami ngayun at matatalim ang mga  titig niya sakin.

"Hindi!" Mariin kong sagot na ikinailing ni Harvin.

"SINUNGALINGGGG!" Hiyaw niya sakin at mariing pumikit habang naka pamewang pa siya.

"Ano bang alam mo sa alam ko?" Kung makapag salita ka ng sinungaling! Hindi ko rin alam ang mga yon basta narinig ko lang kay Tita Gina ang totoo mong nanay ehh si Tita  Arian." Pag papaliwanag ko pa.

"Whatttt?" So alam mo nga!" Giit na saad niya sabay hawi pa niya ng kanyang buhok.

Umiling ako ng sunud sunud.

Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Harvin na ngayun ay bakas ang sakit na kanyang nararamdaman.

"I know hindi madali yang pinag dadaanan mo! Alam kong matagal kang nangulila sa Mama mo but trust me hindi ko talaga alam na siya talaga ng tunay mong Nanay narinig ko lang yun at hindi ko naman alam kung totoo ba un!" Kasi ang sabi sakin ni Mama nuon ang mga sinasabi ni Tita Gina ay pawang chismis lamang kaya tumatak sa utak ko na hindi ko dapat paniwalaan si Tita  Gina." Saad ko na ikinakunot ng noo ni Kulugo.

Para talagang hindi siya makapaniwalang wala akong alam. Oo narinig ko lang naman talaga un at hindi ko naman siguradong totoo un kaya binalewala ko lang.

"So? Ibig sabihin mapag kakatiwalaan pa ba kita? Maniniwala pa ba ako sayo?" Ehhh halos ng kapamilya mo mukhang sinungaling!" Saad ni Harvin sabay talikod sa akin.

Hinabol ko siya at mabilis  na niyakap ko ang kanyang likuran. Mahigpit at sinubsub ko ang aking mukha sa kanyang matigas na likod.

"Diba mahal mo ko?" Kung mahal mo ko mararamdaman mong nag sasabi ako ng totoo." Saad ko sa naiiyak na tono.

"Gusto ko nang umuwi!" Malamig na saad ni Harvin.

"Noooo!" Kung uuwi ka sasama ako!" Mariin kong sabi sabay yakap pa ng mahigpit.

"Vhie, hindi sapat na mahal kita para maniwala ako kung ano ang katotohanan, minsan kasi ang totoo nagiging pag sisinungaling!" Ang pagsisinungaling ay nagiging totoo!" Makahulugang saad ni Harvin na ikinaiyak ko.

Humagulgol ako na  para bang kasalanan ko ang lahat.

"Ano ba  ang dapat kong gawin para maniwala ka na wala akong kinalaman!" Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito ang Nanay mo!" Saad ko na ikinatango naman ni Harvin.

"Gusto kong makausap ang Mama  mo!" Saadni Harvin at hinarap niya ako.

Pinunasan niya ang aking mga luhang dumadaloy sa  aking pisngi.

"Wag kang imiiyak!" Hindi sagot ang pag iyak sa  problemang to!" Kung wala ka  talagang alam proof to me!" Bulong ni Harvin sakin.

"Anu bang gusto mong gawin ko?" Bulong ko rin na tanong sakanya.

"Hmmmm, so!" Kung wala ka talagang alam sa nakaraan ko at kung bakit nandito ang Mom ko, sige maniniwala ako!" Saad ni Harvin na  ikinangiti ko. "Pero sa isang kondisyon!" Pahabol na sabi niya sakin na ikinakunot ng aking noo.

"Kondisyon?" Takang tanong ko.

"Yup!" Lets go!" Saad ni Harvin sabay hila sa akin at patakbo kaming pumunta sa isang tent na naka tayo talaga sa tabing dagat.

ROOMMATE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon