NAOMI RAE POV
First day ko sa bagong school naligaw ako , or should I say niligaw ako . Then the next thing I know , eto kasakasama ko na yung taong kinakabadtripan ko , ilang beses napagkamalan at pinagpapanggap na gf . ANO PA NGA BANG MAGAGAWA KO ???
2 months , 2 months na ang nakakalipas simula ng makilala ko si NATALIE KEITH REYES , isang loko lokong di ko alam na babaguhin buhay ko and oh to make things worst ? we’re like super close na . Pero walang nagbago kung pano kami mag usap noon , kahit close na kami ngayon , basagan parin kami . As usual lagi parin kami napagkakamalan na mag on kasi kami lagi magkasama . Nakasanayan narin kasi siguro , tapos parang kulang isang araw na di kami magbabasagan o mag-asaran .
Nalaman kong family friend nila ang may-ari ng school kaya nung summer ay kinuha niya yung mga major subjects kaya siya naging regular ngayong sem , ako naman dahil matataas ang grade ko at kilala ang company ni daddy kaya pinayagan ako maging regular , di kasi nila crinecredit dito yung mga may lab na subject bale uulitin mo yun pag nag enroll ka buti na lang at di ko na kinailangan gawin yun .
Babaero parin si Keith , kinakamusta ako ni ate Kate if may improvement na daw at syempre nahihiya ako na wala parin ako nagagawa pero okay lang kay ate basta sabi niya tyagaan ko lang daw si Keith kasi mabait naman daw . Mabait si Keith , totoo , at dahil sakanya andami ko ipon , hahaha . Libre niya ko lagi , eh wala naman ako pinagkakagastusan , yung allowance ko di ko rin nagagalaw . Kung may taong nakakakilala sakin si Keith yun , speaking of andito na siya .
‘chokie oi oi , kumustaaaaa???’ nakangiti si Keith habang kumakaway kaway sakin .
‘ang epal mo , ang ingay mo pa . parang di ka babae , hinaan mo nga boses mo’
‘sus ! di mo ba ko namessshhh ? babae nga ko chokie , gwapong babae ’ puppy eyes si loko
‘ewww. Anong namessh ?? may pa puppy eyes puppy eyes ka pang nalalaman ang pangit mo’
‘ako ?? pangit ? haha . kaya pala , tara sama ka sa Friday.’
‘saan ?? may babae ka nanamang hihiwalayan ?’
‘wala ah , isasama kita sa reunion ng batch namin sa highschool ’
‘ayoko nga , ano gagawin ko dun ? tutunganga habang nakikipagchikahan ka sakanila ?’
‘hindi ahh , syempre di ko hahayaan mangyari yun sa chokie oi oi ko’
‘letse , 2 months na . may oioi parin tawag mo sakin. ’
‘ayaw mo nun , ang sweet ? choki oioi kung mahal ’
‘shut up ! naglalambing ka ano nanaman kelangan mo bukod sa reunion ?’
BINABASA MO ANG
STORY OF US (girlxgirl) BOOK1
RomanceWhat if may isang taong biglang dumating sa buhay mo , unexpectedly ? isang taong ni sa panaginip di mo inisip na makikilala mo ? May chance kaya ang isang relasyon na sa simula pa lang , madami ng tutol ? isang relasyon na di tanggap ng madami . ...