sorry sa late UD , lablab mga bebelove <3
VOTE COMMET SPREAD =))))
________________________________________________________________________________
KEITH POV
Biglang tumakbo si Naomi , gusto ko siya sundan pero di ko maiwan si Lara yung mukha niya namumula talaga .
‘Keith , asan si Naomi’ si Kae yun hawak ako sa braso ko .
‘hah ? tumakbo ’ nanlaki mata ni Kae at tinignan kung sang direksyon tumakbo si Naomi
‘you ! I hate you ! LIAR !’ galit na galit na sabi ni Kae kay lara , napayakap ng mahigpit sakin si Lara.
‘Kae ,di mo alam nangyari wag mo pagbintangan yung tao .’ niyakap ko lang din si Lara dahil nanginginig na siya.
‘so do you Keith , si Naomi , asan si Naomi?’ inaalog alog ako ni Kae .
‘hindi ko alam ! ano ba !’pilit kong inaalis kamay ni Kae
Hinila ako ni Kae , tapos bigla niya ko sinuntok. Ang bilis ng pangyayari , nabitawan ko si Lara at natulak para makaiwas siya sa suntok ni Kae .
Hinawakan ako ni Kae sa kwelyo , nanginginig siya at parang gusto niya ko ulit sapakin .
‘how could you be so stupid ? takot si Naomi sa dilim ! pag may nangyaring masama sakanya , tandaan mo Keith , puputok ulit yang mga labi mo !’
Napatulala ako sa sinabi ni Kae , takot si Naomi sa dilim ? bakit hindi ko alam yun ? bakit wala akong alam ? Iniwan ako ni Kae , tumatakbo siya sa direksyon kung san tumakbo si Naomi , sinundan ko siya , yung bababeng mahal ko , hinayaan ko tumakbo at mawala sa paningin ko .
Then there she was crying ….
NAOMI POV
Di ko alam kung ganu na ko katagal sa pwesto ko , basta ang alam ko , masyadong masakit yung puso ko pero parang lumamang yung takot na nararamdaman ko dahil sa dilim .
Nagulat na lang ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko at may nakita akong ilaw , naglakad siya papunta sa pwesto ko, halatang halata ang pag-aalala sa mukha niya , nung nasa harap niya na ko bigla niya ko niyakap .
‘bakit mo ginawa yun ?’
Mahigpit siyang nakayakap sakin , nanginginig buong katawan niya .
‘kung sinundan mo ko para pagalitan , umalis ka na lang !’ inalis ko yung mga kamay niya sa pagkakayakap sakin
‘you made me worry ! baka !’
Mas humigpit yakap niya sakin , nanginginig buong katawan niya .
‘wag mo na uulitin yun , kung tatakbo ka man lang hintayin mo ko , sasamahan kita kahit san pa yan . Wag ka lang mag-iisa ng ganito ’
Nanghina na ko , napayakap na lang din ako sakanya , naghalo halo na yung nararamdaman ko , yung sakit , yung takot , yung saya na andito siya di niya ko hinayaan mag-isa
BINABASA MO ANG
STORY OF US (girlxgirl) BOOK1
RomanceWhat if may isang taong biglang dumating sa buhay mo , unexpectedly ? isang taong ni sa panaginip di mo inisip na makikilala mo ? May chance kaya ang isang relasyon na sa simula pa lang , madami ng tutol ? isang relasyon na di tanggap ng madami . ...