waaahh ! ayan na nag UD na ho ako mga kaibigan :] dapat last chapter na to eh . Pero kasi kayo , malakas kayo sakin kaya medyo dadagdagan ko pa ang SOU kahit di ko na alam kung panong ending gagawin ko dito . HAHAHA
Sa mga napaiyak , nabitin ng iyak , nagalit , nainis , at naapektuhan sa huling chapter. Hug ko kayo isa isa . Di ko alam kung ano magiging reaksyo niyo sa chapter na to , dahil inabot nanaman ako ng kabaliwan at pagkasabaw ng utak . HAHAHA . pwede ba idedicate to sa lahat ng nag comment at nagvote last chapter ? kung alam niyong nagvote at nagcomment kayo aba PARA SAINYO TO :D kiss ko kayo dali :* =))))
___________________________________________________________________________________
CHAPTER 39
After 10 minutes , pinalabas na din ako ng doctor , halos di ako mapakali sa ilang oras na pag-aantay , lakad dito lakad doon . At sa kada upo ko , may tumutulong luha sa mga mata ko , at pagsikip ng dibdib ko sa sakit .
Parang nagflaflashback lahat ng nangyari kung san kami nagsimula , lahat ng pinagdaanan namin .
Nagsimula sa school lahat , yung cute niyang mukha nung araw na nagtanong siya sakin kung san yung room niya . Yung reaction ng mukha niya na kaklase ko pala siya , yung pangungulit ko sakanya , yung pagsusungit niya .
Para kaming naging aso’t pusa sa araw-araw na pagkikita namin , sa lahat ng asaran at kulitan . Inayos niya buhay ko , pinagtiisan sa kabaliwan ko , di iniwan sa lahat ng oras na kelangan ko , lagi niya ko dinadamayan pag malungkot at magulo utak ko .
Nung natapos yung operasyon , lumabas yung doctor , agad agad akong tumayo sa pagkakaupo ko at lumapit sakanya kasama ang parents ni Naomi.
‘stable na po ang kalagayan ng anak niyo , pero di po namin alam kung kelan siya magigising pwedeng bukas , sa susunod na araw , sa susunod na linggo o buwan o baka matagal pa . Pagdasal na lang ho natin ang agad niyang pag gising . ’ - doctor
‘anong di niyo alam kung kelan siya magigising ? diba doctor kayo ? bat di niyo alam ? hah ? baka di niyo naman ginawa lahat ! bat wala kayong alam ! ’ kwinelyuhan ko yung doctor dahil sa inis ko .
‘keith , huminahon ka . Sige po doc , salamat po ’ hinawakan ako ng daddy ni Keith at pilit na pinapakalma , alam kong nanginginig na ko at gusto na magcollapse ng buong katawan ko.
‘magigising din siya agad Keith , wag tayong mawawalan ng pag-asa .’ sabi ng Mommy ni Naomi saakin .
Dumaan ang isang linggo , araw-araw ako pumupunta sa hospital , alam narin nila mommy at daddy ang nangyari kay Naomi . Umuuwi lang ako sa bahay para kumuha ng damit pero ako halos ang magbantay sa hospital , ni ayaw ko matulog dahil gusto ko ako ang unang makikita ni Naomi pag gising niya .
BINABASA MO ANG
STORY OF US (girlxgirl) BOOK1
RomanceWhat if may isang taong biglang dumating sa buhay mo , unexpectedly ? isang taong ni sa panaginip di mo inisip na makikilala mo ? May chance kaya ang isang relasyon na sa simula pa lang , madami ng tutol ? isang relasyon na di tanggap ng madami . ...