NAOMI's POV
Dumaan ang Saturday at Sunday , walang Keith na nagparamdam , walang lokong tumatawag ng madaling araw para mag HI , tapos tatawag ulit ng 6 am para mag aya kumain ng ice cream .
I tried calling her , pero walang sumasagot . Nag-aalala na ko , alam kong grabe yung impact sakanya nung nangyari nung Friday night . Siguro kahit ako nasa situation niya di ko rin alam gagawin ko , isang taong pilit mo kinakalimutan biglang babalik para magsimula kayo ? what was that diba ?
Eto ako ngayon , sa campus nag-aantay kung papasok siya na sana pumasok nga . Natapos ang first subject namin, wala paring Keith na nagpakita . Tinawagan ko ang phone niya , nagriring pero wala parin sumasagot . Tumawag ako ulit , sa wakas may sumagot na rin.
‘CHUCHU , asang lupalop ka na ? bat di ka pumasok ? wala ka bang balak pumasok ? LOKO KA !’
‘ahmm , im sorry but this is not Natalie , its Audrey’ napatameme ako , so okay na sila ? bat sila magkasama ? ganun na lang yun ? okay na sila ?
‘ah okay , kasama mo pala siya . Pakisabi na lang pumasok na siya at hinahanap na siya dito . thanks’ binaba ko na yung call . Naiinis ako , all this time sobrang nag-aalala ako yun pala kasama niya yung si Audrey . Pwede naman siya magtext diba ? mahirap ba gawin yun ? asar ! nasisira araw ko . Buong araw akong BADVIBES , kaya pati mga kaklase kong nagtatanong lang bout sa schoolworks eh nasisigawan ko .
Buong gabi ako nag-antay magtext si Keith , pero wala . Inis na inis akong nakatulog .
*TUESDAY
Papunta ako sa room ng may nakabangga ako .
‘sorry .’ yun lang nasabi ko , wala ako sa tamang pag-iisip dahil badtrip parin ako kay Keith
‘Hi Naomi , its me Audrey’ oh shocks ! siya nga .
‘Hello , ano ginagawa mo dito ? hinahanap mo ba si Keith ?’
‘ahhm , no , actually she’s with me , pumunta lang siya ng cr . By the way , im transferring here .’ whattttttttttt ?? lilipat siya dito ? as in dito na siya mag-aaral ?
‘ah talaga ? good , im sure Keith will be happy . Mukhang okay na kayo ah ?’
‘not really , im still trying to win her back , but well , she gave me a chance to prove myself’ todo smile si Audrey sakin .
‘good to know that , fight !fight ! Osige , una na ko sayo’ I wave goodbye to her , after Audrey came back , di ko na alam kung may dapat pa ba kong gawin . Siguro bantayan ko na lang sina Keith if saan mapupunta yung chance na binigay niya kay Audrey .
===============
Mag 1 week na, since ng lumipat si Audrey sa school , sila na lagi ni Keith magkasama . Tamang HI , HELLO na lang kami ni Keith pag nagkakatabi sa room or nagkakasalubong sa hallway . To be honest , I miss her , kahit araw-araw kami nag-aasaran , at araw-araw niya ko binubuysit . Nakakalungkot lang isipin na wala ng makulit na laging nakadikit sakin nasanay na kasi ako eh tapos biglang mawawala . Papunta ako sa cafeteria ng makita ko si Keith at Audrey sa isang table .
BINABASA MO ANG
STORY OF US (girlxgirl) BOOK1
RomanceWhat if may isang taong biglang dumating sa buhay mo , unexpectedly ? isang taong ni sa panaginip di mo inisip na makikilala mo ? May chance kaya ang isang relasyon na sa simula pa lang , madami ng tutol ? isang relasyon na di tanggap ng madami . ...