Chapter 7

19.5K 258 6
                                    

KEITH POV

I miss my Chokie ,  oo namimiss ko na siya . Pero di ko basta basta maiwan si Audrey , nung binigyan ko siya ng chance , she beg for it , nakwento niya yung nangyari sa family niya and sa dad niya na na stroke and na coma sa US, kahit galit ako kay Audrey , naging parte parin siya ng buhay ko .  Nagseselos si Audrey kay Naomi , kaya iniiwasan ko si Naomi kasi I know Audrey , warfreak siya , kayang kaya niya sirain si Naomi at ayoko mangyari yun . Pero kahit anong iwas ko kay Naomi , nagkikita at nagkikita parin kami .

Nakita ko na si Naomi sa party ni Ace , pero di ko siya pinansin . Di siguro alam ni Naomi pero palihim ko lang siyang tinitignan . Nung una , nakaramdam na ko ng inis nung inabutan ko siyang nakikipagtawanan kina Ace , I know her ilang siya sa mga  butch at ako lang talaga napagtyagaan niya pero bakit ? bakit ganun na lang niya kadali nakausap sina Ace?

Di siya umiinom pero nung gabing yun nakita ko siyang uminom at di pa nagpaawat , sumayaw pa sa dancefloor na lalong nakainit ng ulo ko , Oo , ako yung humila sakanya , ako yung nag-uwi sakanya sa unit ko . Galit si Audrey nun dahil sa ginawa ko pero di ko siya pinansin , sinabihan ko lang siya na magpasundo sa driver niya at umuwi na lang .

Lasing na lasing si Naomi , at di ko alam gagawin ko sakanya . Bago kami makarating sa kwarto nagsuka siya , yung damit niya puro suka kaya tinawag ko si Ate Jhing sa katabing unit ko para hubaran si Naomi . Alam kong babae ako , pero mataas respeto ko kay Naomi , hanggat maari ayoko makita yung mga dapat di ko makita . 

Pagtapos hubaran at punasan ni Ate jhing si Naomi , sinilip ko siya sa kwarto na balot ng kumot . Nakalimutan ko siya pabihisan , ayoko na akong gumawa kaya pinabayaan ko na lang siya sa kwarto  pero bago ko sarhan yung pinto narinig ko siyang nagsabi ng: 

 

‘nagseselos ako , oo na nagseselos na ko , Masaya ka na ? bat mo ba ko pinapahirapan ?’

Napaisip ako kung sino ang pinagseselosan ni Naomi , wala akong maalala na sinabi niya sakin na may gusto siya .  Pag gising ko ng umaga , narinig kong may kumakaluskos sa kwarto , alam kong gising na siya at malamang naghahanap na yun kung asan damit niya , pumasok ako na bitbit yung damit niya , buti na lang napa labhan ko to kagabi at nabalik sakin agad. Pinagsarhan niya ko ng pinto ,sabi ko na lang sa sarili ko , kakausapin ko na lang siya pagtapos niya magbihis , patapos na ko maghanda ng breakfast pero biglang tumakbo si Naomi palabas , tinatawag ko siya pero di man lang siya lumingon sakin .

Di niya sinasagot tawag ko , at iniiwasan niya rin ako nung nagkita kami sa school ,

‘ughhh ! Di na ko natutuwa sakanya , pagtapos ko siyang iuwi tapos sukahan, di niya ko papansinin? ’  bulong ko sa sarili ko .  May gagawin ako mamaya tignan ko lang kung  di niya parin ako pansinin .

 ================

Kinuntsaba ko yung mga kaklase ko na dalhin si Naomi sa rooftop ng bldg namin ng lunch time , syempre sila na bahala kung anong irarason nila , sinuhulan ko na lang sila para mapapayag ko .

Parang picnic style yung set up na ginawa ko , since mahangin nung time na yun , walang problema sa init , at nilagay ko sa may malilim na part yung carpet na pinadala ko sa mga classmates ko na di ko alam san nila nakuha .

Okay na lahat , isa na lang kulang si Naomi . Narinig kong may paakyat na kaya agad kong sinalubong dahil alam kong sina Naomi na yun .

STORY OF US (girlxgirl) BOOK1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon