Ang tagal ko ng walang UD , sorry po :D . Di ko alam if magugustuhan niyo ang UD na to kaya pagpasensyahan niyo na sana kung ano lang kinaya ng sabaw kong utak ngayon.
___________________________________________________________________________
NAOMI POV
Sabi nga nila sa pag-ibig daw walang imposible . At dahil sa pag-ibig na yan gagawin ko ngayon ang pinaka imposible na pwedeng gawin ni Naomi Rae Santos .Dahil alam ko na tulog na ang lahat ng tao sa bahay , hinanda ko na yung maleta ko , nilagay ko na mga damit ko at lahat ng pwedeng mabitbit na importante sakin . Mabuti na lang at nasa kusina lang nakasabit yung susi sa gate kaya wala kong hirap na nakalabas at saktong may palabas na taxi sa subdv kaya pinara ko na at agad akong sumakay .
Mahirap para sakin yung ginawa ko , alam kong mali pero mas mali sa pakiramdam ko na ilayo ako sa pilipinas lalong lalo na sa mahal ko , hindi ko kaya pakiramdam ko di ko na magagawang ngumiti pa pag nangyari yun .
'mom , dad . Im sorry mahal na mahal ko po kayo pero di ko po talaga kaya ' bulong ko sa sarili ko .
Di ko alam kung san ako pupunta , kaya pumara na lang ako sa isang maliit na hotel na nadaanan namin .
Buong gabi ako hindi makatulog , paikot ikot lang ang ginawa ko sa kama . Gusto ko tawagan si Keith at sabihin sakanya pero alam kong mag-aalala lang yun at papagalitan ako , sa ginagawa ko ngayon , di ako sigurado kung may mukha pa ba akong maihaharap sa mga magulang ko . May mga bagay nga talagang di mo lubos maisip na magagawa mo pala , mga desisyon na hindi ka na nagdalawang isip pa basta mo na lang ginawa . At sa mga panahon na to , isang tao lang ang alam kong pwede kong tawagan at kausapin .
'bro , napatawag ka?' - Vinz
'naglayas ako .'
'what ???? Naomi ano bang naisip mo at lumayas ka sainyo ?'
'bro , si daddy gusto niya ko ipadala sa japan . Ayoko bro , ayoko umalis , ayoko iwan si Keith .'
'di sapat na dahilan yan para umalis ka sainyo , asan ka ? pupuntahan kita'
'wag mo na ko puntahan kung papauwiin mo lang din naman ako'
'okay fine , hindi na just tell me where the hell are you . Your making me worried Naomie Rae Santos so please stop being such a hard headed '
'im sorry , andito ako sa _______'
'okay , be there in 20 minutes'
After 20 minutes , tumawag na si Vinz na nasa baba na daw siya , sinundo ko siya at pinapasok sa kwartong kinuha ko .
'Naomi , umuwi ka na sainyo bukas . pwede ?'
'Vinz , please not now . You know i can't go home '
'yes you can , you just dont want to'
Napayuko na lang ako at nagsimulang umiyak , yumakap sakin si Vinz .
'hushhh , alam ko mahirap pinagdadaanan mo pero hindi solusyon ang paglalayas '
'alam ko naman yun , pero di ko na kasi talaga alam ang gagawin ko '
'sige di na kita pipilitin umuwi ngayon o bukas , i'll give you time to think and decide . Andito lang ako okay ? but please umuwi ka sainyo .'
Tumango na lang ako at nahiga sa kama , hinayaan ako ni Vinz na magpahinga . Nagising na lang ako ng wala na si Vinz sa kwarto , nabasa ko na lang sa message ko na umalis na pala siya at di na ko nakuhang gisingin pa dahil sa ang himbing daw ng tulog ko .
BINABASA MO ANG
STORY OF US (girlxgirl) BOOK1
RomanceWhat if may isang taong biglang dumating sa buhay mo , unexpectedly ? isang taong ni sa panaginip di mo inisip na makikilala mo ? May chance kaya ang isang relasyon na sa simula pa lang , madami ng tutol ? isang relasyon na di tanggap ng madami . ...