Naisip ko lang pag gumawa ba ko ng story na hindi na Lesbian Story , magbabasa parin kaya kayo ? =))))
NAOMI POV
‘ang ingay niyo naman , nagbubulungan ba kayo o ano ?’
Sa totoo lang naririnig ko sila , pero wala ako maintindihan . Ang ingay kasi , inaantok pa yung tao eh sana man lang lumabas sila kung gusto nila magchismisan o ano .
‘chokie , bumangon ka na diyan . May lakad tayo ngayon diba ?’
Ay oo nga pala noh ? Bakit ba nakalimutan ko yun , hmmm , siguro kasi wala sa loob ko ang pagsama at pagpunta kung san mang camping de churva yun.
‘nga pala , bakit andito ka ?? diba napag-usapan na natin na si Kae magsusundo sakin at sabay na lang kami pupunta dun sa meeting place ?’
‘ano kasi , ahhmm’ bakit ba hindi makatingin sakin to ? nagkakamot pa ng ulo .
‘tinawagan ko siya , sabi ko dalhan tayo ng pagkain kasi nagugutom na ko ,tulog mantika ka kasi ’ singit ni Kae na may kagat kagat na tinapay tapos inabot niya sakin yung isang tinapay na hawak niya then coffee.
Isang mahabang ahhhh na lang yung sinagot ko , okay naman na yung mga sunod na nangyari . Pero para silang tanga na kung ano ano ang inaabot sakin , iniisip ko nga kung may sakit ba ko at ang bait nila . Lahat nung inaabot ni Kae , yun yung kinukuha ko , ewan ko ba kasi kay Keith kung di muntikan matapon yung tubig sakin , muntik naman mahulog sa lapag yung palaman na inaabot niya .
May biglang kumatok sa pinto , ako na ang tumayo para buksan , nakakahiya naman kasi dun sa dalawa kanina pa nila ko inaasikaso . At alam niyo ba ? may idea na ko kung sino yung kumakatok sa pinto .
‘hi lara , pasok ka’ binati ko siya , todo ngiti pa nga ako eh .
Naupo ako sa tabi ni Kae , si Lara naman sa tabi ni Keith . Parang walang gusto magsalita kaya nagpaalam na lang ako na maliligo muna .
Habang nasa banyo ako , di ko mapigilan di mapaisip . Tanga ba ko ? Para hayaan ang taong mahal ko , sumama sa ibang babae ? o sadyang Mahal ko lang siya at tiwala ako sakanya na di niya ko lolokohin ?
MAHAL KO SIYA AT DI NIYA KO LOLOKOHIN , tama ! tama ! yun nga yun .
Pagkatapos ng seremonyas ko sa banyo , at syempre sa pagbibihis narin . Lumabas na ko , parang may pinag-uusapan sila at bigla sila tumigil paglabas ko .
‘Ahhm . Naomi , sakanila ka na muna sumabay , susunod na lang siguro ako , aayusin ko pa yung mga gamit ko at uhmmm maliligo’
inamoy amoy pa ni Kae yung sarili niya , di naman siya mabaho o mukhang dugyot pero yung mukha niya parang diring diri sa sarili niya . Ang arte talaga ng taong to .
‘hah ? eh sasama na lang ako sayo , nakaayos narin naman mga dadalhin ko ’ kinuha ko na lang yung bag ko sa kwarto tapos lumabas na ulit ako .
Nauna lumabas samin si Keith at Lara , may mga bibilhin pa daw sila . As usual , di man lang ako inimikan ni Keith .
Nakarating na kami sa bahay ni Kae , ang laki , tinanong ko nga siya kung sino kasama niya dun sabi niya tatlong maid daw tapos driver . Tinanong ko din siya kung asan parents niya sabi niya naiwan daw sa Japan . Tumango na lang ako at sinigawan siya na bilisan maligo at mag-ayos dahil ayokong nag-aantay ng matagal .
BINABASA MO ANG
STORY OF US (girlxgirl) BOOK1
RomanceWhat if may isang taong biglang dumating sa buhay mo , unexpectedly ? isang taong ni sa panaginip di mo inisip na makikilala mo ? May chance kaya ang isang relasyon na sa simula pa lang , madami ng tutol ? isang relasyon na di tanggap ng madami . ...