Namiss niyo ba ang KEIMI moments ? haha , nakagawa ng loveteam out of the blue :D
ohyeah , this chapter is dedicated to you , dahil binigyan mo ko ng idea sa loveteam ni Keith at Naomi last chapter , hihi :D
_____________________________________________________________________________________
KEITH POV
2 araw narin simula nung kinuha sakin si Naomi , naiinis ako , nagagalit , naiiyak , lahat ng emosyon na negative nararamdaman ko ngayon , ang sakit sakit na wala man lang akong nagawa .
Pero panghahawakan ko ang sinabi ni Naomi , lalaban kami , alam kong makakaya namin to , di ako susuko dahil hindi rin sumusuko yung babaeng mahal ko , parehas kaming lalaban.
Sinabi ko narin kina daddy at mommy yung nangyari , pero di ko dinitalye lahat at ayokong masaktan sila dahil sakin , si lara laging nangungulit pero wala akong oras para isipin muna siya ang iniisip ko ngayon kung pano at ano ang gagawin ko para maayos ang relasyon namin na wala ng dapat pang itago at masaktan lalo na si Naomi , ayoko ng nahihirapan at nasasaktan siya .
Tinanong ko din si Keith kung anong dapat kong gawin , at kahit nag-away kami , magkaibigan parin kami . Nasabi ko nga sakanya na nagtataka ako kung pano nalaman ng daddy ni Naomi kung asan kami .
‘pare , yun nga din pinagtataka ko , sa tagal niyo na dun ni Naomi , bat kelan lang nagpunta yung daddy niya’
Andito si Kae ngayon sa kwarto ko , umuwi na ko sa bahay dahil di ko kaya mag-isa sa apartment na wala si Naomi , namimiss ko lang siya.
‘yun na nga , di ko maisip kung sino pwedeng magturo kung asan kami , to think na pinutol ni Naomi communication niya sa mga kaklase at mga kaibigan niya .’
Nilalaro ko yung unan ko habang nag-iisip kung sino ang pwedeng magturo kung asan kami ni Naomi .
‘wag ka mag-alala , malalaman din natin kung sino yun walangyang nagpahamak sainyo’
Nagpaalam na din si Kae , bumili na nga pala ako ng bagong phone , naku , sayang yung phone na sinira ni Lara , buti na lang talaga di ako nananakit ng babae at kaibigan ko siya dagdag pa na may sakit siya . Nagkakatext kami ni Naomi , pero right now , mahirap pa magkita sabi niya pag nakakuha daw siya ng tyempo , tatakas siya para magkita kami .
Buti na lang at may isa pang phone si Naomi , di alam ng daddy niya na may isang phone pa siya , bantay sarado na nga daw siya , kwarto lang daw talaga siya , nagdagdag din daw ng maid yung parents niya para mabantayan siya ng husto . Naawa ako sa sitwasyon ni Naomi , pero never ko siya narinig nagreklamo o umangal , mas gusto niya pa pag-usapan kung kumusta ang araw ko , nakukuha niya pang magjoke at magpatawa sa sitwasyon namin. Palihim kami kung mag-usap kaya , madalas text lang . Pag nagkakausap kami ni minsan di ko siya narinig na malungkot ang boses niya , laging masaya at excited parang di nauubusan ng energy . She’s such a great girl , right ? Napapahanga niya ko , at lalo ko siya minamahal , lumalakas loob ko na ganun pinapakita niya sakin , im such a lucky person to have Naomi as my gf .
Hanggang sa dumating yung, December 24. May usapan kami ni Naomi , na magkikita kami . Kahit parehas namin alam na walang kasiguraduhan kung magkikita nga talaga kami .
Busy ang mga tao sa araw na yun , syempre anu ba yan Keith engot mo talaga , at dahil engot ako , di ko maisip kung anong pwedeng ibigay kay Naomi , or san ko siya dadalhin , kahit alam kong saksakan ako ng sweet at maparaan sa mga ganyang bagay , pasensya naman nauubusan din ako ng idea . Di pa ko mapalagay kasi malapit na yung oras ng usapan namin ni Naomi pero ni isang text wala pa ko natatanggap galing sakanya .
BINABASA MO ANG
STORY OF US (girlxgirl) BOOK1
RomansWhat if may isang taong biglang dumating sa buhay mo , unexpectedly ? isang taong ni sa panaginip di mo inisip na makikilala mo ? May chance kaya ang isang relasyon na sa simula pa lang , madami ng tutol ? isang relasyon na di tanggap ng madami . ...