SOrry sa Late UD . hihi .
____________________________________________________________________________
KEITH POV
Paakyat na ng stage si . si . sino to ? Habang nagplay yung FOREVERMORE . Di nakakatuwa , ang sarap manuntok ng tao sa mga oras na to . Bat ganun pa yung music ? Parang hinihingi niya na kamay ni Naomi . UGOK KA! AKO ANG PAPAKASALAN NI NAOMI ! gusto kong isigaw ang mga salitang yun habang sinasayaw nung kung sino man yun si Naomi .
Gusto ko magwala , sumigaw , eto nanaman ako sa pagseself pity ko . Eto ang mahirap pag pamilya na usapan , lalo na lalaki kalaban ko di ako makapalag ano bang laban ko dyan diba ? Isa lang ako hamak na babae na nagpapakalalaki , na ang tingin ng karamihan eh salot . Gusto ko hatakin si Naomi at sabihin na mahal na mahal ko siya , pero anong magagawa ko kung pwede lang pag sigawan ko sa lahat pero ayokong ilagay sa alanganin si Naomi . Habang nakikita kong sinasayaw nung kung sino man ang babaeng mahal ko , di ko mapigilang hindi mapaiyak . At ang magulang ni Naomi nakangiti habang tinitignan ang anak nilang sinasayaw ng lalaking kumag na to .
Pagkatapos nila sumayaw , di pa nagpaawat ang kumag na lalaking to , kumanta pa . Anong feeling niya concert niya to ? hello ? birthday to ng babaeng mahal ko bakit ang papansin niya ??
Nakikita kong patingin tingin sakin si Naomi , yung mata niya parang humihingi ng sorry sakin . Di ko na kaya nakikita ko , gusto ko na umalis , tumakbo palayo , malayo sakanila , malayo sa katotohanan na lalaki yun habang ako babae . Paalis na ko , ng nagsalita yung lalaki sa mic .‘happy birthday MiMi , dalagang dalaga ka na hah ’ yumakap yung lalaki kay Naomi. Mamatay na ko dito sa selos tapos yakapan pa ng yakapan ? may pa MI-MI pa siya , anak ng tokwa naman oh .
Naomi POV
Nagulat ako nung nakita ko si Kuya Leo , siya favorite cousin ko dahil halos malapit lang edad namin at nagkakasundo kami sa lahat ng bagay . Siya din ang lagi nagtatanggol sakin nung mga bata pa kami , kaya mahal na mahal ko yang kuya kong yan . Yung Forevermore na kanta , favorite song namin ni Kuya yun nung mga bata pa kami .
Pagkatapos ng mga ka emohan namin ni kuya , bumaba na ko sa stage para puntahan si Keith . Paglapit ko sakanya, nakatulala siya na parang di maipinta mukha .
‘hoy chu-chu , nangyari sayo ?? ’ umiwas siya ng tingin .
‘NATALIA ! anong problema mo ???’
‘eeh kasiii . yung kanina , bat ganun ? yung lalaki ?’ natawa ako dahil naka pout si keith habang nagsasalubong kilay niya .
‘nagseselos ka noh ?? aminin mo . ’
BINABASA MO ANG
STORY OF US (girlxgirl) BOOK1
RomantikWhat if may isang taong biglang dumating sa buhay mo , unexpectedly ? isang taong ni sa panaginip di mo inisip na makikilala mo ? May chance kaya ang isang relasyon na sa simula pa lang , madami ng tutol ? isang relasyon na di tanggap ng madami . ...