Chapter 26

12.5K 184 16
                                    

Sorry , nakalimutan ko isave yung 26 kagabi kaya inulit ko pa siya itype . =)))) pasensya na mga bebe . *hugggg . 

___________________________________________

Naomi POV

 

Nagising ako na nasa tabi ko si Kae , nanunuod ng TV .

‘kae , wala pa ba siya ?’

Tanong ko habang nagkukusot kusot pa ko ng mata .

‘wala pa Naomi pero siguro pauwi narin yun.’ 

Nagpaalam akong maliligo muna , inasar pa nga ako ni Kae na ambaho ko na raw kaya dapat lang na maligo na ko .

After 30 minutes , lumabas na din ako at naabutan kong andun na si Keith , kasama si Lara . Nung una parang gusto kong itanong bakit kasama niya pero di ko alam bat wala akong lakas ng loob magtanong kung bakit .

Humalik sa pisngi ko si Keith nung nakita niya ko , pero wala siyang sinabing kahit ano kaya tahimik na lang din ako , naupo ako sa tabi ni Kae , dapat sana sa tabi ni Keith pero katabi niya naman si Lara alangan naman paalisin ko yun dun . 

Si Lara ang kwento ng kwento , kesyo daw lasing na lasing siya wala na daw siya maalala sa mga nangyari , buti na lang daw naawa sakanya si Keith kaya di raw siya iniwan.  Ganun at ganun lang ang kwentuhan , si Kae naman madalas ang sumasagot sa mga tanong ni Lara , kami ni Keith wala tahimik lang .

Magdidilim na pero parang walang balak umalis yung dalawa , tinutukoy ko si Kae at Lara . Nagready na lang ako ng dinner , for sure dito na sila kakain .

Okay naman lahat , pero hanggang ngayon di parin kami nagkikibuan ni Keith , parang wala kaming lakas ng loob kausapin ang isa’t isa . Ako na madaming gustong itanong sakanya , at siya na para bang may gusto sakin sabihin pero di niya masabi .

Andito na kami lahat sa dining table , buti na lang at 4 seater to kaya kasya kami , katabi ko si Kae at kaharap ko si Keith .  Tahimik kaming kumakain lahat ng biglang nagsalita si Keith .

‘we’re going on a camp , actually okay na lahat . Bukas na nga pala yun’  ang cool lang ng pagkakasabi niya nun parang hey nood tayo movie , ganun lang . 

‘oi pare , parang biglaan naman ata yan at talagang bukas na agad ?’    panguya nguya pa si kae habang sinasabi niya yun .

‘gusto kasi ni Lara mag camp , so there im inviting you to come’    tinignan niya lang si Kae at ganun din sakin .

‘your inviting me? Or your inviting US to come ??’ parang nailang si Keith

‘anyway , maaga tayo bukas para sa mga kailangan natin .’     iniba niya pa usapan

‘and ahmm , Naomi ,  susunduin na lang kita dito , icharge mo yung phone mo okay ?

Ano daw ?? susunduin niya ko ?

‘hah ?? susunduin ? bakit mo pa ko kelangan sunduin ? pwede naman tayong magkasabay diba ?’  

Tumingin siya kay Lara .

‘dun ako magstay kay Lara tonight , then susunduin ka na lang namin bukas ’

Gusto ko siya sigawan ng anong nangyayari , bakit ? pero hinawakan ni Kae yung kamay ko na alam ko nanginginig nanaman .

STORY OF US (girlxgirl) BOOK1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon