sorry mga bebe love ko , medyo nagkaproblema kaya di ako nakapag UD agad :(
anyway , as promise may picture ni KAE >>>>>>
Next chapter maybe Private ulit ? or saka na ko magprivate ? =))
_____________________________________________________
NAOMI POV
Magtatanghali na nung tumawag si Keith .
‘hi baby princess kong mahal’
‘hello baby , kumusta ?’
‘okay naman baby , hinahanap ka ni nat-nat’
‘tell him I miss him , and I miss you narin baby .’
‘I miss you more ’ may sasabihin pa sana ako kasi biglang nagsalita yung kasama ko
‘oi , pano na ba to ? ipapasok ko na to ah , bahala ka dyan .
‘sige na ipasok mo na yan ,bilisan mo baka may makakita satin dito’
‘oo na , wag ka na maingay dyan , bibilisan ko lang to .’
Pagsilip ko sa phone ko , wala na si Keith . Lowbat na pala ang magaling kong phone , ayos ! baka isipin nun pinatayan ko siya . Balak ko sana sabihin sakanya yung nangyari pero baka mag-alala masyado at biglang iwan si NatNat , patay siya kay ate at kawawa yung bata.
Pano ako makakapagcharge nito eh nasa loob yung charger.
‘hoy takahashi matagal pa ba yan ?’ naka luhod si Kae habang kinakalikot yung pinto gamit yung hairpin na gamit ko .
‘saglit na lang , bat ba kasi pinairal mo ka engotan mo’
‘nice one kae ! sige sisihin mo pa ko , sige pa !’
‘talaga ! nung nagsabog kasi ng katangahan sinalo mo lahat ’
‘bilisan mo na lang at wag ka maingay , isipin ng mga katabi namin dito kung ano ginagawa natin.’
‘kasalanan mo naman to , kaya wag mo ko minamadali dyan pasalamat ka tinutulungan kita dyan.’
Di na ko umimik , dahil alam kong walang magpapatalo samin dalawa , dahil bright ako naiwan ko yung susi sa loob ng apartment . May binili lang naman ako sa labas , akala ko nalagay ko sa bag yung susi eh hindi pala . IM SO TALINO , right ?
‘oh ayan Santos , okay na . Sa susunod wag mo pinapairal yang pag ka engot mo hah ?’ binigyan niya ko ng mahinang tapik sa ulo
‘pano mo nabuksan yung pinto ? siguro akyat bahay ka noh ? o budol budol gang . ’
‘eh kung saksakin ko kaya ng hairpin yang ilong mo ? sa gwapo kong to mukha ba kong may gagawing di maganda ?’
‘yuck ! gwapo ka ? ewww ! mukha mo !’
‘mukha ko ? gwapo o cute ?’ tapos ngumiti si gagu
‘mukha mo mukhang unggoy !’ hinampas ko siya ng hinampas
‘sus ! kapal mo ! ikaw mukha mo mukhang paa ’ tinapat niya yung paa niya sa mukha ko .
‘walang hiya ka !’
‘oh diba , kamukha ni Santos ang paa ko , ay saglit hindi pala , mas maganda pa paa ko sa mukha mo’ hinampas hampas ko ulit si Kae .
BINABASA MO ANG
STORY OF US (girlxgirl) BOOK1
RomanceWhat if may isang taong biglang dumating sa buhay mo , unexpectedly ? isang taong ni sa panaginip di mo inisip na makikilala mo ? May chance kaya ang isang relasyon na sa simula pa lang , madami ng tutol ? isang relasyon na di tanggap ng madami . ...