To those readers who can't read the private chapters.
----------------------------------------------------------------------
_________________________________________________
KEITH POV
Wala pa kaming isang buwan , may di nanaman magandang nangyari ang malas ko naman sa pag-ibig , karma ko ata to sa mga kalokohan na ginawa ko .
Gusto ko ipaglaban si Naomi , kung pwede lang pagsigawan sa buong mundo kung gano ko siya kamahal pero makakaya ko ba na mamili siya ? Alam ko kung san lugar ko , at alam ko kung kelan ako dapat ng sumuko .
'Naomi , mahal na mahal kita' gusto ko sabihin sakanya yan , araw-araw at iparamdam sakanya na siya at siya lang ang gusto kong alagaan .
Balisa ako buong araw , pakiramdam ko lumulutang ako na parang lobo walang direksyon , hindi alam kung san patungo , para akong lobong binitawan at hinayaan madala ng hangin .
Ngayon ang araw na dapat nagcecelebrate kami ni Naomi ng 1st monthsarry , nagpunta ako sa mall para malibang sana , kaso lalo lang ako nabadtrip puro lovers nakikita ko , alam mo yung gusto mo sila sigawan ng makaramdam kayo oi , may nawawasak ang puso dito habang kayo lahat masaya .
Lumipat ako ng park malapit sa mall , okay na sana puro batang naglalaro nakikita ko , kaso may biglang dalawang medyo may edad ng babae ang tumabi sakin .
'Naalala mo ba nung una tayo nagkita ?' – girl 1
'malilimutan ko ba yun ? eh muntik mo na ko matamaan ng bato dahil sa galit mo sa mundo' –girl 2
So kelangan nila magflashback sa tabi ko ?
'kung hindi dahil sa galit kong yun di ako mapapadpad sa park na to at di kita makikilala' – girl1 , tapos may bigla siyang nilabas na rose at inabot dun kay girl 2
'ilang taon na din ang nakakalipas pero lagi mo parin ako sinusurpresa ng mga rosas mo' –girl2 , naghawak sila bigla ng mga kamay .
'mahal na mahal kita rose , simula noon hanggang ngayon , wala parin nagbago.' –girl1
Eh di sila na nagmamahalan , naiilang na ko dito sa kinauupuan ko , bat ba parang nanadya ang pagkakataon ?
'at ikaw lang din ang mahal ko simula noon hanggang ngayon marie' hinaplos ni girl2 ang pisngi ni girl1 .
Lalo lang ako nasasaktan dito , paalis na sana ako ng bigla ako tawagin nung dalawang babae .
'totoy !' huh ? toy ? tinuro ko yung sarili ko .
'oo ikaw .' girl 1 nakangiti sila saking dalawa
'ano po yun ?' lumapit ako para marinig sasabihin nila at respeto narin
'yung hawak mo kasi' hawak ko daw ? napatingin ako sa hawak ko at nagulat ,
'ay sorry po' inabot ko yung parang libro na hawak ko , akala ko notebook ko , since magkatabi nga kami di ko napansin na iba pala yung nadampot ko
Ngumiti lang sakin yung dalawang babae sakin at sinabing wala daw yun .
'Dito ka muna bibili lang ako maiinom , ah , pwede bang pakitignan muna siya ?' napatango na lang ako , naiwan ako kasama si girl 2 (rose)
'pasensya ka na hah , baka may importante ka pang lakad , sige lang kaya ko naman mag-isa'
'okay lang po yun , wala din naman po akong lakad ngayon ' napabuntong hininga ako at naisip ko nanaman si Naomi
BINABASA MO ANG
STORY OF US (girlxgirl) BOOK1
RomanceWhat if may isang taong biglang dumating sa buhay mo , unexpectedly ? isang taong ni sa panaginip di mo inisip na makikilala mo ? May chance kaya ang isang relasyon na sa simula pa lang , madami ng tutol ? isang relasyon na di tanggap ng madami . ...