Chapter 3-Is He?

44 4 1
                                    

"YOU?!" halos sumigaw ako sa gulat at pagtataka  O_O
Seriously? etong nerd na to? Atsaka siya ba talaga to?

"Is there any problem princess? you look like very surprised? Do you already know each other?" Papa said with a confused look.

"A-ah I'm sorry dad. We do not really know each other. It's just that he's the one whom I shared a table with yesterday at the canteen." then I  faked a smile. Tapos tumingin ako kay nerd na nakayuko. Tss. So siya pala ang magaling kong tutor.

"Ok, so Mr.lizardo I formally introduce to you my princess  Lavisha Alexandra Lim."

"N-nice to m-meet you P-princess."
nagbow siya ng kaunti then ngumiti.Napansin ko mukang tao siya ngaun compared kahapon. Tinanguan ko lang siya then dumating na yung order namin at kumain.

*Kriiinnggg*

"Excuse me." Papa na lumayo ng kaunti samin para sagutin yung tawag. Ako naman tinuloy ko lang ang pagkain at tumingin kay Mr.tutor.

"So, paano ka nakilala ni dad?" tanung ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin.

"A-ahm pinakilala a-ako nung secretary niya whose actually my cousin, then some interview happened at y-yun hinired n-niya ako." sabi niya. What's with the stuttering? tss. Tapos hindi pa siya makatingin sa mata ko.

"Ok." sabi ko then tinapos ko na yung pagkain at napatingin ulit ako sa kanya. Iba talaga aura niya ngaun.
He still have the neat look with smaller eyeglasses and his tux was really fit to him that make him hot! Seriously?! Compared tlaga sa itsura niya kahapon walang wala eh. I guess it is because of the tux.Ewan! Bakit ko ba yun iniisip  at pinapansin.

"Princess, Mr.lizardo, I'm sorry but I have an urgent meeting. I guess that's enough that I formally introduced both of you to each other. So, I have to go. Princess i know that you can manage to go home by yourself right? And as for you  Mr. Lizardo, you can start to teach my Princess on Monday okay. Bye" Papa nagbeso siya sakin and nakipagshake hand naman siya kay Mr.tutor then umalis na siya.

After that hinarap ko si mr.tutor na tapos na din pala kumain.

"Ahh I have to go. Bye. See you on monday."

"O-ok P-princess."

Monday (afterschool)

Marie's POV

*Ding.dong*

Ai? Sino kayang bisita? Hmm.Pumunta na akong gate at binuksan yun. At bumungad sakin ang lalaking nakasalamin na may maluwag na t-shirt at pantalon. Di ba to updated sa way ng pananamit ngaun? Sayang cute pa naman siya.Hihi

"Sino po sila?"

"A-ah ako p-po yung bagong t-tutor ni Ms. L-lavisha Lim." sabi ni cute guy.

"Aaah ok pasok ka!"
Grabe ang cute niya. Chinito kasi.Waah ngaun pa lang nagsisisi na ako sa suggestion ko kay Princess na pahirapan to!  Pumasok naman siya at mabilis kong sinara ang gate.

"Upo ka muna tawagin ko lang si Princess. Kadadating lang din niya eh galing school." ngumiti lang siya ng konti at umupo na.

Umakyat na ako para tawagin si Princess. Hayys. Nanghihinayang talaga ako kay cute guy.

*tok.tok.tok.* tss. Baka tulog na naman yun.

*tok.tok.tok.*

"Princessss! Yohoo!"

*tok.to-

"Grabe! sinira mo naman yung Concert ko eh!" Princess na nakabathrobe at may sabon pa ang buhok.o_o Ang sexy talaga nito! Nakakatibo ang beauty niya.

"Concert ka diyan! Bilisan mo na Princess dahil andiyan na yung cute mong tutor! Hihi." sabi ko at siya naman parang wala lang sa kanya at ang reaksyon lang ng mukha niya ay parang nagtataka na nandidiri.Problema nito?! May nasabi ba akong mali?

"Tch. Andiyan na pala ang nerd na yun at anung sabi mo? Cute? haha Si Nerd cute? tss. Ano yun aso? Bagay kayo! haha."

"Nah! Wag ka nga Princess! Wala lang siyang fashion sense pero cute siya!" pagtatanggol ko. Totoo naman eh. Paliitin lang ng konti salamin nun at pagsuutin ng matinong damit eh pak na pak na ang magiging itsura niya!

"Stop that nonsense Marie and bahala ka na dun kay nerd sabihin mo intayin ako sa baba." Yun.Dumiretso ng c.r. Tss. Umentra na naman kasungitan nun. Di bale puntahan ko na nga lang si cute guy! Hihi.

Alex's POV

Hindi ako nagmadaling maligo. Haha mag-intay siya! Wala akong pake. First move kong pagpapahirap yun sa kanya. Hayy. Ang hirap talaga. Isama mo pa yung kay Veronica! Hirap nga akong makahanap ng ebidensya kasi wala siya dito sa bahay dahil sa condo sila ni Papa nagiistay pag busy sa company. Minsan nga lang sila umuwi eh. Wala na bang ikakagaganda yung buhay ko.? Simula kasi nung namatay si Mama nakaramdam ako na kakulangan sa buhay ko. Wala akong makabonding sa mall. Makausap tungkol sa girls stuffs. I' m longing for a mother's care. Iba pa din kasi yung kalinga ng isang nanay at kelanman hindi yun naibigay ni veronica. Aish! Nagdrama na naman ako. After kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Enough na naman siguro ang 1 and a half hour para sa paghihintay niya. Sama ko ba? Well, masanay na kayo. Nung nakababa na ako,naabutan kong iniinterogate ni Marie si nerd. tss. Ewan ko ba kay Marie. Bulag ata, yung nerd na to  cute daw? tch.

"Saan ka nakatira?" dinig kong tanong ni Marie kay nerd. Si nerd naman mukang nahihiya pa.

"A-ahm sa-...

"Tama na yan marie at magsisimula na kami ng madali kaming matapos."
nakita kong napatayo si nerd.

"H-hi princess." nerd na parang di mapakali. Tinanguan ko lang siya.

"Sus bakit naman ang tagal mo princess eh halos dalawang oras nang nag-iintay sayo tong si Ethan eh" .tss at talagang alam na niya pati pangalan? Tsismosang gala talaga to.

"Bakit ikaw ba ang naghintay?  Umalis ka na nga, istorbo ka eh imbis na nagsisimula na dapat kami ngayon" sabi ko ng iritado.

"Sabi ko nga princess lalayas na ko.Init na naman ng ulo natin ah.Pagtimpla na nga lang din kita ng juice ng mabawasan yang init ng ulo mo. Bye Ethan." aysus! Lumandi pa.Ayun buti natahimik na din sa wakas dito.

"Tara nang magsimula nang matapos na to agad" at ng makatulog na ako.Ngayun pa lang eh inaantok na ako.Umupo ako. Bale magkaharap kami.
Dumating ulit si Marie may dalang pagkain at buti naman umalis siya kaagad. Ayun nagsimula na ang tutor session namin.tch. Minsan talaga ang daming kaekekan sa mga pinag-aaralan ngaun. tch boring eh.Buti naman nagegets ko ng konti.Though hirap but carry pa naman ng utak ko. Bakit kasi ang hirap kong kumatch-up ng lessons. Pero hindi naman ako bobo noh. Kelangan ko lang talagang magfocus. Binigyan niya din ako ng mini quiz para malaman daw kung gaano ang natutunan ako at kung ano pa yung mga dapat pang iexplain ulit.

"Wait nga time out muna..grabe kapagod naman neto." reklamo ko.

"Okay princess. Actually, nagegets mo naman ah. Base dito sa result mini quiz okay naman. Pasado ka.Konti pang focus." pansin ko di na siya nagstutter ah. Nawala na siguro ang hiya. Halos tatlong oras din ang inabot ng tutor session namin eh.

"Tch. Okay c.r lang ako. Excuse me."
paalam ko. Maghilamos muna ako feeling ko kasi nanakit mata ko eh.Aish. After that bumalik na ako sa sala.

"Buk-.. tss. Lakas nitong nerd na to.Nakatulog na sa couch. Nakatingala siya at tabingi na ang salamin niyang malaki. May hawak pa siyang book. Napagod to haba din ng pasensya nito eh halos ilang beses ko pinapaulit sa kanya yung ilang topics na tinuturo niya eh. Naalala ko naman yung kahapon. Iba talaga yung aura niya eh. Actually ang hot niya talaga kahapon eh. Bagay sa kanya yung fitted shirts. May itsura naman siya eh. T-teka bakit ko ba to iniisip? Sinabi ko bang hot siya?! DAMN! IS HE? aishh!

End of Chapter 3

Imperfect MeWhere stories live. Discover now