Chapter 8-New Student?

22 2 2
                                    

Dedicated to: EychBi12

One week.Yes! One week na naglaho ng parang bula si Nerd. Walanghiya yun di man lang nagsabi tch. Monday ngaun at pagkarating ko sa school pansin ko nabawasan yung mga tingin nilang mapanghusga nandito na kasi si Ely eh. Huh! Mga Plastik! Dumiretso ako sa room namin at nakita kong nandito na si Ely, tumabi ako sa kanya.

"Good Morning.." sabi niya habang nagdodrawing sa sketch pad niya yan kasi ang hobby niya. Actually ang galing niya sa field ng arts.Mapapainting, drawing or murals alam niya. Haha astig niya noh. Kaso hindi about arts ang tinake niyang course kasi gusto niya daw magkasama kami. Haha sweet!

"Mornin." sabi ko sabay nangalumbaba sa desk.

"Good Morning class" yan na nga dumating na ang prof. Aish! Kararating ko lang eh! Hindi man lang magpalate toh! Boring as usual.

"By the way Ms. Lim pinapatawag ka ni Mr. Cantera on his office." sabi ng prof. Aish! Bakit naman kaya ako pinapatawag ng dean? tch.Tumayo na ako at tinanguan si Ely bilang paalam.

.....

*tok.tok.tok* ayan ha! Pamanners ng konti! Then I open the door.

"Oh! Ms. Lim yes, take your seat." sabi niya.

"Bakit niyo po ako pinatawag? May klase pa po ako. " yeah I'm a bit rude buti nga pino "po" ko pa siya. Sanay na naman sila. Nagsimula lang naman akong maging ganito nang nagalit at umalis si Ely eh.

"Don't worry  Ms. Lim you're excuse in your class. So, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa pinatawag kita para pag-usapan ang grade mo Ms. Lim. Pababa ng pababa ang grade mo  at lagi ka pang nagkacutting pag nagpatuloy pa ito I'm going to tell this to your father."

Napatayo ako at nahampas ko ang table niya.

"No! Don't you dare! Don't tell this to him." Nakita kong masama na ang tingin niya. Hmmm. Emote mode nga muna. "Ok. I-I promise I will work for this." Pag nagkataon magagalit na si Papa neto sakin eh.

"Ok ok Ms. Lim. Keep your promise and if you don't, then you know what would happen next. You can now go back to your class." Lakas din neto! Ako pa ang tinakot niya?! Aish! Umalis ako sa office niya na nagdadabog. Hindi na ako pumunta ng klase para san pa?! Hindi naman ako nakikinig sa mga boring na professors and bagsak din naman!

Pumunta na lang akong canteen at kumain buti nadala ko wallet ko nasa room ang bag ko eh. Jfter that tumambay lang ako sa garden at natulog.

"WAAAHH! grabe sino siya? Ang gwapo niya!!!"

"Artista ba siya?"

"Ang hot! and Chinito!"

"Akin ka na lang please!"

"New student ba Siya?"

Nagising ako dahil sa lakas ng tilian at usapan dito. Grabe! Pati ba naman dito sa garden nainvade na din ng mga malalandi at chismosa?! At saka sino ba daw ang sinasabi nilang gwapo? New student daw? Aish! Nahahawaan na ako ng pagkachismosa neto ah. Matingnan nga ang definition nila ng gwapo!
So sumingit ako buti tumatabi sila.
Nakita ko ang isang lalaki na pinagkakaguluhan sa gitna.

"Hey! Ugly Bitches! Back Off!" sigaw ko. Napatigil sila. Aba! Ayaw pa umalis? Taasan ko nga ng kilay! Ayun! Saka natinag umalis! tch. Tumingin ako sa lalaking pinagkakaguluhan nila kanina.

"Hahahahahahaha" nagulat sila sa biglang pagtawa ko. Siya?! Siya na ba yung denefine nilang hot at gwapo? haha

"P-princess bakit ka tumatawa?" Kilala niyo na ba? Kung si nerd man ang nasa isip niyo tumpak kayo! haha

"Magkakilala agad sila?"

"Boyfriend ba ni Lavisha yan?"

"Sayang naman taken agad."

"Siya? Papatulan ng isang gwapong nilalang na yan?"
sinamaan ko nga ng tingin. Tch! Makahusga wagas ah! Bumaling naman ako kay nerd.

"Infierness haha mukha ka na namang tao, ano? Magmimeet ba ulit kayo ni Dad mamaya kaya bihis tao ka ngaun? Haha" fitted jeans and fitted longsleeves at tinaas pa ang buhok and same glasses pero bagay pa din naman. Bakit to pinapasok eh hindi siya nakauniform?! And yeah! Hindi na ko nagulat nakita ko na siyang ganyan. Napagpantasyahan ko na yan nung pinakilala siya sakin ni dad. Wait! What Am I saying? Erase! Erase!

Naglakad na lang ako pabalik sa canteen lunch na pala. Ang haba na pala ng tulog ko.

"Wait Princess! " paghabol niya.

"Wag mo nga ako tawaging Princess dito ha." baka kasi isipin na naman ng iba feeling princess naman ako!

"O sige edi Lavz na lang tawag ko sayo." sabi niya habang sumasabay sakin paglalakad.

"What?!" inis kong tanong at napatigil sa paglalakad.

"Sabi mo wag kitang tawaging princess dito. Oh edi Lavz na lang.Short for Lavisha haha" sabi niya sabay tawa.

"Tumigil ka nga! Ikaw ha! Hindi porket gumwapo ka-.." napatigil ako waah! Shunga! Sinabi ko bang gwapo siya? At sa mismong sa kanya ko pa nasabi!

"Yes Lavz? Anung sabi mo na gumwapo ako? haha gwapo naman talaga ako eh." tapos nagwink pa siya
Ang kapal! tch!

"Wag ka nga! Bingi ka lang! Ang yabang mo ah! Porket nagmukang tao ka lang eh at naging habulin ng mga hipon na yun eh aasta ka sakin ng ganyan! At saka baka nakakalimutan mo may kasalanan ka pa sakin! "

"Anung kasalanan?! Sa pagkakaalam ko wala naman." wala daw?! Ang kapal talaga! Hampasin ko nga!

"Aray! A-aaw! Lavz! Aray! w-wait! Stop!" hinawakan niya ang dalawang risk ko kaya napatigil ako.Napansin ko masyado siyang malapit kaya tinulak ko siya."Anong walang kasalanan?! Hoy! One week kang nawala! Saan ka nagpunta kang nerd ka?! Wala ka man lang pasabi!"

"Okay okay. First I'm sorry. Nawala ako kasi nagtrabaho ako. Part time ko yun kailangan lang kasi talaga importante yun eh. Second, hindi na ako nakapagpaalam dahil sa pagmamadali and Last, hindi na ako nerd kaya wag mo na akong tawaging Nerd! Ang gwapo ko namang nerd pag nagkataon." at nagsmirk pa ha! Bakit ba to nagtatrabaho? At saka ang taas na ng confidence ha! Dati nagistutter pa to eh!

"Basta! Nerd ka pa din! tch! " pagalit kong sabi sabay lakad ko ng mabilis.Narinig ko namang tinawanan niya lang ako. Aish! Nerd! hmp.

.....

A/N:Paread,vote and comment po..^_^

Imperfect MeWhere stories live. Discover now