"Itsura mo!" Sigaw ko kay Nerd. Naabutan ko siyang tulala eh.
"Pogi." Ay! ang yabang ni kuya oh. Pogi daw? Tch.
"Himala ata at seryoso ka at mukha kang problemado." Oo, first time ko siyang makita na ganito kaseryoso.
"Pinoproblema ko kasi kung bakit..."
"Bakit ano?" Pabitin ang peg niya ha.
"U-uhm.."
"Anong u-uhm?" Ano siya bata na humihingi ng a-am? Tss. Nerd talaga.
"Pinoproblema ko kung bakit ang POGI ko.."
"Aray! Lavz naman eh!" Batukan ko nga ang yabang eh!
"Muntik na kaya akong malaglag oh!" Hmp. Bahala ka diyan kayabangan niya. Mabuti pa ngang nalaglag siya sa bench. Nandito nga pala kami sa field. Masyado pa kasing maaga kaya pumunta muna ako dito para tumambay hindi ko naman alam na nandito din pala siya.
"Tch. Yabang mo eh porket ang dami nang nagkakagusto at humahabol sayong mga hipon!"
"Oh di ba, ikaw na din ang nagsabi maraming naghahabol at nagkakagusto sakin. Ibig sabihin ang pogi ko." sabi niya yan with matching pataas taas pa ng kilay at kindat. YUCK!
"HAHAHAHA" Grabe siya oh! Tumawa lang ako ng malakas. Isang minuto na ata akong tumatawa at pinagsaktan niyang tiyan nang mapasin ko na tahimik siya at tulala.
"Oh? Bakit? Narealize mo na bang isang malaking joke ang sinabi mo?" natatawa ko pang sabi.
"Y-you just laughed." Ayun si koya! Tulaley pa din habang sinasabi yun.
"Huh? Masama na bang tumawa ngayon?" ginawa ba daw big deal yun?
"N-no. I mean sa harap ko. This is the first time I saw you laughed. Hard. WOW!" sobra siyang humahanga na tumawa ako? Sabagay matagal na din akong hindi nakakatawa ng ganun simula kasi nung umalis si Ely. Oo, nakikipagbiruan ako kay Marie pero hindi tumawa ng ganun na halos ikasakit ng tiyan ko. Minsan nga ang ngumiti ay hindi ko magawa dahil lagi kong sinisisi ang sarili ko sa nangyari sa kanila ni Ryan.
"Hays. So now nakita mo na kung paano ako tumawa kasi naman ang benta ng joke mo eh! Ikaw? Pogi? Haha eh pwede na ngang panakot sa daga ang muka mo sa sobrang panget mo eh!"
"OKAY. " malamig niyang sabi sabay alis. Ayan si koya nagwalk-out. PIKON. Haha Makapunta na nga lang sa classroom tutal magii-start na ang klase ko.
.........
"Buti pa si Ely noh mabait at matalino."
"Korek ka jan friend! Tch. Ewan ko ba kung bakit nasama pa sa kanya si Ely eh opposite naman ang ugali nila. BOBO pa."
"HAHAHA if I know gusto niya lang maging sikat like Ely."
"EH? talaga? Mabuti pa si Ely no? Ang bait at matalino. Kayo kaya? Mabait kaya kayo niyan sa ginagawa niyong panghuhusga ha? Ay, nahiya naman ako ang perfect niyo kasi eh. And ako bobo? Aba naman mga ate! Oh edi kayo na ang matalino! Sa sobrang talino niyo nga eh halos punuin niyo ng pera ang bulsa ng Dean natin eh. Sorry ha imperfect ako. Hindi ako matalino like Ely. Ako? Gustong sumikat? Hello! Mga ate! Sikat na ako pinag-uusapan niyo na nga ako eh di ba? TAMA kayo, hindi ako mabait gusto niyo patunayan ko pa?"
"Ah hehe sorry. N-no need." Takot niyang sabi. Ikaw ba naman na dadating pa lang ng classroom niyo eh pula tungkol sayo ang maririnig mo. Tingnan ko lang kung hindi mag-init ang ulo niyo. Natalakan ko nga. Aba naman hindi yata ako nagpapaapi noh!
Ayun sina ate tumakbo na. Kaklase ko sila pero hindi ko alam ang mga pangalan nila. Pake ko sa kanila buhay ko nga ang gulo gulo, buhay pa kaya nila papakialaman ko? Hindi ko na sila hinabol at pumasok na sa room.
Natapos na ang klase ko. Tinry kong makinig pero hindi ko talala maintindihan math kasi. Hayaan nga nga. Magpapaturo nalang ako kay nerd para naman may silbi siya.
Pinuntahan ko siya sa room nila pero wala siya dun. Tinawagan ko din siya pero hindi niya sinasagot. Aish! Asan na ba yung Nerd na yun kung kailan kailangan ko siya eh ska naman siya nawawala. Naku baka nagtampo yun. Eh kasi panget naman siya talaga!
Since pabebe siya ngayon at ayaw magpakita, pumunta na lang ako sa secret place namin ni Ely. Naghahumming pa ako ng favorite kong kanta habang naglalakad pero napatigil ako sa paglalakad at paghahumming dahil nakita ko si Ely with Nerd....
NAGTATAWANAN.
End of Chapter 11
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Imperfect Me
Genç KurguKaya mo bang magpakaperpekto para sa iba? Kaya mo bang labanan ang mga taong nanghuhusga sayo? Kaya mo ba ang pakiramdam na mag-isa? At sa kabila nang lahat ng pinagdadaanan mo, kaya mo pa bang buksan ang PUSO mo?
