Chapter 14- Unreasonable

6 1 0
                                        


Nasa school ako ngayon at hinahanap si Nerd pero until now hindi ko pa rin siya nakikita. It's lunch time na pero hindi pa din ako nakakakain dahil sa paghahanap ko sa kanya. I wonder kung saan siya pumunta.

Walanghiya talaga yang Nerd na yan. Hindi ko maintindihan kung galit pa ba siya o hindi na. Hindi ko maiwasang mag-isip. Don't get me wrong, I just don't want to feel this way. Well, at least I apologized to him.

Pero nababother pa din ako kasi alam kong affected pa rin siya of course pati ako. Kaya ko nga siya hinahanap. I know that we're not totally fine. Hindi sapat na sinabi kong 'sorry' lang at hindi rin sapat na 'okay' lang ang sinagot niya. 

"Ely nakita mo ba si E-Ethan?" tanong ko kay Ely nang maabutan ko sya sa room namin. She's drawing something in her notebook. She really love art. Hindi  kami madalas na nagkakasama dahil malimit gusto niyang mapag-isa at magpaint na lang. I understand her by the way. I know she's always thingking about Ryan. Tuwing naalala ko ang nangyari sa kanila ni Ryan ay para akong nawawala sa sarili ko. Halos mabaliw ako dahil paulit ulit na nagpaflash sa utak ko ang mukha niyang galit galit. Kung pwede ko lang ibalik ang oras. 

"Nope." mabilis niyang sagot at nagdrawing na ulit.

*Kriiiing*

Lunch is over. Hindi ko man lang siya nahanap. Umupo na lang ako sa usual seat ko beside Ely. Nagsimula ang klase nang wala akong naintindihan kahit konti man lang. Tahimik naman si Ely na nakikinig habang nagdodoodle.

Nang matapos ang klase ay pumunta na lang ako sa secret place namin. Then finally, nakita ko din si Nerd. Unti unti akong lumapit sa kanya kahit sobrang kabado na ako. Grabe bakit ba ako kinakabahan? But to tell you the truth, I'm always  like this when he's near and I don't know why.

Nakaupo lang siya habang tulala. "Hey." Mahinang bati ko sa kanya. Nakatayo lang ako dito sa likod nya pero hindi man lang siya lumilingon sakin. Hindi rin siya sumasagot. Umupo na lang ako sa tabi nya.

"Seriously Ethan I'm really sorry. I mean it." Seryoso talaga ako. Kahit na nainis ako sa kanya kahapon sa pag-iwan nya sakin sa labas ng bahay, I realized na tama lang yun sakin. That's my first time to experience it though. All my life walang nagtrato sakin ng ganun dahil halos lahat sila takot sa akin or ayaw nila sakin. Well sino nga ba ako para magustuhan? Kahit sarili ko hindi na din maintindihan. Ano bang purpose ko? Hindi ko alam.

Sabi nila 'Everything has a purpose' pero bakit pakiramdam ko wala akong purpose? Maaaring mayroon at yun ay ang pintasan ako ng iba. Ayoko man isipin pero yun ang totoo. Daig ko pa ata ang artista nito sa dami ng issues ko sa buhay.

"Why did you do that?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Alam ko ang sagot pero hindi ako makapagsalita. Napayuko ako, nag-iisip ng tamang mga salita na alam kong kahit kailan hindi magiging tama.

"I'm despirate. I want you to get out of my life. I don't want to be judged by those who can't live without judging me."
All my life ganyan ang tingin nila sakin. Sabi nila spoiled ako sa Papa ko so I act one. Eh para saan pa? Kahit tama ang ginagawa ko mga mali ko pa din ang hinahanap nila.

"That's unreasonable." Malamig niyang sabi.

"I know Ethan. I know." Sagot ko matapos ang mahabang katahimikan. Tumingin ako kanya pero tulala siya. Hindi niya pa din ako tinitingnan kahit saglit lang. Ganito pala siya kapag galit.

"Alam ko napakarude ko. Na wala akong kwenta. Oo hindi rin kita tinuring na kaibigan man lang. But I want to thank you. And for the last time Ethan, I'm so sorry. You can talk to Dad if you are going to quit as my tutor." Nasabi ko na,ang dapat kong sabihin. Alam ko iniisip niya na hindi ako sincere but I do. Siya na lang bahala if he will accept my apology or not. Tumayo na ako. Tulala pa din siya.

"Bye." Sabi ko sabay talikod.

"I'm not going to quit." Napatigil ako sa paghakbang dahil sa sinabi niya. Nilingon ko siya pero tulala pa din siya. Dumeretso na lang ako ulit sa paglalakad.

Well, I'm lucky then.

End of Chapter 14

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 18, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Imperfect MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora