Nandito na ako sa bahay pero hindi ako mapakali. Ayoko ng ganitong feeling. Dahil tuwing nararamdaman ko ito naaalala ko ang nangyari sa amin ni Ely. Ano bang dapat kong gawin? What if pumunta dito si Nerd mamaya? Aish!
*tok.tok.tok*
Ayan ng nga ba sinasabi ko eh. Wahh ano na? Magpapanggap na lang kaya ako na natutulog? Ay! Baka lalong magalit yung Nerd na yun. Bahala ng nga! Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Marie.
"Princess, nasa baba na po si Ethan. Bakit ang suplado nun ngayon?"
Tch. Hindi ko na lang siya sinagot kasi hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Lalo lang kasi akong naguiguilty. Pagkababa ko ay nakita ko lang si Nerd na nagbabasa ng libro. Siguro yan lagi ang gingawa niya tuwing nag-aantay sakin.
"Let's start para matapos na tayo kaagad." malamig niyang sabi at hindi man lang niya nagawang tumingin saakin. Sinabi ko nalang sa kanya yung about sa hindi ko maintindihan na lesson namin kanina sa Math.
Tumatango lang ako sa mga sinasabi niya kahit hindi naman siya natingin sakin the whole time. Hindi ko magawang paulitin sa kanya yung mga part kung saan medyo malabo para sakin kasi nahihiya ako. This time totoo na talaga na hindi ko maintindihan.
"Okay na?" sabi niya nung natapos na ang pagtuturo niya. Still, ang lamig parin ng pagkakasabi niya. Feeling ko sobrang bilis ng pagtuturo niya. Hindi ako sanay na ganito siya. Ngayon ko lang naman kasi siyang nakitang ganito. Yung pagiging mahiyain at pagiging hyper niya pa lang ang nakita kong side niya. Nagulat ako nung bigla siyag tumayo. Tapos na pala niyang imisin ang gamit niya.
"I have to go. Bye." Waah! Ano bang gagawin ko? Naiwan lang ako dito sa sala ng nag-iisip. Aish OO NA NGA! GAGAWIN KO NA! Tumakbo ako papuntang gate. Pasakay na sana siya ng taxi pero pinigilan ko siya.
"Ethan wait!" Sigaw ko sabay higit sa braso niya na nakahawak na sa pintuan ng taxi. Tumingin pa ako sa kanya habang hinihingal ng konti. Gulat na gulat siya ewan siguro dahil first time ko siyang tinawag gamit ang name niya.
"Manong sorry po. May nakalimutan po kasi siya eh." sabi ko dun sa driver ng taxi. Nakabukas naman yung bintana niya eh. Ayun umalis na siya agad mabuti nga at hindi nagalit. Tumingin ulit ako kay hay.. okay for now tatawagin ko siyang Ethan. Hmp! Kung hindi lang siya galit eh.
Umiwas lang siya ng tingin sakin at hindi nagsasalita. Tinanggal ko yung kamay ko na nakahawak pa pala sa braso niyang matigas. Ay Shit! ano ba tong pinagsasabi ko. Focus ka muna Alex! Hindi mo pa nga alam ang sasabihin mo sa Ethan na to. Kausapin ba daw sarili? Mababaliw na ata ako eh.
"U-uhm ah ano. Kasi u-uhm..." OO NA AKO YAN! Bakit ba ako nag-iistutter? Napayuko na lang ako sa hiya. Tulong naman diyan oh. Bakit kasi nauso pa ang pride eh. Pede namang tide na lang. Okay, ako na ang waley. :3
"Kung wala kang sasabihing matino aalis na lang ako." Napatingin ako sa kanya dahil sa gulat. NO! HINDI SIYA PWEDENG UMALIS HANGGAT HINDI KO NASASABI SA KANYA YUNG KAILANGAN KONG SABIHIN. Hindi po ako galit niyan.
"N-no. I-I want to tell you that I-Im.." grabe bakit ngayon pa ako kinabahan? Kasi naman eh hindi naman ako sanay na magsabi nito bukod kay Ely.
"What? You are just wasting my time." Wahh! Nagagalit na siya. Ganito pala siya magalit. Okay kaya mo to Alex. *Inhale* *Exhale* AJA!
"I-I want to tell you that I'M SORRY. " mabilis kong sabi habang nakayuko. Nilaro ko lang ang daliri ko para hindi niya mahalata ang kaba ko. Ano kayang magiging reaksyon niya? Magiging okay na ba ulit ang pakikitungo niya towards me? Or is it a big NO NO. Wag naman sana!
"OKAY." Nagulantang pa ang katawan ko nung sinabi niya yan but hindi pa din ako tumitingin sa kanya kasi nag-iintay pa ako nung sunod na sasabihin niya. Pumikit pa ako. Intay ka lang Alex magiging okay din siya.
"Princess!"
"Ay Princess!" Nagulat na naman ako. Si Marie lang pala. Pero wait!
"S-si Ner- Ethan?" Asan na yun?
"Huh? Umalis na siya di ba kanina pa?" sabi ni Marie na nagtataka pa. Aish! ang damuho iniwan ako dito sa labas ng nag-iisa?! Mukha pa akong tanga dito at may papikitpikit pa akong nalalaman?! ARGGHHHH! KAINIS!
"Ano nga palang ginagawa mo dito Princess? Akala ko nagdadasal ka eh."
"ARAY! Princess naman eh." batukan ko nga. Inasar pa niya ako eh pagka ganitong naiinis ako talagang hindi ko maiwasang manakit. Pumasok na lang ako sa bahay at dumeretso sa kwarto ko. Pabagsak akong dumapa sa kama ko at sumigaw kahit natatakluban ang mukha ko ng unan.
ARGHHHH! Walanghiya kang Nerd ka! Humanda ka sakin bukas!
End of Chapter 13
Pavote at comment! haha
YOU ARE READING
Imperfect Me
Teen FictionKaya mo bang magpakaperpekto para sa iba? Kaya mo bang labanan ang mga taong nanghuhusga sayo? Kaya mo ba ang pakiramdam na mag-isa? At sa kabila nang lahat ng pinagdadaanan mo, kaya mo pa bang buksan ang PUSO mo?