Andito kami sa canteen at ayan na naman yung bulungan at tilian. tch! Ngayon lang ba sila nakakita ng tao? Diretso ako sa stall at umorder. Yes hindi na ako napila. Sila eh kusang natabi. Ewan ko ba. haha
"Adobo and Rice, Carbonara,chocolate mousse, shanghai, fries,and melon shake." mabilis kong sabi. Ang dami noh? Haha matakaw kasi ako eh pero di naman ako tumataba. -_- Kinuha ko yung tray na punung puno at nagstart na kumain.
"Whoo! Andaya mo naman Lavz eh iniwan mo ako tch! Natrap ako dun eh nabingi na ata ako sa lakas ng tili nila." ayun todo ayos siya ng damit niya na gusot gusot, pawisan din siya at hinihingal pa. Hindi ko siya pinansin at dumeretso ng kain sanay na siya na ganito ako matakaw.Kasabay ko ba naman halos tuwing break at lunch. Pero parang wala lang siya kasi medyo tahimik pero ngayon? Uh uh ang ingay na niya! At naiinis ako! tch!
"Ano ba! Bumili ka nga ng iyo!" inis kong sabi. Panu! Kumuha siya ng fries ko. Oo nakaupo na sya sa harap ko. Ang bilis eh nuh.
"Grabe ka naman Lavz! Antakaw mo talaga! Para isa lang eh!" pagdepensa niya.
"Kahit na! Bumili ka ng iyo!" tch.nilayo ko ng konti ang tray ko at kumain ulit. Tumayo naman siya.Buti naman kunin mo na lahat sakin wag lang pagkain.
"tch! Pig as always!" napatingin ako sa kabilang table and there I saw the three bitches. Tatayo na sana ako at handang manabunot ng may kumapit sa balikat ko.
"Wag mo nang patulan, alam mo naman na maganda ka kesa kanila.haha" sabi niya ng pabulong at binaba ang tray niya sa table.tch! Anung connect?! Umupo ako ng padabog at padabog ding sumubo ng carbonara.
"Wag kang magpadala sa mga sinasabi nila. Maiistress ka lang. Sige ka papangit ka din. Hahaha" at talagang tinawanan pa ako ha.Batuhin ko nga ng tissue sa muka! Napatigil siya sabay ngumiti na lang.Nagulat na lang ako ng bigla niyang pahirin ang gilid ng labi ko gamit yung tissue na binato ko sa kanya.
"Yan kasi may padabog dabog ka pang nalalaman eh." sabi niya. Ang lapit niya na at feeling ko nag-iinit ang pisngi ko kaya tumungo ako.Waah anu bang nangyayari sakin?!
"Uy Lavz?" nakatungo pa din ako."kain na tayo ulet.." kumain na lang ako. May bigla nga pala akong naalala. Humarap ako sa kanya na busy sa pagkain.
"Oo nga pala nerd! Wala kang kwentang tutor!" kasalanan niya kung bakit bumaba grades ko! Mawala ba naman siya ng one week.Eh di naman ako nag-aaral eh self study? Di uso sakin un, eh sa tinatamad ako eh.
"What are you saying Lavz? Ako walang kwentang tutor? Aba! Ako na yata ang best tutor/babysitter/bodyguard mo! San ka pa!" pagyayabang niya at ano?! babysitter?! Wat da?
"Heh! Tumigil ka nga! Anong baby sitter ka jan! Btw. Kinausap ako ng blackmailer na dean na yun! Sabi niya pag bumaba pa daw grades ko si Papa na daw ang kakausapin niya? Ano? Baka magdagdag pa yun ng isa pang nerd na katulad mo!" inis kong sabi.
"Haha babysitter ba kamo? Oo kaya! Eh sa hirap mung turuan eh! Daig mo pa ang day care student. Pasalamat ka Lavz mahaba pasensya ko eh!" irapan ko nga! Kung alam mo lang! Ayaw mo pa kasing umalis eh pero sabagay magagamit ko din tong nerd na to haha. Pag nagalit si Papa sasabihin ko di niya ako tinuturuan ng maayos kaya ako bumagsak. Haha what a great me!
"Basta! Wala kang kwentang tutor!" pagmamatigas ko.
"Makapagsalita ka naman. Alam mo magtatampo na talaga ako. Don't you miss me?" nag-inarte ang mokong at nagpout pa! Tch! Pero bakit ganun ang cute niya? Waah! Bad! Bad! Di ka nakucute-an Sha di ba? Di ba? nerd siya forever!
(Pilitin ba daw ang sarili? haha xD)
"Edi magtampo ka! Walang pumipigil sayo! At saka ikaw mamimiss ko? aba who you! para mamiss ko? tch."
asar kong sabi at umalis na. Ewan ko ba kung bakit ako naasar.aish.Pumunta akong parking lot at dumeretso sa bahay. Cutting again. Eh sa mainit ulo ko eh. Himala ata di niya ako hinabol haha mabuti nga.
Dirediretso akong pumasok sa bahay.
At di yata talaga ako tatantanan ng pambubwisit. Bakit siya nandito?!
"Hello dear Princess." pagbati niya in sarcastic way.
Urgghhh! I hate my life!
...,
read.vote.comment please po.
Need 10 votes and 5 comments.^_^v
YOU ARE READING
Imperfect Me
Teen FictionKaya mo bang magpakaperpekto para sa iba? Kaya mo bang labanan ang mga taong nanghuhusga sayo? Kaya mo ba ang pakiramdam na mag-isa? At sa kabila nang lahat ng pinagdadaanan mo, kaya mo pa bang buksan ang PUSO mo?
