"ANO BANG PUMASOK SA KOKOTE MO AT NANGIALAM KA HA?!"Grabe tong lalaking to! Nakialam ba naman? aish. Ano na naman iisipin nang iba sakin? Na mahina ako? Na kahit sarili ko hindi ko maipagtanggol?! Nakita kong madaming nakatingin sa amin.
"Let's Go!" hinila ko ung t-shirt ni nerd para tumayo siya at hinila ko papuntang parking lot.
"Sakay." sabi ko sa kanya with authority.
"B-but.. I still have a class to attend-" pagtanggi niya.
"I.DON'T.CARE." sabi ko then I glared my eyes to him..
"O-ok princess." sabi niya at nagmadaling sumakay ng kotse.
Sumakay na din ako and nagmadaling pinaandar ang kotse pauwi. Humanda kang nerd ka!
Ethan's POV
Ang bilis magpatakbo ni Princess.Nagalit pa yata. Tumahimik na lang ako baka lalong magalit eh.
*Beeep.! Beeep!* pagbusina niya para pagbuksan kami ng gate. Maya maya bumukas ang gate at nakita ko si Marie na halata mong nagtataka. Agad namang nagdrive ulit papasok si Princess at pinark na yung sasakyan and nagmadali siyang bumaba.
"Princess! princess! wait lang! bakit ang aga niyo umuwi?"
Dinig kong sabi ni marie na sumunod kay princess papasok ng bahay. Nagmadali din akong sumunod at pagpasok ko sa loob nakita kong uminom ng tubig si princess. Nah. Alam kong lagot ako sa kanya. Eh sino ba nga ba naman ang hindi magagalit sa ginawa ko.Sumingit ba daw sa away ng iba.Alam ko mali ako pero may dahilan ako.
"Oh ethan ikaw na nga lang ang tatanungin ko. Bakit ang aga niyo umuwi? Atsaka napano yang mukha mo? Bakit may pasa ka?" sabi ni Marie na nag-aalala. Lumapit siya sakin at hihipuin sana ang pasa sa labi ko pero umiwas ako.
"A-ah marie w-wala nadali lang.hehe" pagsisinungaling ko. Alam ko kasi na mag-aalala siya lalo na kay princess at baka makarating pa kay Mr.Lim.
"Sigurado ka b-..
"Marie wag mo na yang pakialaman.Ako na bahala sa kanya. Ikuha mo na lang kami ng makakain." Pagsingit ni princess. Buti na lang.Sana hindi ito makarating kay Mr. Lim dahil alam kong mag-alala lang din siya lalo.
"Oh! Ilagay mo diyan sa pasa mo. Tch"
Paghagis niya sakin ng cold compress buti nasalo ko. Kakabigla tong si Princess. Nilagay ko na yung compress sa may tabi ng labi ko. Buti hindi ganun kalala. Nakita ko namang umupo sa sofa si Princess.
"Bakit ka ba nangingialam?!" Princess na halata mung naiinis.
"A-ah k-kasi ahmm.."
Aish! Ano bang sasabihin ko?
Lavisha's POV
"A-ah k-kasi ahhmm.." tch. Yan na naman ang pagstutter niya.Nakakainis na ha.
"Will you please stop stuttering and just answer my damn question!" tch! I am mad really! Panu kapag nakarating to kay dad?! Baka hindi lang tutor ang ipadala niya sakin kundi pati na rin bodyguard?! Hell!
"......"
Ano ba? Hindi ba siya magsasalita?
"Ano?! Hindi mo ba sasagut-.."
"I just wanted to protect you." pagsingit niya and what did he say?! He just wanted to protect me?!
"Hahahahaha Are you insane?! Hahaha." Grabe sino siya? Si superman?! Napatigil ako sa pagtawa nung makita ko siyang seryoso at parang nag-iisip pa.
"Nagpapatawa ka ba? Who are you to protect me? You're just my nerdy tutor and not my pathetic hero!" I know harsh yung sinabi ko pero tama naman ako. Ayoko kasi sa lahat yung pinapakialaman ako.
"I'm serious. I want to protect you. I know that I'm just your tutor but please. Let me- let me also be your hero Princess." what's with him? bakit ba siya naging ganyan!
"I don't need you as my hero.Masyado ka bang mahirap at pati pagiging bodyguard pinapasok mo na rin? Ni hindi nga rin kita kaibigan! At tingnan mo nga itsura mo! Kahit sino walang matatakot sayo! Baka daga pede pa!" sarsastiko kong sabi.
"...." tss. Napahiya yata. Makaligo na ng lang nang mabawasan naman ang init ng ulo ko! But before I go..
"Should I be thankful? Ok thank you! are you satisfied? Huh?! Tch! Next time mind your own business! Remember that! " I said leaving him there, still standing without saying anything.
Ethan's POV
Naiwan ako dito sa sala nang nag-iisip. Tama nga siya.
"Oh? Asan na si princess?" Marie na may hawak na tray na puno ng pagkain.
"A-Ah umakyat na s-siya. I have to go.Bye." pagpaalam ko sabay lakad palabas sa bahay nila.
"Wait! wait! Ok ka na ba? Saan ba yan nadali? At saka bakit umakyat si Princess?" paghabol niya saakin hanggang makarating kami sa gate.
"I'm ok. Thanks. Bye." lumabas na ako at mabilis na pumara ng taxi.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay princess kanina. Oo nga naman. Sino nga ba naman ako para protektahan siya. Idagdag mo pa ang itsura ko.aish. Kung hindi nga lang.Edi sana. SANA
End of Chapter 5
a/n: bitinxD ^_^v
pavote po! :)
YOU ARE READING
Imperfect Me
Teen FictionKaya mo bang magpakaperpekto para sa iba? Kaya mo bang labanan ang mga taong nanghuhusga sayo? Kaya mo ba ang pakiramdam na mag-isa? At sa kabila nang lahat ng pinagdadaanan mo, kaya mo pa bang buksan ang PUSO mo?