Chapter 7-Continuation

23 2 3
                                    

Dedicated to: kathleenjane1484

Photo: Ryan

*Flashback*

"WHAT THE HELL?!" dinig kung sigaw ng isang babae. Ouch! Kumikirot ang ulo ko. Bumangon ako para tignan kung sinong sumigaw.

"E-Ely?" taka kong tanong "bakit ka sumisigaw?" dagdag ko pa. Hindi niya ako sinasagot. Parang paiyak na siya, na galit at nakatingin siya sa-

"Ryan?!" napasigaw ako, topless siya tiningnan ko ang sarili ko at b-bakit iba ang suot ko?! Polo? Waah! kay Ryan ba to? B-bakit? Nasaan ako?

"Uggh. Bakit ka ba sumisigaw Sha." bumangon din unti unti si Ryan habang hawak ng isang niyang kamay ang noo niya. Napatingin ulit ako kay Ely, alam ko iba ang nasa isip niya.

"Walang hiya kayo! Ikaw!" sigaw niya habang lumalapit sakin.
*Pak!* napahawak ako sa pisngi ko sa sakit ng sampal niya.
"Bestfriend kita Sha! tapos aahasin mo ako?!" sigaw niya sakin habang umiiyak. Nagsimula na rin akong umiyak hindi ko din alam ang nangyari eh.

"Tama na Ely! Mali ang iniisip mo!" napatayo na rin si Ryan at lumapit kay Ely. *PAK!*

"Magsisinungaling ka pa ba Ryan?! Kitang kita ng dalawang mata ko! Alam niyo napakatanga ko! Naghanap ako sa dalawang taong walang kwenta! Magsama kayong dalawa!" galit na galit na sabi ni Ely sabay naglakad ng mabilis pero bago pa siya makalabas ay nagbitaw siya ng salita na nagpaiyak kay Ryan.

"Nga pala Ryan, break na tayo! tch!"
at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

"I'm sorry Ryan. I'm so sorry. Nasira ko pa ang anniversary nyo." humahagulhol kong sabi.

"Hindi Sha mali siya ng iniisip nagpadala siya sa galit niya." Sabi ni Ryan na umiiyak na din ngunit pilit niyang pinipigilan. Ano ba talagang nangyari?

"T-teka Ryan ano bang nangyari bakit tayo nandito a-at bakit b-ba ganito itsura natin? Wag mong sabihin na-"

"Hindi Sha walang nangyari satin.Ako ang lalaking kainuman mo kanina. Ang kulit mo kasi eh dinala kita dito nung hindi mo na kaya.Basang basa ng pawis ang damit mo kaya tinawag ko ang isang maid namin at pinabihisan ka pero dahil wala kang pampalit na damit ibinigay ko yung polo ko. Mahilo hilo na din kasi ako kaya hindi na ako pumunta sa kwarto ko para ikuha ka ng damit. Pinalabas ko na ang maid at binantayan kita sandali kaso nung naging ok na nang kaunti ang pakiramdam ko at kukuha sana ako ng damit sa kwarto ko kaso hindi ko mabuksan ang pintuan. Ilang beses kong sinubukang tumawag sa labas pero walang sumasagot at yun hindi ko alam na nakatulog na din pala ako."  pagkukwento nya.

"S-so wala talagang nangyari?" paninigurado kong tanong.

"Yes Sha wala talaga."

*End of Flashback*

"Kinabukasan nalaman na lang namin ni Ryan na wala na si Ely pumunta na nga siyang Canada, sa Papa niya. Si Ryan din hindi ko na nakita ang alam ko umuwi naman siya sa probinsya nila. Nasaktan siya eh dahil lang sa maling akala." dugtong ko pang kwento kay Marie.

"Eh princess pano daw nalaman ni Ely yung totoo?" Tanong ni marie

"Ah! Nagmessage sa kanya si Kathleen na kabatch namin. Nakita niya yung moment na nilock nung tatlong bruha yung pintuan sa labas.Pati na din yung sa maid, thanks to Kathleen." napabuntong hininga na lang ako na may ngiti sa labi.

"Thanks talaga kay Kathleen kasi kung hindi niya nakita yun wala pa din yung dating princess na masayahin at palaban! haha" ayun tumawa pa siya kaya napatawa na din ako.

"Haha yeah." aish. Ngaun ko lang narealize na ang dami ko nang napagdaanan na sakit. Nung namatay si mama, away namin ni ely, mga taong walang ginawa kundi husgahan ako pero lahat ng sakit na yun nagturo naman yun sakin kung paano maging matibay at maging palaban sa buhay.

"Pansin ko Princess ang drama ng buhay mo! Pedeng pede na sa MMK yan! haha" ayun nag-asaran lang kami. Haha

*Kinabukasan*

Pumasok ako at nagulat akong pumasok na pala talaga agad si Ely.Naku! Hindi naman halatang namiss niya ako ano? Haha pero may napansin ako hindi ko nakikita sa campus si Nerd. Wala tuwing break at nung lunch wala din.Nakakasabay ko naman yun palagi eh. Tch! bahala siya! Hindi siya kawalan!

Umuwi ako sa bahay at wala pa din si Nerd. Aba! sayang lang ang pasweldo sa kanya ni Papa!

"Ang sabihin mo miss mo na sya!"

Sabi ng epal kong subconscious. Yung nerd na yun? Mamimiss ko? Asa sya!
Hmp!

.....

A/N: Hello! read.vote.comment please! hehe medyo maiksi. Bawi next tym.

Imperfect MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon