Ang saya nila.
Bagay sila.
Edi sila na! Aish! Teka? Bakit nga ba ako nagagalit? At sinung may sabi na nagagalit ako? Nagtatawanan lang naman sila di ba? Malay natin nagbibiruan lang sila. Ay leche!
Makaalis na ng-
"Oh Alex anjan ka pala?" Haish! Walanghiya naman tong nerd na to! Napansin pa nga ako ng lintek! Tingnan mo kelan pa nya ako tinawag na 'Alex'? Eh kanina lang eh Lavz pa ang tawag nya sakin. Siguro pikon pa din siya?
Humarap ako ng naiinis sa kanila. "Ay hindi! Anino ko lang ang nandito! Tch." Sarsastiko ko pang sabi. Ewan ko ba kung bakit ang init ng ulo ko.
Narinig kong nagchuckle lang siya sa sagot ko.
"Join us here Sha." sabi ni Ely. Hindi na lang ako umimik at umupo sa tabi ni Ely. Bali pinaggigitnaan namin ni Nerd si Ely.
"Nakakatuwa pala itong si Ethan eh, palabiro. Haha kinuwento niya din yung una ka nyang nakilala. Sabi niya ang taray mo daw. Hahaha"
Tingnan mo nga naman oh. Ako pa ang topic nila? Clown ba ako para pagtawanan nila? At itong Nerd na to sinabihan pa akong mataray?!
"Well, hanggang ngayon naman. Hahaha" aba't talagang ginatungan nya pa?! Pikon ba talaga to o nag-iinarte lang siya?
"Ganun ba? Well, mas nakakatawa kapag nakita mo siyang halos mamuti ang mata kakaiintay sakin sa bahay kapag tuturuan niya na ako. Nakakatawa pa lalo pag nagpipigil siya ng inis kasi kunwari hindi ko nagegets ang itinuturo niya at paulit ulit na ang pag-eexplain niya. Hahaha" sabi ko with sarcasm. Ayoko ng nararamdaman ko pero bakit yan ang lumabas sa bibig ko. I have this feeling na gusto kong makaganti. Aish! Stupid mouth!
Walang nagsasalita. Tanging kaluskos lang ng mga dahon at simoy ng hangin ang maririnig. Sinulyapan ko si Ely at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Sabagay hindi niya alam ang mga pantitrip na ginagawa ko.
Napatingin ako kay Nerd ng bigla siyang tumayo at umalis. Tinanguan niya si Ely sign na nagpapaalam siya pero saakin ay hindi man lang siya tumingin. I know nasaktan siya sa nalaman niya. Pero ano pa bang magagawa ko? Nasabi ko na eh. Again, tahimik na naman. Walang nagsasalita between me and Ely. Hindi ko kasi alam kung dapat ba akong magexplain sa kanya o hindi.
"I-is it true?" bumalik ang tingin ko kay Ely ng bigla siyang nagtanong.
"Yeah." pag-amin ko. Since bestfriend ko siya dapat niyang malaman yung totoo.
"B-but why?" Mukha siyang naguguluhan. 'Hindi mo na ako kilala Ely. Hindi na ako ang dating Sha na kilala mo.' Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa. Ayokong pati siya lumayo sakin.
"Y-you know that Papa is always hiring a tutor for me since I started going to school. You also know that I hate it. At first I forgave Papa and accept that tutor thingy because I was still a kid. But now that I'm a college student? Am I that illeterate Ely? Nagawa ko lang yun kay Ner- kay E-ethan kasi gusto kong sumuko sya sakin sa pagtuturo. Gusto kong mawala na siya sa buhay ko!" naiiyak kong sabi sa kanya.
"Ssh. Okay okay I understand but Ely you should talk to Tito. I'm sure he will understand you like I do."
"No. He never listen to my explanations about this matter. He said that he's doing this for my own sake. But nah! I think he's not trusting my abilities."Ayan napaenglish tuloy ako kasi naman eh bakit ba ang drama ko ngayon?
"But don't put your anger to Ethan. Nahihirapan din siya Alex. I know mahirap sayo pero pwede mo naman siyang gawing kaibigan di ba? I promise na tayo lang ang makakaalam na tutor mo siya. Malay mo maging ano mo pa siya." makahulugang sabi niya.
"What?"
"Haha nevermind Sha. Naku! Tara ng umuwi noh. Itututor ka pa ni Ethan." sabi niya at tumayo.
"Ano ka ba Ely? Akala ko ba secret lang? tch." tumayo na rin ako at nagpagpag ng damit.
"Kaya nga eh tayo lang namang dalawa dito di ba." pang-aasar niya.
"Kahit na. Malay mo may makarinig pa din."
"Naku! Oo na eto na nga oh izizip ko na mouth ko. Nagdrama ka pa. Tara na."
Ayun hinigit niya na ako pauwi. Pupunta kaya si Nerd? Ay naku bahala na nga!
End of Chapter 12
YOU ARE READING
Imperfect Me
Teen FictionKaya mo bang magpakaperpekto para sa iba? Kaya mo bang labanan ang mga taong nanghuhusga sayo? Kaya mo ba ang pakiramdam na mag-isa? At sa kabila nang lahat ng pinagdadaanan mo, kaya mo pa bang buksan ang PUSO mo?
