Four: My Innocent Eyes And Ears

30 4 0
                                    


Naka'uwi na rin si Poopoo sa bahay nya. Ang weird nya kagabi eh. Ano bang meron sa Thei Sean Academy? Hindi kaya dun din sya napasok at ayaw nyang makita ko ang ka'torpehan nya? Hahahaha. Baka nga.

Anyway, papunta ako sa TSA para malaman ko kung kailan ang start ng klase. May uniform na rin ako. Ang cute nga ng uniform nila eh, kahit pan'lalaking uniform cute rin. ^·^ Pero sana talaga maging invisible ako sa paningin ng mga estudyante dito.

Mas pinili kong maglakad na lang. Medyo na'miss ko kasi ang lugar na ito. Dito ako lumaki pero natatakot ako na baka makalimutan ko na ang mga daan dito. Hmmm... may nagbago pero hindi naman lahat ng daan kaya hindi naman ako maliligaw nito. Medyo malapit na rin ako sa school.

Habang naglalakad ako may mga lalaking naka uniform ang nakita kong naglalakad rin na galing sa school na papasukan ko? Ha? D'dun sila g'galing? Nako po! Mukang maling school ang napili nila mommy. Yung uniform nila, hindi yun tulad nung uniform na nakita kong uniform ng mga lalaki sa TSA. Taga'ibang school sila? Nakita kong may kaunting dugo ang uniform ng isa sa kanila. Wait. B'baka pagsamantalahan ako ng mga 'to.

Inilabas ko ang payong ko para pag nilapitan ako ng mga to may panlaban ako. Waaaaaaah! Malapit na sila~~~ Mommy~~~~~~~ Help! Halos nanginginig ang tuhod ko nung lumagpas na sila sakin. Hindi pa rin ako makakilos ng maayos kahit medyo malayo na sila pero nakahinga na rin ako ng maluwag.

Nang mahimasmasan ako, naglakad na ulit ako habang naglakad ako sa loob ng school may narinig akong ungol. Waaaaaah~ Ano na naman yun? Natatakot na ako! Alam nyo ba yun? Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ko ang isang lalaking nag'salita.

"Oh, yan lang ba kaya mo?! Wala ka pala eh! Puro yabang ka lang! Wag na wag mong sasaktang ang babaeng yun! Kapag ginalaw mo sya, hindi lang yan ang aabutin mo!" sigaw nito at narinig ko ang sipa na ginawa nya na naging dahilan para umungol ulit ang lalaki. Nang marinig ko na papunta na rito ang lalaking nag'salita, agad akong humanap ng matataguan ko.

Loko pala yung mga yun eh. Hindi pa nagsisimula ang klase nangbu'bully agad. Grabe. T'teka, kawawa naman yung lalaki kanina. Nasan kaya sya?

Hinanap ko sya sa lugar na pinanggalingan ng lalaki kanina. Nakita ko ang isang lalaki na nakahandusay at duguan. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Ano 'to? Isang anghel na bumagsak sa langit kaya duguan? Aish~ Ano ba 'tong iniisip ko?

Wait, tutulungan ko ba sya o hindi? Baka kasi mapagkamalan ako na akong nangbugbog sa kanya pero impossible. Masyado akong maliit para mabugbog ang tulad nya. Lord, bakit? Bakit ako pa? First ko lang makatistigo ng ganitong pangyayari. Waaaaaaah~ Witness ako pag itong lalaki ay patay na. Wag naman po sana. T.T

"Kuya! Kuya! Gising po!" pero useless ang pagsigaw ko. Wala na syang malay. Hindi naman po sya patay, di ba?

Itinayo ko sya. Aish~~~ Ang bigat naman ng lalaking to. Ibinaba ko ulit sya at kinuha ko ang phone ko. Tinawagan ko si Mang Micky at sinabi ko sa kanya na kailangan ko ng tulong ngayon na sa TSA. Habang iniintay ko si Mang Micky, binigyan ko muna ang lalaking ito ng first aid. Maya maya lang ay nandyan na si Mang Micky.

"Oh! Ma'am, ano pong nangyari dito? Ayos lang po ba kayo?" bungad nito sakin.

"Ah, opo. Ayos lang naman po ako. Dalhin na po natin sya sa pinaka'malapit na hospital dito." I riposte.

Agad naman itong binuhat ni Mang Micky at isinakay sa car. Mabilis na pianandar ni Mang Micky ang sasakyan at maya maya lang ay nandito na kami sa hospital. Inasikaso naman agad sya ng mga nurses dito at ang doctor. Medyo kinakabahan ako pero maya maya ay lumabas na ako doctor.

"Okay na naman sya. Na'sobrahan lang sya sa alak at dahil sa lasing sya habang binubugbog sya ay medyo naalog ang ulo nya na naging dahilan para mahilo sya at mawalan ng malay." sabi nito.

Your Name Is... What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon