Eight: Jynch Finch

60 4 0
                                    


Jynch's POV

Kinaladkad nya ako sa isang cafeteria. Feeling ko talaga may nangyari sa school nya kanina eh. I know her. Alam ko kapag may problema sya, pag may nangyari sa kanya. Sya ang taong nakasama ko simula nung bata pa lang ako kaya kilalang'kilala ko na sya. Um'order na kami. Hindi ko na sya kinulit baka magalit pa sya sakin. Hihihi.

"So, Dada. How's your first day at Thei Sean Academy?" tanong ko sa kanya.

"H'huh? O'okay lang naman. I'ikaw?" nauutal nitong sabi. Sabi ko na nga ba may problema to eh.

"Normal lang parang tulad ng dati." sabi ko sa kanya.

Maya maya ay nanahimik kami. Sinasabi ko na nga ba eh, may problema talaga tong babaeng to. Nauutal, hindi makatingin sa mata at tahimik sya kapag may problema sya. Hays. Habang nasa cafeteria pa kami may nakita akong mga estudyante ng TSA na grabe kung makatingin kay Dada. Nakita ko naman si Dada na nakayuko lang. Nabu'bully na naman ba sya? Tch. Ba't kasi ayaw pa nyang aminin sakin, eh obvious naman. Habang nakatingin ako sa kanya at hinahayaang mag explore yung mata ko sa kanya, nakita ko ang maliit na sugat sa siko nya.

"Dada, san galing yang sugat mo?" ngumuso ako sa sugat nya.

"H'huh? A'ah, w'wala to. N'nadapa lang ako k'kanina." Tch. Palusot pa Dada.

"Grabe namang kamalasan yan, Dada." sarcastic kong sabi sa kanya.

"Totoo naman eh." pagmamatigas nito. "Naglalakad kasi ako dahil sa tinitignan ko kung nasan yung room ko bigla akong napatid kaya nadapa ako." sabay pout. You're not a good liar Dada.

"Okay, pero Dada kapag talaga may nangbu'bully sayo lagot ka sakin. Nagtatago ka na sakin ngayon ha." sabi ko sa kanya.

"Opo, itay. Sasabihin ko naman po sayo pag may problema ako, itay." pang'aasar nya sakin. "Ah, teka lang. Pupunta lang ako ng girl's comfort room." duktong nya.

"Ah, osige." sagot ko sa kanya.

Habang nasa cr sya, may mga pumasok na estudyante ng STA at narinig ko ang pinag'uusapan nila.

"I can't believe na naka'uwi na talaga si Von." sabi ng isang babae. Si V'von? Nandito na sya?

"Oo nga eh. Pero ang mas di ako makapaniwala, eh yung inasta ni G-Dragon kanina." sabi ng isa pang babae. Ano na namang inasta nung lalaking yun?

"Imagine that. Ngayon lang natin nakita yung babaeng yun tapos malalaman natin na sila na. What the heck?!" sabi ng isa pang babae. Sinong babae yung tinutukoy nila? Don't tell me, it's Dada. It can't be. Yun ba ang dahilan kung bakit ganun ang inaasta ni Dada? Tch.

"She's such a b*tch! A slut!" muntik ko ng di mapigilan ang sarili ko sa sinabi ng babaeng yun. "Pero maswerte sya at ginawa yun sa kanya ni G-Dragon." duktong nito. At ano naman ang ginawa nun? Teka, ano ba talagang nangyayari?

"Every girl want to taste him."hindi ko na napigil ang sarili ko at napatayo ako sa kinauupuan ko papunta na sana ako sa mga babaeng nag'uusap nang makita ko si Dada na pabalik ba mula sa girl's comfort room.

"Oh, Poopoo. Is there a problem?" bungad nito sakin. Oo at ikaw yun. Kinuha ko na lang ang bag ko at ang bag nya.

"Zilch." at kinaladkad ko na lang sya papalabas. Ano ba kasing nangyari? Bakit ba ayaw mong sabihin sakin, Dada ha?

"Poopoo, a'are you okay?" natataranta nitong tanong habang naglalakad kami. Hindi ko sya sinagot.

"Poopoo, answer me. Please! Is there a problem?" napahinti ito sa paglalakad pero tuloy tuloy pa rin ako sa aking paglalakad. Habang patuloy akosa paglalakad ko may humigit sakin at napahinto ako dahil dito.

"Jynch, is there a problem?" sabi nito sakin ng nakahawak sa magkabilang braso ko at nakatitig sa mata ko. Her eyes. Para akong tinutunaw ng mga ito.

Napabuntong hininga ako. "Zilch. I'm just tired." at binigyan ko sya ng fake smile. Nagsimula na ulit akong maglakad agad naman itong sumunod sakin.

"Jynch, sure ka?" pag'aalala nya sakin.

"Oo nga po. Ba't ang kulit mo?" sabi ko sa kanya ng sarcastic. Medyo napahinto sya sa paglalakad. Tch. Ano ba kasing nangyayari sayo, Dada?

Tumakbo naman ito agad sakin at inakbayan ako sa ulo na naging dahilan para mapayuko ako. "Ipahinga mo lang yan, Poopoo ha?" at binigyan nya ako ng matamis nyang ngiti. My heart is like it's want to explode. Sinuklian ko naman sya ng matamis na ngiti at ginulo nya ang buhok ko at saka ako binitawan. Tumayo ako ng ayos at inayos ko ang buhok ko. Hindi ko namalayan nasa tapat na pala kami ng bahay ni Dada.

"Sige, Poopoo. Bukas na lang ulit!" masigla nyang sabi sakin.

"O'osige!" inintay ko muna syang makapasok ng bahay nya bago ako umalis sa tapat ng bahay nya. I hate it when she's saying goodbye to me at tuluyan na rin akong naglakad pauwi.

Pumasok agad ako ng bahay ko at dumaretso sa kwarto ko. Inihagis ko lang ang bag ko sa kung saan. Hay! Bakit ayaw mong sabihin sakin ang totoong nangyari sayo, Dada? Bakit? Best friend mo ako dapat sinasabi mo sakin mga problema mo. Pero yun na rin yung problema ko, hanggang best friends lang tayo. Wala na ba tayong magagawa dun? Hindi ba pwedeng maging more than best friends tayo? Sa totoo lang, ang dami kong kalaban. Sila Bakit, Kung alam mo lang at si Sana.

Bakit hindi pwedeng maging tayo? Bakit hindi mo ako pwedeng mahalin? Bakit ba hindi na lang ako? Bakit di pwedeng maging more than best friends tayo? Bakit? Kasi kung alam mo lang, bata pa lang tayo mahal na kita. Kung alam mo lang, kung gaano kita ka'mahal. Kung alam mo lang, kung gaano ka'sakit na hanggang kaibigan lang tayo. Kung alam mo lang, kung gaano ka'sakit ang makita ka na may magmamahal sayo ng iba. Kung alam mo lang, kung gaano sakit kapag iniiwan mo ako. Kung alam mo lang, kung alam mo lang. At sana malaman ko kung gaano kita ka'mahal simula nung bata pa lang tayo. Sana maging tayo balang araw. Sana mahalin mo rin ako. Sana malaman mong lahat ng to. Pero ang isang hindi ko na maibabalik ay ang dati kong ugali.

Sya ang dahilan kung bakit ako nagbago. Lahat gagawin ko para lang hindi sya masaktan. Ayaw kong may taong nalapit sa kanya at paglalaruan sya. Sabi ko na nga ba at may mangyayari sa TSA na yun dahil kay Gilmore na yun. Kailangang turuan ng leksyon yang si Gilmore. Sigurado akong sya ang dahilan ng sugat ni Dada sa braso nya.

I get my phone and I call Jeen.

~~~~~~~

SnowScarlette's Note: So, how was it? :) Jynch, who's Jeen? Well, tignan natin sa mga susunod na chapters. :) 감사합니다~ God bless po. ^·^

Your Name Is... What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon