Twelve: What's With Him?

17 1 0
                                    


"Teka, san naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Mall." matipid nyang sagot.

"Mall na naman." mahina kong reklamo. Ano bang gagawin namin dun?

Tumigil na ang sasakyan nya dahil nasa mall na kami. Pinark na nya yung sasakyan nya, pinagbuksan na nya rin ako ng pintuan. Teka, pupunta ba talaga kami dyan sa loob ng naka'ganito lang ako?

"Teka, Top. Papasok talaga tayo dyan ng ganito lang ang suot ko?" tanong ko sa kanya.

"Nakaka'in love nga eh. Tara na!" sabi nya at kinaladkad ulit nya ako papasok.

Pagkapasok namin, maraming tao ang nakatingin samin. Tch! Bakit ba kasi ito ang ipinasuot sakin ng lalaking to eh. -.- Pero ang mas pumukaw ng pansin ko ay ang mga estudyanteng nakakalusaw kung tumingin samin. May mga taga ibang school at ang iba ay sa TSA. Tinignan ko ang oras, 3:31 na pala kaya may mga estudyante na dito.

Narinig ko ang isang bulungan ng mga estudyante. "Di ba si Rydetop yun, yung nag'aaral sa Thei Sean Academy. May girlfriend na ulit sya?"

"Oo nga eh. Baka naman rebound lang." sabi nung kasama nya.

Napatingin si Top sa kanila. Eh, di ayun, naglandian na. "Hi, Top! *Malanding Kaway*" Tch!

Inakbayan naman ako ni Top habang nakatingin pa rin sya dun sa mga babae. Iniwas na nya ang tingin nya at nag'salita. "Let's go, babe." sabi nito.

Hindi na ako nakapag'salita at umalis na kami dun sa mga estudyanteng chismosa. Napunta naman kami sa mga schoolmates kong chismosa.

"Tch! She's really a slut! Sino ba talaga, si Rydetop or si GD?" ika nung babae.

"Two timer? Wow, yaman! Anong relo ba gamit nya? Makabili nga, apat." sabi nung kasama nya.

"Hahaha. Haba ng hair sarap sabunutan." ika nung isa pang kasama nila.

Lumapit si Top sa kanila. "Girls, ititikom nyo ba yang bibig nyo o ako pa ang magii'stapler nyan para sa inyo?" ika nito.

Pumunta naman ito agad sa akin at hinawakan ako sa kamay ko habang naglalakad kami. Iaalis ko sana yung kamay ko kaso mahigpit na ang hawak nito. Habang naglalakad kami biglang may humigit sakin, bumitaw naman ng hawak si Top sa kamay ko. Laking gulat ko kung sino yung humigit sakin. It's Poopoo. Pagkahigit nya sakin ay bigla nyang sinuntok si Top.

"Jynch!" paghinto ko sa ginawa nya. Halos lahat na sila nakatingin sa direksyon namin.

Bumawi naman ng suntok si Top. "Top, stop! Tumigil nga kayo." sigaw ko sa kanila.

Pero hindi nakinig sakin si Jynch, bumawi ulit ito ng suntok kay Top. Bumawi ulit si Top. "Tama na! Please!~" naiiyak kong sabi.

Nagsitigil naman sila sa ginawa nila dahil tuluyan na akong umiyak. What's with them? What's with him?

"Dada? Sorry." ika ni Jynch.

"Sorry, Angelica. I just want to..."

"Tama na, please. Please." mahina kong sabi.

Agad na lumapit sakin si Poopoo. "Shhh. Okay na po, Dada. Wag ka ng umiyak, okay?"

"Bitawan mo ako. Bakit ka nagkaganyan, Poopoo? You're not the Jynch Finch I met. He's not like... that." sabi ko sa kanya.

Pumunta naman si Top sa tabi ko. "Sorry, I didn't intend to hurt him." hindi ko alam kung bakit pero napalagay ako saglit kay Top dahil siguro kay Poopoo. Nag'iba sya, hindi na sya si Jynch na nakilala ko dati.

"Dude, ako na munang bahala sa kanya." narinig kong sinabi ni Top kay Poopoo at tuluyan ng umalis si Poopoo.

Naiiyak talaga ako, nawala lang ako saglit naging ganun na sya. Why? What's... what's with him?

Your Name Is... What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon