Angelica's POVAng weird ni Poopoo kanina. Bakit bigla na lang syang nagkaganun? May nangyari ba? Tch. About that ban line. Pwede bang lumipat na lang ako ng school? Waaaaaaah~ Mommy, ayoko na sa school na yun. Ang wi'weird ng mga tao. Lalo na yung ruffian na yun. -.-
Okay na kaya si Poopoo ngayon? Hays, di ko na muna sya kakausapin ngayong gabi. Hahayaan ko muna syang makapagpahinga. Hay. Makapagpahinga na nga rin. Sa wakas natapos na rin ang napaka stressful na araw na to.
Humiga na rin ako sa kama ko. Hay. Wala naman akong magagawa pa. Ako na ang naging center of attraction kanina malamang ako na rin hanggang matapos ang year na to. Tch. Hindi naman mangyayari lahat ng to kundi dahil dun sa ruffian na yun eh. Tch. Bwiset talaga sya! Kung hindi nya ako tatantanan, iiwasan ko na lang sya. Pero sana nga, sana nga maiwasan ko sya dahil nasa iisang school lang kami. -.- Hays, makatulog na nga lang.
~~~~~~~
Papalabas na ako ng bahay para pumasok. Lord, sana naman po hindi ko makita yung lalaking yun ngayon. Please po~ (-/\-) Paglabas ko ng bahay, nandun na agad si Poopoo.
"Good morning, Dada!" bungad nito sakin.
"Good morning, Poopoo! Oh, kamusta ka na? Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Ah, oo. Pagod lang talaga ako kahapon. Sorry dun ha." at nagpa'cute sya para mabilis ko raw syang mapatawad. Tch, corny.
"Ang panget mo, wag ka nang gumanyan." at tinakpan ko ng isang kamay ko ang mukha nya at pagkatapos ay nagsimula na akong maglakad. Sumunod naman sya sa paglalakad.
"Oy, Dada!" hinabol nya ako sa paglalakad ko. "Seryoso, sorry talaga kahapon." sabi nya habang naglalakad kami.
"Ah, okay lang Poopoo. I understand naman." sabi ko sa kanya at ngumiti ako sa kanya.
Inakbayan nya ako sa ulo. "Hayaan mo, Dada. Babawi ako sayo ngayon." sabi nya habang ginugulo ang buhok ko.
"Aish~" reklamo ko at umalis ako sa pagkaka'akbay nya sa ulo ko. "Lagi mo na lang ginugulo yung buhok ko." naka'pout kong sabi at inayos ko ang buhok ko.
"Tch. Hindi ka na nasanay." sabi nya.
"Sabi ko nga, di ba?" pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yan biglang may kotseng pula na tumigil sa gilis namin kaya napatingin kami kung sino ang nakasakay doon.
"Dude! Tara!" aya nung lalaking nagda'drive ng kotseng pula.
Napatingin sakin si Poopoo at bumalik ulit sa lalaking nakasakay sa kotse. "Dude! Mamaya na lang!" sigaw nito dun sa lalaki. Bumalik ulit sya ng tingin sakin.
"Poopoo, okay lang. Baka may gagawin kayong importante. May next time pa naman." sabi ko sa kanya ng nakangiti.
"Pero, Dada..."
"Mag best friend nga tayo. Ang kulit kulit mo eh. Sige na, Poopoo." pagputol ko sa sasabihin nya.
"Pero..." tinignan ko sya ng masamang tingin kaya hindi na nya natiuloy ang sasabihin nya. "Dada, ihahatid ka namin."
"Hindi, wag na Poopoo. Ayos lang ako. Saulo ko na naman papunta sa school eh." sabi ko sa kanya habang itinutulak ko sya papunta sa sasakyang nakahinto sa harap namin.
Wala na syang nagawa pa kundi sumakay na lang. "Hays, talo na naman ako sayo, Dada eh." sabi nya.
"Kailan ka ba nanalo?" sabi ko sa kanya at tumawa ng kaunti. Tumingin ako sa lalaking nagda'drive at sa mga nakasakay doon. "Kayo nang bahala dyan kay Poopoo ha?"

BINABASA MO ANG
Your Name Is... What?
Random"I don't even know why I loved you back. You taught me how to fight and I will fight for us until the end. You showed me how much I love you when I almost forgot you. I'll always love you even after death."- Angelica Moore. By SnowScarlette