Ten: Water Party

16 4 0
                                    


Simula nung umalis si Top hanggang ngayon wala pa rin kaming teacher. Tch. Nakakatamad na tuloy. Habang busy yung mga kaklase ko sa kani'kanilang mundo, kasama na rin ako sa pagbabasa ko ng libro. Biglang may tatlong lalaki na huminto sa tapat ng pintuan ng room namin.

"Oooh! Nandito sila?!" ika nung babae kong kaklase. Sino ba sila?

"Don't tell me, papasok na rin sila." sabi nung isa pang babae.

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa libro ko. Wala naman kwenta yung mga pag'uusapan nila dyan sa mga lalaking nakahinto sa tapat ng room namin eh. Habang busy ako sa pagbabasa ng libro ko bigla ko na lang narinig ang...

"Angelica!" sigaw nung isang lalaking kulay mais ang buhok na nasa tapat ng room namin.

Teka, pangalan ko nga ba ang narinig ko? B'baka hindi naman ako yun, b'baka may iba pang Angelica dito sa room hindi ko lang alam. Ah! Oo nga, baka may iba pang Angelica dito. Maya maya lang ay biglang may humigit ng librong binabasa ko.

"Angelica. Angelica Moore, right?" sabi nito nung pagkatapos na pagkatapos nyang kunin ang libro ko.

"Oo, bakit? At saka, pwede ba wag kang nangunguha ng may gamit ng may gamit?" sabi ko sa kanya.

"If you want to get your book back then follow us." ika nito.

Umupo ako sa upuan ko. Ba't ko naman sila susundan? Pinapakain ba nila ako? Hindi naman eh. Tch! Ang yayabang. -.-

"So, hindi mo na kailangan tong book mo?" sabi ulit ng kulay mais ang buhok.

"Sayo na lang yan." sagot ko sa kanya nang walang gana. Hindi na ito nag'salita.

Akala ko tatantanan na nila ako pero ayan na naman si akala nagbibida'bidahan at ipinahamak na naman ako. Kinaladkad ako nung lalaking kulay mais ang buhok. Oo, kinaladkad talaga. Papunta kami ngayon sa field pero itinigil ako nung lalaking kulay mais ang buhok sa isang gilid.

"Watch it, stiff!" babala nito at umalis agad.

Pero hindi nag'process ng maigi yung sinabi nya sa utak ko kaya nagulat na lang ako ng may bumuhos na mabaho sakin. Halos di ako makahinga sa amoy nito. Kaning baboy ata yung ibinuhos nila sakin. Wala na akong nagawa kundi lumabas kung saan ako iniwan ni Kuya Mais.

Paglabas ko, walang mga estudyante ang nasa paligid. Siguro alam na nila ang mangyayari at ayaw nilang maamoy ang mabahong amoy na nakadikit na sa uniform ko ngayon. Papunta na ako sa field ngayon, wala na kasing ibang daan papunta sa girl's comfort room dito. Dadaan ka muna ng field bago ka makapunta sa mga comfort rooms.

Pagdating ko, wala ring tao. Nung nasa gitna na ako ng field, biglang may narinig ako na tubig. Tubig na papunta sa akin? Pero san nanggaling yun? Maya maya lang ay sunod sunod na ang ang tubig na natatanggap ng katawan ko at nakita ko na nasa gilid lang pala sila at may kanya kanyang tubig na hawak, ang iba ay may hose, may maliit at malalaking hose at ang iba ay may mga lobo na may lamang tubig na syang ipangbabato sakin. Wala na akong nagawa kundi tumigil na lang sa gitna. Hinayaan ko sila sa mga pinag'gagagawa nila hanggang sa magsawa sila. Salamat na rin sa ginawa nila at nawala ang kaning baboy na kaninang nakadikit sa uniform ko.

Maya maya ay tumigil na sila sa ginagawa nila. Wala na sa isip ko na pumunta ng comfort room dahil nakapag'banlaw na rin naman ako sa ginawa nila. Papunta ako sa locker ko ngayon para kumuha ng extra kong damit dun. Nagdadala ako in case lang na madumihan yung uniform ko pero mas malala pala yung nangyari. Hindi lang pala nadumihan, basang'basa pa. Tch! Wala ba silang magawang matino? At yung mga teachers dito, ba't di na sila nagturo after nung umalis si Top? Kahit kailan talaga ang weird ng school na to.

Habang papunta ako sa locker ko, biglang may humigit sakin. Sisigaw sana ako pero natakpan na nya yung bibig ko. Nagpumiglas ako kaso masyado syang malakas. Natigilan naman ako nung nakita ko kung sino yun. Nung tumigil naman ako agad naman nyang tinanggal yung kamay nya sa bibig ko.

"Tara." mahina nitong sabi sakin at kinaladkad ako.

"H'huh? B'bakit?" tanong ko sa kanya. Ramdam ko ang bawat tulo ng tubig na nasa uniform ko.

Hindi na sya nagsalita pa. Papalabas na kami ng gate pero pinigilan kami ng guard na nakabantay dito.

"Saan kayo pupunta? Hindi pa uwian ah." sabi nung guard.

"Ah, kasi po buntis po tong girlfriend ko." sabi nya sabay alalay sakin na para ngang buntis ako.

"Top! A..."

"Tignan mo, Manong. Nagagalit na, maselan kasi sya. Eh, nabasa po sya baka po mapaano ang baby namin." palusot nitong lalaking to.

"H'huh?" sabi nung guard.

Your Name Is... What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon