Chapter 29: Wait what?!

61 1 0
                                        

MIB 29: Wait, what?!

"HAHAHA! Nakakatuwa naman yan." Humagalapak ako sa tawa.

Nagtinginan naman sila saaken, "oh anong problema? Ba't ganyan kayo makatingin? Haha! Nakakatawa talaga. Manuod na nga lang kayo!" Laftrip yung palabas oh.

"Bree, magtapat ka nga samen, may problema kaba?" Seryosong tanong ni Ange saken.

"Haha! Syempre wala! Ano ka ba naman Ange! Manuod na nga lang tayo." Pinuno ko ng popcorn yung bunganga ko.

"Yung totoo Bree?"

"Oo nga!"

"Rica, Drea, Ange, ang kukulit ninyo noh? Manuod nalang tayo at natatawa ako sa palabas. Haha!"

Pinuno ko ulit ng popcorn yung bunganga ko. Haha! Nakalimutan ko na nga yung title ng movie dahil sa kakatawa e.

Buti na lamang at tinuon na nila yung pansin sa pinapanuod namin at hindi sakin. Ayoko na kasing maalala yung...y-yung.. basta.

Sa palabas, kengkoy yung dad niya. Nakakatuwa silang mag ama. Medyo hindi ko naiintindihan yung flow ng story eh. Ibang scene kasi yung pumapasok sa utak ko.

The same scene na nakita ko yesterday. Pinagsisisihan ko nga kung ba't hindi ako lumapit at tinanong kung sino siya? May karapatan naman siguro akong malaman kasi...kasi girlfriend niya ako diba?

Nang matapos ang palabas, we've decided to sleep na. Pero bago yun, tinext ko muna si Ace ng 'goodnight' hindi ko rin naman iniexpect na magrereply pa siya.

Atleast kahit busy siya, hindi ko parin siya kinakalimutan.

"Girl, sabihin mo na kasi problema mo. You're spacing out kanina pa."

Napakamot ako ng ulo, "kulit Ange, wala talaga akong problema okay?"

"Sabihin mo na kasi saamin Bree. Please? Hindi yung sinasarili mo yan."

"Oo nga, magkakaibigan tayo dito at kelangan nating magtulung-tulungan. One for all, all for one diba?"

"Thank you guys. Pero wala talaga akong problema. So let's sleep na, okay?"

Napabuntong hininga silang tatlo. Humiga ako sa kama ko. Katabi ko si Rica then si Andrea at Ange, nasa kabilang bed.

Ayoko munang sabihin sakanila hangga't hindi pa ako sure kung sino at ano ang relasyon niya sa babaeng yun.

Ayoko kasing mag assume ng mali tapos magugulo ang lahat. Hindi naman kasi ako yung babae na basta nalang susugod sa gyera na hindi ko naman alam kung ano ang ugat nang pinag awayan.

Besides, hindi naman siguro magagawa ni Ace na magkaroon ng ibang karelasyon kasi kami pa diba?

Kami pa. Yun ang pinanghahawakan ko sa ngayon.

**

Nagising ako sa vibrate ng phone ko. Bumangon ako sa kama. Aba, ang tatlo hindi man lang ako ginising, wala na kasi sila dito sa kwarto e.

Pumunta ako ng banyo at ginawa ang morning rituals ko.

Pagkatapos, inopen ko ang cellphone ko and expecting na magtetext si Ace doon. As usual, wala nanaman. Pero okay lang, pupuntahan ko nalang siya mamaya sa bahay nila. Saturday naman ngayon e, sigurado andun siya.

"Good morning! Ba't naman hindi ninyo ako ginising?" Masigla kong bati sakanilang tatlo.

Sinimangutan nalang nila ako, "oh ano bang problema ninyo? Umagang umaga oh!"

"Eto kasing si Rica eh!" Singhal ni Drea.

"Oh ba't ako?! Baka ikaw!" Sigaw niya pabalik kay Drea.

"Tumigil nga kayo. Magsisisihan paba tayo?!" -ange

Tinaasan ko sila ng kilay, "what happened?"

Pinakita saken ni Ange yung sunog na pancakes, hotdogs, eggs, and rice sa kusina.

Nag agawan nanaman sila sa pagluluto!!

**

Pang apat na pindot ko na ng doorbell at kanina pa ako dito sa labas.

Pinalayas ko sa pamamahay ko yung tatlo kanina. Paano ba naman, malaman laman ko na muntik na nila masunog ang kusina nang dahil sa gusto nilang magpractice?!

Pang limang pindot. Kapag wala pa talagang sumagot, bubuksan ko na to. Tutal, may spare key ako ng bahay nila. Binigay saken ni Ace ito nung nagpunta kami sa secret place namin. Hihi. Feeling ko tuloy bahay ko na rin ito at ako ang asawa niya.

Di na ako nakatiis at binuksan ko na nga ang gate. Pagpasok ko sa bahay nila, nakita ko si Ace, pababa ng hagdan.

Habang nakatalikod, niyakap ko siya sa mula roon.

Napatigil siya sa paglalakad at mahinang tumawa.

"I know you missed me," napangiti naman ako dun. Pero napawi rin agad ito sa sunod niyang sinabi..

"But we have to eat breakfast first, Rio."

---

Whattt?! O.O

My Instant BoyfriendStories to obsess over. Discover now