Chapter 13: Not Now!

362 9 4
                                        

MIB-13: NOT NOW!

[BREE'S POV]

Kainis naman! Ngayon pa dumating yung period ko.

Nakakabadtrip talaga. I was planning not to go to school today kasi our relatives invited us to go on a beach somewhere in Palawan. Birthday kasi ng isa sa mga cousins ko.

Tapos .... T____T eto, saktong dumating si period. Di na nga lang ako sumama. Nakakainis talaga.

Kaya ngayon, heto ako, naglalakad papuntang school. Bwisit!

“Hi miss!” tawag nung guy na diko kilala.

Ako ata tinatawag pero diko na pinansin. Isa pang panira ng araw e. Umagang umaga!

“Miss wait.” hinawakan nya yung braso ko.

Inalis ko naman yung pagkakahawak nya kasi nakakairita!

“What?!” bwisit na tanong ko.

“Ahmm. Pwede ba kitang ilibre mamaya? Kahit ano—sagot ko!” nahihiyang tanong nya.

“Kahit ano?” tanong ko.

Tumango naman sya.

Nginitian ko sya at sinagot, “Gusto mo bang gumastos sa ospital ng super laki at ma coma ka pa?! Ha?! Ano?! Sagot!”

Nagulat sya sa pagsigaw ko. Napaatras pa nga eh. Psh! Anong tingin nya sakin?! Walang pera! Hayup sya! Argh!!! At sino ba sya?! Kapal ng mukha! Leche!

“Umalis ka sa harap ko!!”

Sigaw ko at agad din naman syang umalis. Buti naman hindi na sya nangulit.

Narinig ko namang may humagikhik sa gilid. Pagtingin ko, sya pala.

Tinignan ko ito ng masama.

Lumapit sya sakin, “Oh ba‘t ganyan ka makatingin?”

“Kanina kapa ba andyan?”

“Oo. Bakit?”

Mas lalong tumalim yung tingin ko sakanya at hinampas sya ng libro!

“ARAY! WHOA! Anong—ARAY gina—AW wa ko—AW?” hinablot nya yung librong pinanghahampas ko sakanya.

“Kainis! Kanina ka pa pala andun tapos, hindi mo man lang ako tinulungan?! Kaasar ka!!” paninigaw ko sakanya.

“Eh nakaya mo naman diba?! Tsaka ba’t ansungit mo? Ha?”

“Wal—”

“Oh hi Ace!”

Napatingin kami sa nagsalita. Tss.

-_____- Yung bruhang si Iris.

“Hello.” sabi naman sakanya ni Ace.

Tumingin ito saakin, “Ang ganda pala ng pinalit mo sakin, Ace no?”

Napakunot noo naman ako, “Ang ganda mula ulo, MUKHANG PAA.”

Then she smiled at me. Tss. Plastic! Masasabunutan ko to!

“You know what, Iris? Sa lahat ng plastic, ikaw ang pinakamakapal!!” inirapan ko sya nakakaasar eh!!

“You know what, Bree? Simula ng makita kita...Naniniwala na ako sa mga multo!”

“SO?” Tinaasan ko ng kilay. “Mukha ka namang ice cream. Pisngi at noo mo kasi mukhang rocky road!!”

Nawala yung ngiti nya. Hahaha. Buti nga sayo!! Tss!

“Tumigil kayong dalawa.” ace.

Wow. buhay pa pala to.

Nauna na kong naglakad papuntang classroom. Nakakainis. Late pa ko nang dahil sa Iris na yan!!! Makakalbo ko yan mamaya!!

My Instant BoyfriendStories to obsess over. Discover now