MIB 28: Who is she?
Two weeks after ng monthsary namin,
hindi na kami nagkausap. Hinatid nya nalang ako sa amin nun. Yun nalang yung last na nagkita kami.
Kamusta na kaya siya? Ba't di man lang niya magawang magparamdam saken? Sa loob ng dalawang linggo na yun, hindi ako pumapalya sa pagtetext at pag tawag sakanya.
One time, babae pa yung sumagot at sinabing busy si Ace. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya? Hmm.
"Bree, kumain ka muna oh."
"Salamat Rica," inabot ko nalang yung pagkain, gutom na rin kase ako e.
"Anytime fren. Anyways, nagparamdam na ba si Ace sayo?"
Bigla akong nakaramdam uli ng lungkot dahil sa tanong niya. Wahh Ace naman! Asan ka na ba?
"Hindi pa eh. Baka busy lang siya." Sabay subo ng pagkain.
"Nako! Kahit anong pinagkakaabalahan ng isang tao, kung mahal ka niya, maglalaan siya ng oras para sayo,"
"Tigilan mo nga ako Rica. Baka may surprise lang siya saken noh! Wag ka ngang ano diyan." Pag-babalewala ko sa sinabi niya.
"Ewan ko sa'yo, Bree ha. Nagsasabi lang ako ng totoo. Pag yang Ace na yan nagloko, humanda siya saken."
"Hindi siya magloloko. Mahal niya ako, okay?" Pagtatanggol ko sakanya. Nako ano ba, hindi magagawa saken ni Ace yun. Mahal kaya niya ako.
"Hays! Ang kulit mo eno? Bahala ka na nga dyan! May lakad pa kami ni Kelly e. Byeee~" umalis siya na pa sway sway pa ng buhok.
Napairap nalang ako, kelan kaya tayo magkikita Ace?
Tinapos ko na yung pagkain ko. Ako nalang kasi nag iisa dito sa school, yung barkada naman e may kanya kanyang lakad. Ayoko naman maging chaperone nila noh.
Kinuha ko yung phone kong nagvibrate sa bulsa ko. And surprisingly, nagtext si Ace.
124 South Ville, Blk 9
Eh? Ano namang meron dyan sa Address na yan? Kelangan ba puntahan ko? Ahm, triny kong tawagan pero out of coverage. Ugh.
**
Nagpahatid ako kay Manong at ngayon ay nasa tapat na ako ng malaking bahay. Anong meron?
Hmm, kumatok ako pero walang sumasagot. Ni wala nga ring doorbell eh. Nakabukas yung gate at hindi naman siguro masama kung papasok ako ng kusa diba? Tutal tinext din naman ako ni Ace. Tsaka miss na miss ko na kasi siya, I can't wait to see him.
Nakarinig ako ng tawanan sa loob, mukhang maraming tao. Ano kayang meron?
Baka naman may party at hala. Nakakahiya, naka uniporme pa ako. Tsaka hindi naman ako invited.
"Ah miss, andito na po pala kayo."
Napatalon ako sa gulat, "anak ng tupa!"
"Ma'am pasensya na po." Yumuko siya. Mukhang katulong siya ng bahay na 'to.
"Okay lang. Si Ace ba, andyan?"
Mukhang nagulat yung katulong sa tinanong ko, "anong problema?"
"Ma'am, kkasi kanina p-pa po niya kayo hi-hinihintay." Yumuko lang si Manang. Anong problema neto?
"Oh sige, paki dala naman ako sakanya oh?" Pakiusap ko.
"Dito ho, Ma'am." Naunang naglakad si Manang saakin. Sa tingin ko, andito kami sa garden ng malaking bahay.
Kanino kaya ito?
"Ma'am, maiwan ko na ho kayo."
What?! "Teka! Manang!"
Ni wala nga akong kaalam alam sa lugar na to tas iiwanan niya ko? Ugggh!
Habang naglalakad lakad ako, isang pamilyar na lalaki na nakatalikod ang natanaw ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Grabe, tibok palang ng puso ko alam ko na, at ramdam ko ng siya yun.
Ace, miss na miss na kita. Sobra.
Huminto ako sa pagtakbo papunta sakanya nang may lumapit sakanya.
"Hon!"
Hon? At kelan pa naging hon ang pangalan ni Ace? Diko mamukhaan yung babae pero she's familiar.
Napanganga na lamang ako nang magyakapan sila.
"A-ace" mahina kong sabi. Nakakahiya naman baka maistorbo ko sila.
Bumilang ako ng limang segundo bago tumalikod at dumiretso na sa kotse.
--
LTNUpdate. Sorry :*
VOCÊ ESTÁ LENDO
My Instant Boyfriend
Ficção AdolescenteHindi lang pala noodles, coffee, etc. ang instant. Pati BOYFRIEND din! >.< -Chiana Nicole Bree Adriano
