A/N:
Dedicated to LeinRealD. Labyu, Tins! :*
--
MIB-5: Rule #1
[BREE'S POV]
One week na pala nakalipas. At syempre sa one week na yun, di naman ako tinantanan nung mga bestfriends ko. Remember them?
Si RICA, ANDREA & ANGELINE?
*Flashback*
Saturday ngayon at andito kami sa mini-bar nila Rica. For teens kasi itong bar nila so pwede kami dito. Tapos light drinks, juice, etc. lang yung sineserve nila. Yung tipong hindi ka malalasing. Haha.
"Okay. So, Ms. Chiana Nicole Bree Adriano, ngayon mo iexplain kung bakit lagi kayong magkasama ni Mr. Ace Patrick Sebastian." si Angeline po na nakasalamin alam nyo yung pang terror na teacher with matching stick pa. Tapos dinuduro-duro nya sakin. Ts.
"Oo nga! Tapos ano yung sinabi nyang girlfriend ka nya? Ha? Ha?" si Andrea naman yan na pinanlalakihan ako ng mata with matching duro duro pa ng finger nya.
"Oo nga! Tapos holding hands pa kayo nung pumasok kayo sa room! Paano mo mai-explain yun ha?! ha?!" Si Rica naman yan na dinuduro duro ako gamit ng tinidor. Kumakain po kasi siya ng cake.
"SERIOUSLY?! Anong trip nyo?! At ano yan ha, Angeline? Terror teacher na naman ang peg mo? O ikaw andrea, ginaganyan-ganyan mo na ko? Ha?! Oh ikaw naman Rica, tinatapat mo pa sa mukha ko yang tinidor mong may icing! Leche."
Binaba naman nilang tatlo yung pinanduduro nila saakin at nag-peace sign. Ts! Tong mga to talaga.
Tumingin naman sila saakin na parang sinasabing, start-kana-magkwento-look.
"Okay okay. Ganito kasi yun....."
At kinuwento ko na nga sakanila lahat lahat. Hays.
"So, naging instant boyfriend mo si Ace Patrick Sebastian?" amaze na tanong ni Angeline.
Tumango lang ako bilang sagot.
"Grabe ka girl! Ang swerte mo! Waahh!" si Rica yan. With matching kilig kilig pose pa e. Psh!
"Anong swerte dun? Bukod sa ang sungit ng lalaking yun, ang tipid pa magsalita! Psh!"
"Buti nga kinakausap ka pa nya e. Bukod sa teachers. Ikaw lang ang kinakausap at hinahawakan nun in public." -si angeline
"At! Hindi rin nya pinapansin yung mga fans nya." -andrea
"Yeah and kaya galit yung mga maarteng babae sayo sa school, kase iniisip nilang nilalandi mo si Ace!" -Rica
"Tsk! Bwiset kasing Ace yan eh! Ginugulo buhay ko."
"Hmmm. What a bright idea!" napatingin naman kami kay Andrea na pumapalakpak pa.
"Uhm. What do you mean?" tanong ko.
"Eh diba sabi mo, kapag wala ka pang boyfriend na ipapakilala sa parents mo eh irereto ka ng Daddy mo sa weirdong anak ni Mr. Torres?" -andrea
"So anong kinalaman ni Ace don?"
naguguluhang tanong ko.
*poink!*
"Aray naman Drea! Ba't mo ko binatukan?!"
"Hoy Rica. Explain mo nga sa slow na babaeng yan yung pinopoint out ko dito." tapos inirapan ako ni Andrea at binelatan ko naman sya. Haha! Ang ikli talaga ng pasensya nito kahit kelan.
"Ganito nga kasi yun Ms. Adriano, kapag ipinakilala mo si Mr. Ace Patrick Sebastian sa mga parents mo bilang boyfriend mo, hindi ka na irereto ng Dad mo sa weirdong anak ni Mr. Torres. Gets mo ha?" pagpapaliwanag ni Rica na nagets ko naman.
"So, maggagamitan kami, ganun?" tanong ko.
"Yuck! Ang laswa ng term mo, maggagamitan? HAHA! Pero parang ganun na nga." -Angeline
"Yeah. Gagamitin ka nya para tigilan sya ni Iris. At gagamitin mo sya para di ka ireto sa weirdong anak ni Mr. Torres." -Andrea
"Haha. Sabagay. Tama naman kayo. Salamat girls."
"Hoy anong salamat? Treat mo kami ulit noh!" Si Angeline.
"Oo nga! Tarang magjollibee!" - Rica
"Wahhhh Frieees! Gusto ko yung large ha Bree?" -Andrea.
ARRRGGGHH! Wala na akong nagawa kundi sumunod. Bestfriends ko ba talaga tong mga to?!
*End of flashback*
Kasalukuyan naman akong andito sa Canteen. Dito kasi ako dinala ng mga paa ko e. Tinext ko na rin naman ying mga bestfriends ko na hintayin ko sila dito.
"Ohhh look who's here. Yung stupid na lumalandi kay Ace." napatingin naman ako sa nagsalita,
Medyo familiar tong babaeng to a. Ah siya nga! "Iris?"
"The one and only. Buti naman at natatandaan mo pa ako."
"Ano bang kailangan mo?" mahinanong tanong ko.
"Gusto ko hiwalayan mo si Ace."
What?! Ano daw?
"Why would I?" tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Ts! Stop flirting with Ace! Just break up with him already!" sigaw nya saakin.
Ba't ba ang hilig sumigaw nitong babaeng to ha?! Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga studyante dito sa canteen.
"Oh edi sayo na! Grabe parang yun lang! Saksak mo sa pancreas mo!" sigaw ko rin sakanya. Wala na akong pake kung pinagtitinginan na kami. Puno na rin kasi ako sakanya.
"At sinisigawan mo rin ako, ganun?!" singhal nya saakin.
"Obviously."
Lumingon naman sya sa likuran nya at, "GIRLS!" tawag nya.
"Yes Iris?" sagot nung isa.
"Alam nyo na gagawin nyo sakanya. "
Binuhusan naman ako ng juice at spaghetti nung dalawang alipores ni Iris.
"Haha. That's what you get. So don't mess up with Iris Tala!"
"Haha!"
"Kapag hindi kapa nakipagbreak kay Ace, hindi lang yan ang aabutin mo. I'll make sure that your life will be miserable. Get it?!" inirapan nya ko at nagflip siya ng hair. And lumabas na ng canteen.
Tsk. Ang lagkit ko na. Ppuno pa ng spaghetti sa ulo. Ts. Pwede namang maligo. Cheer up, Bree.
"Chiana?"
Pamilyar na boses. Napatingin naman ako at, tama nga ko. Si Ace.
Hinila na naman nya ako at dinala sa rooftop.
"Ano na naman ba?!" galit na tanong ko. Psh! Kasalanan nya to eh! Kung hindi dahil sakanya, hindi ako aawayin ni Iris.
"Who did this to you? Huh?" tanong nya habang hawak ako sa dalawang balikat.
"Yung bruhang si Iris! Ts! Kasalanan mo to eh! Kung hindi dahi---" napatigil naman ako nang pinunasan nya ng panyo yung mukha kong basa ng juice.
Tinignan ko yung mukha nya habang ginagawa nya yun, mukhang nag aalala. Ang soft ng expression ng mukha ngayon. Wala yung laging nakakunot-noo at pokerface.
Then nagulat nalang ako nung bigla nya akong niyakap.
"Ahh ace? Bakit?" tanong ko.
Tas biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
"Wag mo ako ulit pag-alalahanin. Please lang." sabi nya habang nakayakap parin.
"Aacck-- Di na ako makahinga Ace."
"Ah sorry." sabay bitaw sa pagkakayakap. Ba't parang may part sakin na nag enjoy rin sa pagkakayakap nya?
It feels like I'm in a safe place.
Kung anu-ano gumugulo sa utak ko. Shut up, Bree. Rule #1, remember?
![](https://img.wattpad.com/cover/16923935-288-k164079.jpg)
KAMU SEDANG MEMBACA
My Instant Boyfriend
Fiksi RemajaHindi lang pala noodles, coffee, etc. ang instant. Pati BOYFRIEND din! >.< -Chiana Nicole Bree Adriano