MIB32.5: spin the bottle part2
"Dare."
So kelangan tumingin pa sakin? Mygahd. Feeling ko tuloy may ipinaparating siya sakin. Ang assuming ko kaasar!
"So sino magbubunot ng dare kay Ace?" Tanong ni Ange.
"Of course, yung nagpaikot ng bote!"
"Kelangan ba sumigaw, Rica?" Inirapan nito ng pabiro.
So here's the thing, may dalawang garapon sa gitna. The dare and the truth. Ang nagpaikot ng bote ang magbubunot sa nagturo and of course depende sa naturo kung truth or dare ang pinili niya.
Ang damuho, umupo pala sa tabi ko. At sino namang nagbigay ng karapatang umupo siya sa tabi ko?! Fudge!
"Eto na ang dare," bumunot siya ng papel sa garapon
Lahat kami nag aabang sa sasabihin ni Kel. "You will hold the hand of the person to your right for 10 minutes."
Shit. Ako ba nasa right nya?! Fck!
Hinablot niya bigla ang kamay ko at inintertwine sa kamay niya. Teka, sabi hold lang ha?! Eh bat kelangan naka intertwine?!
Hindi ako nagreact sa paghawak niya ng kamay ko. Pero deep inside, gusto sumabog ng puso ko, gusto ko maextend pa ng ilang minuto, namimiss ko siya eh. Ang bilis ng sampung minuto! Hays!
Sunod na naturo ay si Angelica at truth ang napili niya. Si Andrea pala ang magtatanong sakaniya.
"Sino ang crush mo?" Basa ni Drea sa papel.
"Uhm ugh. Ano kasi. Wala kasing. Wwala akong crush." Sagot niya,
"Hindi naman pwede yon!" Sabat ko, "eto nalang, sino ang pinakagusto mo sa mga lalaki rito? No malice, okay?" Nagsitanguan naman silang mga guys.
Sila Andrea at Rica panay ang hampas kay Ange. Naku, kawawa naman yung magkabilang braso niya.
"Si ano." yumuko siya, "si.. Niccolo."
Ay? Parang nadisappoint ako sa sagot niya. Akala ko kasi si Steve na pipiliin niya eh.
Si Nic naman, parang inaasahan niya ng pipiliin siya ni Ange. Mukhang hindi na nga nagulat eh.
Sunod namang naturo si Joshua. Syempre dare yung pinili niya and inutusan siyang ikiss sa cheek yung babaeng gusto niya. Walang pagdadalawang isip na hinalikan niya si Andrea sa pisngi. Syempre nagblush ang loka.
Hanggang sa matawag si Steve na walang kamalay malay. Mukhang hindi siya nagppay attention sa laro eh. Inuubos lang niya yung pagkain.
"Truth or dare?"
"Dare!" Matapang na sabi niya. Medyo napatawa ako don ah, para kasing bata ang pagkakasabi eh.
"Sumayaw ng sexy dance sa gitna."
Mas lalo akong napahalakhak sa dare. Sexy dance pa ang nais eh. Eto namang loko lokong si Joshua, nagpatugtog pa ng careless whisper. Todo cheer naman ang barkada sakanya.
Pumunta naman siya sa gitna ng walang reklamo. He waved his body. Sht. Si Steve ba talaga yan?! I didn't know he can wave his body like that!
Nanlalaki ang mga mata namin. Ang galing niya sumayaw. Medyo itinaas pa nya yung suot niyang tshirt yung parang nagpapakita ng abs. Naalimpungatan lang kami nang itigil ni Joshua ang tugtog at sabay sabing, "tama na!"
Bago ipaikot ni Steve ang bote, hinawakan pa siya ni Niccolo para pigilan. "Teka, bakit?"
Nginuso niya kami, huh?
"Lagpas 10 minutes na kayo dyan ah. Enjoy much?" May halong pang aasar na ngiti ito
Agad agad akong bumitaw. Oo nga pala. Shoot. Hindi ko napansin agad.
"Ayieeee!" Tukso naman nilang lahat.
Nagring naman ang cellphone ni Rica. "Hello?" Sagot nya sa tumawag.
"Andito kina Kelly. Yes mom. Buong barkada. Uhm okay sige po. 5minutes. Uh bye."
"Ano yun, pinapauwi kana ba?"
"Oo guys, sorry ah. Si mama kasi! KJ eh." Naiinis na sagot niya habang nag aayos ng gamit sa bag.
Nagsitayuan na rin kami at sasabay na sakanya. Syempre bago kami umalis, nilinis muna namin yung kalat. Nakakahiya naman kay Kel. Kinuha ko rin yung ice cream ko sa freezer nila.
"Bree, hatid na kita."
Umoo naman ako kay Steve. Medyo madilim dilim na pala pero safe naman sa daan. 6:30pm palang. May masasakyang taxi pa rin naman siguro kami.
Kanya kanyang hatid kasi. Si Kel kay Rica, si Joshua kay Andrea, si Nicc kay Ange, si steve at ako, and si Ace na walang kasama.
Agad kaming sumakay sa taxi na huminto. At limang minuto lang, nasa bahay na kami.
Hindi naman kasi masyadong nagkakalayo yung mga bahay namin. Yun nga yung maganda e, para madali lang naming mapuntahan ang isa't isa.
"Steve, pasok ka muna?"
"No, thanks. Kelangan ko na rin kasing umuwi eh."
"Sige. Thank you ah. Ingat ka."
Akmang papasok na ako nang hilahin niya ako sa braso, at hinalikan sa noo.
"Uhm steve?"
Nginitian niya ako at pumasok na sa taxi and he waved goodbye.
He left me dumbfounded. Omg lang. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok nito. Why did he do that? Fudge.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
My Instant Boyfriend
Genç KurguHindi lang pala noodles, coffee, etc. ang instant. Pati BOYFRIEND din! >.< -Chiana Nicole Bree Adriano
