Chapter 24: For real

132 7 5
                                        

MIB-24: For real

[Bree’s POV]

Inirapan ko ‘tong katabi ko. Eh paano ba naman, kinidnap niya ako!!!

Nakakainis! Eh sabi na ngang ayokong sumama sakanya. Bigla ba naman akong binuhat na parang sako sa likuran niya and take note, nakaschool uniform ako! Meaning, maikli yung palda ko! Arrrrgghh!

Sarap mo sabunutan!!

"Let’s talk, Chiana."

"Duh? Ano pa bang magagawa ko eh dinala mo na ako rito."

Hininto niya ang kotse sa isang mini forest?

Bumaba siya at bumaba na rin ako. Di naman ako pagbubuksan ng kotse nyan e.

Nauna siyang naglakad saakin papunta sa loob ng gubat. Oh em! Baka maligaw kami rito. -____- sinundan ko lang siya kasi ayoko maiwan dun ano!

Muntik pa akong natalisod. Leshe kasing gubat ‘to e. Ay si Ace pala. Siya nagdala sakin dito tapos iiwanan niya rin ako!!! Kainis! Lagi nalang. Ay whogoat pa, Bree!

Huminto kami sa isang...cliff. Ang ganda.

Sa ibaba ng cliff, may falls. Wow! Parang ang sarap tuloy maligo. Tapos ang lakas pa ng hangin. Then may mga halamanan sa gilid. Parang garden!

"So, how’s this place?"

Napalingon ako nang bigla siyang magsalita.

"Stress-free. Very beautiful." Pumikit ako at finifeel yung hangin.

"How about this?"

Kinilabutan ako nang maramdaman ko yung hininga niya sa balikat ko. He hugged me from behind. Oh shit. Act like normal Bree! Wag kang papa-apekto.

Ang bilis. Parang may isang libong kabayo ang tumatakbo sa puso ko.

Hindi ako makapagsalita.

"I missed you. I missed hugging you. I missed your face. I missed every inch of you." Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya saakin.

"A-ano bang p-pinagsasabi mo?!"

"I have something to tell you.."

Ayan na naman. Kinakabahan na naman ako. Geez. Mas dumoble ata yung kaba ko kumpara sa kanina.

Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko lang siya magsalita. Ano ba yan. Hindi ba siya nangangawit sa pag-akap saakin? Ako kasi, hindi e. Ang landi ko.

"Ang tagal naman!" Reklamo ko kunware para di awkward. Kanina pa kasi ako ano e. Hays.

"Chiana.."

"Ugh yea?"

"I love you."

"Ah yun naman pala. You love me—ANO?!"

Nanlaki yung mata ko at napabitaw ako sa pagkakayakap niya.

"You heard it right." He chuckled.

"A-nong kalokohan ba ‘to Ace ha? Kung nagbibiro ka lang, ayan. Ha-ha-ha. Tatlong tawa para sa’yo."

"I’m serious." Tinignan niya ko sa mata. "I’m dead serious, Chiana."

Umiwas ako ng tingin. Seryoso ba siya?! Lumayo ako at umupo sa damuhan malayo sa kinaroroonan niya. Kainis. Kung laro laro lang ‘to, wag naman sana. Hindi magandang biro e.

Naramdaman ko namang lumapit siya saakin at umupo sa tabi ko.

"Chiana." Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. Shit. Ang init ng mukha ko!

My Instant BoyfriendStories to obsess over. Discover now