MIB-32: spin the bottle part1
"Wahhh! Steve! Nakabalik kanaaaa!" OA na reaction ni Rica nang makapunta kami ng room.
"Pasalubong namin?" Nakataas kilay na sabi ni Drea.
Si Ange naman, hindi nagsasalita. Tinapik ko nga at sabihing batiin si Steve. Nag-"hi" lang siya then bumalik na sa pagsusulat.
Medyo nakalimutan ko na nga yung nangyari. Eh kaso, dumaan pa talaga sila sa harapan ko. Mukhang ang saya nila. Magka-holding hands pa talaga huh.
"Huy," binangga ni Rica yung balikat ko, "sinasabi ko na nga ba eh."
Tumingin lang ako sakanya, hindi na ako nagulat. Alam ko namang, in any minute, malalaman at malalaman din nila eh.
"Magkwento ka nga saamin mamaya, Bree, huh?"
I smiled, a weak one, "sure."
Lumapit kaming dalawa sa gawi ng barkada. Wala daw yung teacher namin sa subject na 'to eh. So, maghihintay pa kami ng one hour para sa next subject.
Ginawa naming circle yung upuan and nagkwentuhan. Si Ace nalang ang kulang sa barkada eh. Okay na yun kesa naman sa idagdag niya rito si Rio. Magwwalk out talaga ako!
Maiingay kaming nagkkwentuhan at nagtatawanan. Nainis ata yung iba naming kaklase kaya lumabas sila.
Sobrang thankful ako kay Rica at Niccolo. Kung malilipat yung topic saamin ni Ace, bigla silang sisingit at magtatanong ng kung ano para malipat yung usapan sa iba.
"Alam niyo ba, nung mga bata kami,"
"Hindi pa." pambabara ni Rica kay Kelly. Nagtawanan naman kami. Haha. Lalo na kapag hindi siya makabawi kasi nga daw mahal niya.
Lumipas ang isang oras na sobrang bilis. Ganun nga daw talaga eh. Kapag nageenjoy ka, saka bumibilis yung oras. Kaya tignan mo kami, isang buwan lang ang forever. Napangisi ako. Two weeks. Two weeks straight lang na hindi kami nagkausap tapos may bago na siya. Or should I say, may binalikan na siya. Ang mas nakakagago lang, hindi man lang niya ako ininform para naman alam ko. Pinagmukha lang nya akong tanga at okay lang ang lahat eh.
Am I now being bitter? Hindi naman maiiwasan eh.
"Hoy, Bree!"
Bumalik lang ako sa katinuan nang tinapik ako ni Steve. Masyado ata ako naging pre-occupied sa mga iniisip ko.
"May problema ba?"
"Ah, wala naman."
Mukhang hindi siya naconvince sa sinabi ko pero hindi na siya nagtanong. Sakto kasing dumating si Ma'am at nagsiayusan kami ng upuan. Whoo! Saved by the bell.
Hindi naman ako mapakali kasi pakiramdam ko may tumitingin sa likuran ko. Pinilit ko nalang na ifocus yung attention ko sa harap.
Kasalukuyan nga pala nilang pinag uusapan yung Christmas Party. Sa December 19 na daw pala yun. 19 talaga? Nang aasar lang.
"Girlfriend, nakikinig ka ba? Ang sabi sa 19 daw yung Christmas Party."
"Oo Steve, narinig ko."
"Taray natin ah?"
Inirapan ko nalang siya ng pabiro. Tumawa naman ang loko.
After nung subject naming yun na wala naman kaming ibang ginawa kundi pag usapan yung Party na yan, sumunod yung last subject.
Nagkaroon pa nga ng surprise quiz. Mabuti nalang at natatandaan ko pa iyon at nakasagot ako. Si steve naman, panay ang kopya sakin. Hindi naman daw kasi niya alam yun. Mabuti at hindi naman kami nahuli.
ESTÁS LEYENDO
My Instant Boyfriend
Novela JuvenilHindi lang pala noodles, coffee, etc. ang instant. Pati BOYFRIEND din! >.< -Chiana Nicole Bree Adriano
